Chapter 62: Protected

930 25 0
                                    

"Dare me to touch her and ill lay you to hell"
--

Ashe's POV

Masakit ang mga paa ko ng makarating kami sa dorm. Pero walang nagbago sakaniya.

Iika ika na ako at latang lata. Tatlong oras din pala akong nandun at nakatayo?! Hay naku po!

Uminom muna siya ng tea habang nakaupo ako sa sofa.

Bakit kaya ganun? Kahit wala namang ginagawa at sinasabi si Aizen ay napakasaya ko pa din na kasama siya?

"Sleep now. You need to come with me tomorrow"

"Para saan?"

"Ill tell it tomorrow"

Umakyat na ako pero hirap pa rin ang mga paa ko. Parang may mabibigat na bakal ang binubuhat ng mga paa ko.

Pinagmasdan ko muna si Aizen habang umaakyat ako. Hindi ba siya matutulog? Napakalalim na ng mga mata niya at napakaitim ng ilalim nito. Halatang hindi na siya natutulog. May nangyayari kaya sa gang nila?

Bumaba ako dahil naiihi ako at walang cr dun sa kwarto ko sa taas. Dito naman sa baba natutulog si Aizen.

Nakita kong nakatungo siya sa lamesa at may kung anu anong nakalagay sa ibabaw nito.

Pinigil ko ang pagkaihi ko at nilapitan kung nasaan siya.

Tulog na tulog siya. Gising man o tulog, walang kahit anong mababasa sa mukha ni Aizen. Minsan iniisip ko kung ano ang ang nagpalakas sakaniya para maging ganito.

May ilang canister dun.

"Ano to?" Naidilat ko ng maigi ang mga mata ko ng makakita ng dugo sa mga canister.

Anong ibig sabihin nito?

Malakas at napakalamig ng aircon kaya humanap ako ng maaring ipanlaban ni Aizen sa lamig at nakita ko ang kumot sa gilid na gamit niya pag matutulog dito.

Sobrang pagod ni Aizen. Hindi na siya nakapagpalit pa ng uniform sa buong araw.

Nilagay ko ang kumot sakaniya.

"Aizen, sleepwell"
--

"Wake up"

Hirap na hirap kong idinilat ang mga mata ko dahil inaantok pa ko. Pero ginigising na ako ng taong gusto kong makita palagi.

Napakasaya sa pakiramdam na mukha niya ang una kong makikita kaya kahit antok pa ay napatayo na agad ako.

"Ha?! Alas 7 palang?!" Bakit ang aga niya akong ginising? E 10 pa naman siya usually pumapasok sa office niya

"I have a meeting. You need to come with me"

Hindi na din ako nakalabas simula ng malaman na buntis ako.

"8 will be the call time. So i hope youll get ready before that time"

Nakabihis na siya agad at handa na ang sarili niya.

Nakakaramdam ako ng kaba. Nakakatakot ang lumabas. Parang ang dami kong kalaban sa labas ng silid na ito.

Nakapaghanda naman ako agad at gumamit ng uniform.

Hindi ko mawari ang pakiramdam na meron ako. Parang kapahamakan lang ang maidudulot ng paglabas ko dito.

Sa kakaunting araw na nandito ako sa dorm ni Aizen, gumaan ang loob ko at pakiramdam ko ay napakaligtas ko. Na parang walang panganib na nag aantay sakin.

"Whatever happens, remember that im with you" mariin akong napangiti sakaniya.

Paglabas namin ng dorm niya ay nakita ko ang ibat ibang tarpulin sa paligid at mga posters.

'Tournamentum'

Ito ba ang susunod na tradisyon?

Napahinto ako sa paglalakad ng mabasa ang pangalan ko sa ibat ibang poster na nasa paligid.

Puro Ashe Delos Reyes ang nakikita ko.

'Mortem' kadikit ng salitang yun ang pangalan ko na ang iba ay nakasulat pa gamit ang dugo.

Nangatog ang buong katawan ko at parang ayaw ko nan tumuloy sa paglakad.

Naramdaman kong hawak ni Aizen ang mga kamay ko ngunit hindi ito nakatingin sakin.

Dahil sa hawak niya ang kamay ko ay napilitan akong maglakad hanggang sa makakita kami ng malaking tarpulin.

'Grave sin should be paid by great life. Death is a lesson and suffering is a teacher. Commit your mistake and they will emmit your punishment. Be ready for the next tradition. Ashe Delos Reyes'

"Aizen, ano yan?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko pero wala pa ring pagbabago sa mukha niya. Hindi pa rin ito nagbabago mula sa pagiging kalmado.

"Hindi ka mamamatay. Im the father of your child"

Isang pintuan ang papasukin namin ni Aizen. Hindi ko alam ang mangyayari pero dahil kasama ko si Aizen ay mas gumagaan sakin na tanggapin ang lahat ng ito.

Pagpasok namin ay bumati ang lahat. Malaking kahoy na table ang uupuan namin.

Nandun din ang ibang miyembro ng GG na sina Jiro, Yohann at Lorde.

May iba pang nasa upuan pero hindi ko sila kilala maliban kay Kathleen. Pansin ko ang mga badge sa kanang manggas nila pero wala na nun si Aizen.

Gulat na gulat din sila kung bakit andito ako.

"Why is she here?!" Mula sa isa sa kanilanna napatayo pa.

"Lets start" simpleng tugon naman ni Aizen.

Sa tantsa ko mga nasa 20 kaming nandito. Marahil ant lahat ng nandito ay mga taong may katungkulan at humahawak ng mga malalaking posisyon sa eskwelahan na to.

Ako lang ang walang alam sa pinag uusapan nila tungkol sa susunod na tradisyon.

Pinagtitinginan nila ako. Yung iba, nakakatakot tumingin. Ang iba naman ay pangiti ngiti at ang iba ay nananakot.

Napansin ko rin si Jiro na kanina pa nakatingin sakin. Gusto ko sanang sabihin sakaniya na ayos lang ako.

Mahaba ang usapan nila. Paminsan ay may sagutan. At kung minsan ay may tawanan din. Aakalain mong parang gumagawa lang sila ng program sa isang simpleng araw. Pero hindi.

Tulad ng parating nakikita ng lahat kay Aizen ay hindi ito palasalita. Kaya kung minsan ay nakakakaba rin pag siya na ang nagbitaw ng sasabihin.

Pinag uusapan nila kung paano ang magiging takbo ng susunod na tradisyon at laking gulat ko ng idawit ng isa sa kanila ang pangalan ko.

"Youll die on that day Ashe Delos Reyes" mahina siyang tumawa at nakita ko kung paano mabuo ang tensyon sa apat na sulok ng kwartong iyon.

"Shut your mouth or ill shut your life!" Mukhang napikon nanaman si Jiro dahil sa narinig niya.

Kung malakas lang ako, yari rin sakin tong babaeng to e! Ang yabang niya nakakainis.

"That will happen if i allowed to." Napatingin kaming lahat kay Aizen na nagsalita mula sa pagiging tahimik na tagapakinig. "Dare me to touch her, and ill lay you to hell"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon