"Hindi ako kasing hangal mo"
--
Ilang minuto lang at bumukas na ang pinto.
Isang babae ang nakatayo doon habang masama ang tingin niya.
Nakita ko na siya. Siya yung babaeng hawak ng mga guwardiya kanina.
Pumasok siya sa classroom at pabagsak na inilapag ang bag niya at sinipa ang upuang nakaharang sakaniya.
Nainis sakaniya ang kaklase kong may badge din ng matamaan niya ito.
Tumayo ang kaklase ko habang aambahan na sana siya ng sabunot ng sinipa ulit ng transferee ang upuan papunta sakaniya.
Sinulyapan ko si mam Naomi na mukhang natutuwa sa nakikita niya.
"Bravo girls. Keep up the good work"
Umalis si mam na parang walang nag aaway sa harap niya at parang napaka ganda ng nangyayari.
Bumalik ang tingin ko sa mga kaklase kong nag aaway.
"Hindi mo siguro alam kung anong ibig sabihin nito no?"
Mukhang hindi niya nga alam ang patakaran dito.
Tumayo ang transferee para sugurin ang babaeng yun na may hawak siyang ballpen.
Anong gagawin niya?! Papatayin niya ba ang babaeng nay badge? Baka hindi niya alam na kamatayan o Detention Hall lang ang pupuntahan ng buhay niya pag ginawa niya yun!
Sasaksakin na sana ng transferee namin ang babaeng may badge ng humarang ako.
"Teka!" Huli na ng naramdaman ko na may makirot sa balikat ko.
Pero imbis na mag alala siya ay umalis siya ng classroom namin.
Nakatingin ang lahat sakin kaya lumabas nalang din ako para sundan ang babaeng yun.
"Sandali!"
Hindi siya lumilingon at nagmadali lalo sa paglalakad. Mas nagmadali rin ako kahit makirot na ang sugat dulot ng nangyari kanina.
Nakarating kami sa isang park. Dun siya umupo at dun narin ako nagtungo.
"Ako ngapala si Ashe Delos Reyes"
"Wala akong paki"
Hindi siya lumingon habang sinasabi niya yun. Naalala ko tuloy ang ugali ni Gwen pag galit.
Umupo ako sa tabi niya at lumayo siya sakin.
"Alam mo ba kung nasan ka?"
Lumingon lang siya sakin sa pagkakataong to ng nakangiti.
"Hindi ako kasing hangal mo"
Alam kong masakit ang sinabi niya at nakakagalit pero mas nangibabaw ang pagkamangha ko sa ganda niya ng ngumiti siya sakin.
"Ang ganda mo ngumiti"
Nanlaki ang mata niya sakin.
Nagalit ba siya sa sinabi ko?
Inirapan niya ako at natawa ako sakaniya.
"Bakit ka natatawa?"
Kumunot na rin ang mukha niya na halatang naiinis na. Ewan ko pero imbis na mag alala dahil sa nainis siya ay natawa ako.
Naalala ko sakaniya si Jiro.
"Nakakatawa ka" simpleng sambit ko.
Bumalik ang tingin niya sa langit kasabay ng pagdapo ng ngiti sa bibig niya.
"Nakakatawa nga talaga"
Nagtawanan kaming parang mga baliw at sa huli natatawa kami dahil ang mga sarili namin ay nasa bingit na ng kamatayan.
Mamamatay na nga ba ako sa lugar na to?
Yohann's POV
Ang mga ngiti niya. Kahawig niya talaga si Charlotte. Parang bumabalik lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"Yohann" napalingon ako kay Philip.
Siya ang kanang kamay ko sa grupo. Siya ang pinakamalapit sakin.
"Kamukha nga niya si Charlotte" bigkas pa niya habang katulad ko ay nakatingin siya kay Ashe.
Nasa likod kami ng isang malaking puno habang sinusulyapan ang bawat halakhak niya.
"Pero hindi siya si Charlotte"
Nakaramdam ako ng galit. Hindi ko alam kung kay Philip o kung kanino man. Basta alam ko nagagalit ako.
"Hindi ko naman sinasabi na siya si Charlotte"
"Pero halata sayo na umaasa ka na pwedeng siya ang pumalit kay Charlotte"
Lumakad na si Philip palayo sa akin. At matapos yun ay tila hinagip ako ng malamig na hangin.
Hindi siya si Charlotte.
Pumunta ako sa dorm ko at dun nag pahinga.
Nagtimpla ako ng kape at inilagay ang honey.
Matagal na rin simula ng buksan ko ang box na to. Kung saan nakalagay lahat ng alaala ni Charlotte.
Sa bawat higop ko ng mainit na kape ay tila sumasabay ang pag tulo ng mainit kong luha.
Nakita ko ang kwintas na ibinigay sakin ni Charlotte nung 8th monthsary namin.
Masayang masaya ko. Ibinigay niya to hindi dahil meron din siya, kundi dahil sign daw ito ng pagmamahal. Kahit hindi naman ako mahilig mag suot ng ganun ay isinuot ko. Pero ngayon, habang hawak ko ang kwintas na to ay parang hawak ko rin si Charlotte na mas nagpasakit ng puso ko.
'Hindi siya si Charlotte'
Paulit ulit yun ang naririnig ko mula sa utak ko.
Hindi ko naman pinipilit na siya si Charlotte.
Lumabas ako para magpahangin.
Nakita ko ang simbolo na paparating na ang ikalawang tradisyon.
Ang kinamumuhian kong parte ng eskwelahan na to.
Ang lahat ng kalokohan at kabaliwan nila ang dahilan kung bakit nabuo kami.
Nakaramdam ako ng matinding galit muli, ngayon ay hindi ko na hahayaan na mangyari uli ang pangyayaring bumago sakin.
Ashe's POV
"Kc" banggit niya sa kawalan.
"Ano yun?"
Ibinaling niya ang tingin niya sakin. "Yun ang pangalan ko. Kc Celestial. Nice to meet you Ashe"
Agad akong natuwa sa sinabi niya. Kahit alam ko naman na hindi ako dapat magtiwala ay nagtiwala nanaman ako.
"Bakit ka napunta dito?" Tanong niya na halatang gustong alamin ang totoo.
"Napunta ako ng hindi ko alam ang totoo. Ikaw?"
"Putangina" natawa ako sa sinagot niya. Nakakatuwa siya. "Nakagawa daw ako ng grave sin sa eskwelahan namin. Dahil dun, pinadala ko dito. Kalokohan"
Sa tingin ko, may kakaiba kay Kc. Hindi siya ordinaryong babae.
"Pero, ang kaibahan natin. Alam ko kung ano ang napasukan ko" tila naluha siya matapos niyang sabihin yun. "Alam kong sa eskwelahan na to kung hindi buhay, pagkatao mo ang kapalit"
Anong ibig sabihin niya sa pagkatao?
"Kung hindi mo ibibigay ang buhay mo, pwes babaguhin nila ang tunay na ikaw"
Nag inat siya at tila patayo na.
"Napakahina mo. Napakapabigat mo. Sa ganiyang ugali mo, maraming mamamatay dahil sayo"
Nang umalis siya ay hindi ko na siya nasundan. Dun ako nawalan ng ngiti at tila nanghina.
Naalala ko si Maggie, si Ranz at ngayon si Jiro. Ang nga taong naging parte ng buhay ko pero napahamak dahil sakin.
Tumulo ang luha ko ngunit hindi ko pinunasan at hinayaang matuyo sa hangin.
Si Kc, sino nga ba siya? Sa tingin ko ay magiging parte siya uli ng buhay ko.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
