Chapter 150: Final Fight

526 12 5
                                    

"GG, ill be on my throne because of you and for you"
--

Ashe's POV

Mabagal kumilos si Uno. At hindi ko yun inaasahan.

Pero masyadong mabigat ang bawat bitaw niya ng galaw.

Kung ganun, kahit gaano siya kabagal, pag nawala ako sa konsentrasyon, matatalo niya ako.

Malalaki at mahahaba ang kamay niya kaya mabilis niya akong mahagip mabuti nalang at nakatuon lang sakaniya ang isip ko.

Pero bigla siyang tumigil.

Napansin niya siguro na pinapagod ko siya.

Lumayo siya ng limang hakbang sa akin.

At saka siya pumikit.

Anong ginagawa niya?

Nakakapagtaka at nakakaaalarma na naging kalmado siya uli.

Umurong din ako kaunti.

At tinantsa ang gagawin niya.

Hanggang sa mabilis naman siyang umatake na sa tiyan ko pero nakaiwas ako at dahil sa pag iwas na yun ay napadugo niya ang labi ko ng malaman ko na hindi pala siya sa tiyan ko lang nakatuon. Double purpose pala ang pag atake niya.

Napangiti ako muli nung malasahan uli ang malansang dugo.

Wag ka mag alala. Gusto ko ang lasang to at talagang namiss ko to.

Hanggang sa napakabilis na niya akong inatake at tuloy tuloy na rin ang pagdura ko ng dugo.

Tinignan ko ang GG, ang tanging nagbibigay sakin ng lakas para labanan ang Trio. Ang naglaro sa aming lahat.

Ako naman ang umatake sakaniya.

Mabilis akong tinapakan siya at nakarating sa balikat hanggang sa umikot ako sa ere para paa at kamay ko ang kumilos para pabagsakin si Uno.

Pero malakas din si Uno at naibato lang ako.

Bumagsak ako sa matigas na sahig ng stage.

Rinig na rinig ko ang sigaw ng GG.

Tatayo pa lamang ako ay inatake na agad ako ni Uno dahilan ng pagtalsik ko uli.

"Ano ba yan Nathalie? Hindi manlang sumakit ang mga balikat ko sayo" ngisi niya.

Ngumisi din ako.

Ngayon gagayahin kita.

Agad akong umatake para atakihin din ang sikmura niya pero nakaiwas siya at saka ko umikot sa ere at ibinaon ng malalim ang hintuturo at ang middle finger ko sa leeg niya dahilan ng panlalambot niya. Kitang kita ko ang malayang pagdurugo non.

"Double purpose" Bigkas ko.

Nakita ko na ang galit sa mga mata ni Uno.

Sa tingin ko ay magseseryoso na siya tulad ng sinabi ni Teacher Ann.

Pinupunasan niya gamit ang kaniyang mga kamay ang dumudugo niyang leeg.

Bakas sa mata niya na masakit iyon.

Medyo bumubugso bugso ang pagkirot ng parte ng katawan ko na inatake kanina ni Uno.

"Nabuhay ka din pala sa loob ng BEU hindi man ganun katagal, pero buhay oa din. Nakalimutan ko yun" ngisi niya na tila may kinukwento pero alam ko na agad na may binabalak siya.

Hanggang sa unti unting nagdidilim ang paningin ko at nanlamig ang pawis ko.

Kumunot ang noo ko nang maaninag na ang lahat ng GG ay tila napapalibutan ng mga gwarfiya sa eskwelahan na may malalaking baril.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon