"Iba sa halik niya kagabi, naramdaman ko ang pagkabanayad at totoo ng halik ngayon ni Gray."
--Gray, iligtas mo ang GG.
"I want to marry Ashe Delos Reyes"
Ano?!
Nagkamali ba ako ng rinig?
Nagbibiro ba siya?
Niloloko niya lang ba kami?
O palabas lang to?
Nakita ko ang pagtawa nila mam Naomi at ang mga kapatid niya dahil sa narinig nila kay Gray.
Gray?! Ano bang sinasabi mo diyan?!
Wala namang pagbabago sa mukha ni Aizen. Alam ba niya to? Pero bakit siya pumayag?!
Imbis na iligtas ang GG nakuha pa talagang gawin to ni Gray?! Ha?!
"Wow! That is a very good wish! Your wedding will be set tomorrow. And we are all invited. Best wishes for the both of you"
Dinala ako ng mga guwardiya sa tutuluyan namin ni Gray. Kahit nagpumiglas ako ay hindi ko na sila malabanan.
Nandun naman si Gray na katatapos lang maligo.
"Bakit mo to ginagawa Gray? Na imb--Gray ano ba?!!" Pilit kong nilalabanan ang marahas niyang paghalik sakin pero hawak hawak niya ang kamay ko at mahigpit akong itinutulak ng katawan niya.
Grabe! Hindi ko alam kung lasing siya o ano para maging ganito ang reaksyon niya! Napaka agresibo!
"Gray tam--Gray!"
Hindi pa rin siya tumitigil hanggang sa mapahiga na ako sa sofa at magamit ang paa ko para mailayo siya pero malakas si Gray para dumagan sakin.
Gray shirt lang ang gamit niya at shorts kaya nakakainis na ganito ang nangyayari samin sa loob ng kwarto niya.
Pinatay niya ang lampshade na nagsisilbing ilaw namin sa loob ng kwarto.
"Gray! Please stop!"
Tumigil din naman siya sa ginawa niya.
Tumayo ako at sasampalin ko pa sana siya ng mapigilan niya ang kamay ko at muli akong hinalikan ngunit mabilis lang.
"Youre too slow Love"
Pumasok siya sa isang pinto at iniwan ako sa madilim na kwartong iyon.
Hinawakan ko ang labi ko habang may tumutulong luha sa mga mata ko.
Lorde, ilabas mo ko dito.
--Inaayusan na ako ng lahat para sa kasal ko ngayong alas 10 ng umaga.
Alas 8 palang ay ipinaghanda na lahat ng gagamitin ko.
Mula sa magandang kulay gray na Trahe De Boda hanggang sa magagarang alahas.
Kung tutuusin, ito siguro ang pinaka pinapangarap ng lahat na kasal, kung wala lang sa gantong klase ng lugar.
Isa ang nag aayos ng buhok ko.
Isa ang nag aayos ng mukha ko at isa naman para sa nag aayos ng damit ko.
Nakatulala lang ako sa salamin.
Hindi ko alam kung bagay ko pa ba ang ginagawa sakin o hindi. Basta ang alam ko lang ikakasal ako ngayon.
Ikakasal ako sa taong pinangarap at pinantasya ko. Pero, hindi sa ganitong lugar, panahon at paraan.

BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...