"Paano ko kayo maililigtas kung hindi ko kayang protektahan ang sarili ko?"
--Ashe's POV
Hindi na ako nakatulog mula kagabi dahil sa pag iintay ko sa magiging desisyon ni Lady M.
Hindi ko alam kung napaniwala ko na siyang kaya ko. At sana naniwala nga siya.
Kailangan niyang mabibigay sakin ang seal para mapalaya ko si Gwen at mapalabas dito.
Kailangan ko ang seal para mapagtibay ang mga gagawin kong batas.
Kung mabuhay lang ang tanging batas dito, madaming mamamatay.
Lingon ako ng lingon ng oras. Mula alas 9 tinitignan ko na ang orasan ko hanggang ngayong hapon na.
Napabuntong hininga ako at ininom ang tsaang hinanda ni Ken.
Ibibigay niya kaya sakin? Magtitiwala kaya siya?
Mula kagabi hindi talaga ako nakatulog sa pagtatanong niyan.
"Ashe, nasa labas na si Lady M"
"Papasukin mo na siya"
Inayos ko ang sarili ko para hindi niya mahalata ang pagkataranta ko. Kailangan maipakita kong kaya ko.
"Goodafternoon Lady M"
"Goodafternoon"
Umupo siya sa sofa na nasa harap ko at mas maayos ang mukha niya ngayon.
"Napag isipan mo na ba ang alok ko?"
Nginitian niya ako at tumango. "Pero may ilan lang akong tanong"
"Sure"
"Bakit bumalik ka pa? Alam mo bang isinugal namin ang lahat sayo para lang mailigtas ka mula sa lugar na ito at para mailayo ka sa mga papatay sayo? Pero bakit mas pinili mong lapitan sila"
"Kailangan kong maipagtanggol ang sarili ko, kung sakaling wala na kayo"
"Kung ganun, sa tingin mo ba sapat ka na? Sa tingin mo sapat na ang mga kakayahan mo at nalalaman mo para harapin lahat ng demonyong nandito?"
"Kailangan kong subukan kaysa hintayin lang ang kamatayan ng lahat ng nagtatanggol sakin. Kahit gaano pa kalakas ang ibigay niyong magtatanggol sakin, kung hindi ko naman maipagtanggol ang sarili ko, balewala ang lahat ng iyon"
Hindi siya sumagot at ngayon ay ininom na niya ang tsaang inihanda ni Ken.
"Kung ganun, para makasiguradong kaya mo, kung kailangan mong patayin kami para mabuhay ka, kailangan mo yung gawin. Kailangan mong mabuhay ano man ang mangyari at yun ang pinaka mahalagang dapat mong matutunan"
"Hindi. Hindi ko yun gagawin kailanman. Pinilit kong mabuhay para sa lahat ng nagligtas, nangangailangan at nagmamahal sakin. Kaya kung wala ang mga taong yun, walang rason ang pagbalik ko"
"Ashe!" pagtataas ng tono nito sa kaniyang pananalita.
"Ako si Nathalie Rose. Yun ang totoo kong pangalan at alam kong alam mo yun. Walang rason para ilihim yun"
"Bago ko ibigay ang seal, ipangako mong handa kang magsakripisyo. Kahit pa ang buhay ng mga taong mahalaga sayo. Yun lang. At ibibigay ko sayo ang gusto mo"
"Hindi Lady M. Kung sarili ko lang, kaya kong isakripisyo ang lahat. Pero kung ang mga taong naging dahilan kung bakit ko pinili ang ganitong landas ang magiging sakripisyo, hindi iyon ang kailangan kong matutunan" uminom din ako ng aking tsaa at nagpatuloy pa. "Buo na ang desisyon kong lumaban para sakanila. At sila lang ang dahilan ko. Kaya walang rason para talikuran ko sila"
Kahit hindi siya sumagot alam kong nakumbinsi ko siya ng ilabas niya ang selyo at ibigay iyon sa akin.
Inurong niya ito at habang lumalapit ay nararamdaman ko ang mas malalim pang responsibilidad na haharapin ko.
"Lady M, salamat"
"Hindi ko ginawa iyan para pasalamatan moko. Ginawa ko to dahil umaasa akong pagdating ng panahon pasasalamatan kita"
Lumabas siya ng kwartong iyon at iniwan akong nakangiting naluluha.
Oo. Lady M, ipapangako kong pasasalamatan moko at maipaghihiganti ko si Aizen.
Aizen, Gwen, Ranz. Ngayon palang magsisimula ang laban ko para sa inyo.
Gwen ililigtas kita.
*tok tok*
"Ashe, nasa labas si Lorde. Nagpupumilit siya na makausap ka"
"Sge Ken. Papasukin mo na siya"
"Sigurado ka ba?"
Tumango ako at ilang minuto lang ay dumating si Lorde ng may malungkot na mga mata at nakasuot ang kaniyang maskara.
"Ashe bakit bumalik ka pa? Bakit nandito ka pa? Bakit kailangan mong isugal ang sarili mo uli? Bakit kailangan mong makipaglaro kay Kamatayan sa loob ng eskwelahan na to?" Habang sinasabi niya iyon ay kumikirot ang dibdib kong tignan siyang naluluha. Ang mga matang iyon ang minsang naging kahinaan ko.
"Hay--"
"Ashe! Hindi mo ba alam na nagpakahirap kaming lahat para mabuhay ka?"
"Kaya ako bumalik dito para pagbayaran lahat ng paghihirap na yun"
"At sa tingin mo magagawa mo yun? Kaya mo yun? Hindi ka ba natatakot para sa buhay mo?! Ha?! Hanggang ngayon ba galit ka pa rin sakin kaya mo yun nagawa? Hanggang ngayon ba galit ka pa rin dahil sa ginawa kong pagpapanggap na ako si Aizen?! Nandito ka ba para singilin ako? Nandito k--"
Niyakap ko ang lumuluhang si Lorde at tinapik ang kaniyang likod. Dahan dahan ko itong tinapik para pakalmahin ang damdamin niyang tila matagal niyang itinago.
Naalala ko ang sinabi niya sakin na kahit kailan ay wala pa siyang nakausap tungkol sa problema niya.
"Lorde, hindi ako galit. At hindi ako nagalit sa ginawa mo. Nagpapasalamat ako na mung mga panahong mahina ako at napakarupok na, inalalayan moko at binigyan ng pagkakataon para mabuo ang sarili ko. Dahil dun, nagpapasalamat ako"
Hindi ko inalis ang pagkakayakap sakaniya at nagpatuloy lang kahit nararamdaman ko ang pagtulo ng mga luha niya sa balikat ko.
"Hindi kita tinurin na masamang tao Lorde. Hindi" humarap ako sakaniya at pinunasan ang mga luhang nangingilid sa mga mata niya. "Hindi mo kailangang gamitin ang contact lenses na yan para maitago kung sino ka talaga"
Alam kong nagulat siya sa sinabi ko mula sa reaksyon ng mga mata niya.
Alam kong hindi itim ang kulay ng mga mata niya. Alam kong nakacontact lense siya kahit hindi ko titigan.
"P-p--"
"Hindi mo kailangan ilihim sakin yun" sagot ko sa naputol niyang tanong. "Wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi ako bumalik para gantihan ka. Bumalik ako sa mga pribadong rason. At gagawin ko to kahit ano man ang maging kapalit. Hindi na mababago ang isip ko. Ililigtas ko ang kaibigan ko. Pagbabayaran nila ang ginawa nila kay Aizen at aalamin ko kung sino ang pumatay sa kapatid ko. Yun ang kailangan kong tapusin Lorde"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...