Chapter 147: Aizen Vs. Lorde

447 12 0
                                        

Aizen Asuncion Vs. Lorde Delos Reyes
--

Lorde's POV

"Kahit sino ang manalo kila Yohann at Jiro, wala na ako dun. Basta ikaw ang papatay kay General sapat na yun"

Hindi aki umiimik sa kanina pang putak ng putak na si Dos.

"Basta ibigay niyo sakin ng maayos ang katawan ni Ashe walang magiging problema"

Pumalakpak siya at tila may naisip na kung ano. "Hindi lang katawan ni Ashe ang makukuha mo"

Bumukas ang isang pinto at lumabas don ang tauhan niya habang may babaeng natatabunan ang mukha ng buhok ang nakasakay sa isang wheel chair.

"Sino yan?"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Bestfriend ni Ashe"

Napatitig ako sa babaeng yun.

KC!?!

Napakuyom bigla ang kamao ko at napasunggab agad sa kwelyo ni Dos.

"A-anong ginawa mo sakaniya?!" Buong gigil kong sambit.

"Hahahahaha! Kalma lang Lorde. Hindi ako ang gumawa niyan. Si Uno"

Si Uno?! Sino ba siya sa akala niya?

Mas hinigpitan ko ang pagkapit sa kwelyo ni Dos at bumulong.

"Pag bangkay na rin ng babaeng yan ang ibinigay mo sakin, pagpipira pirasuhin kita. Tandaan mo tong sasabihin ko, kukunin ko ang bangjay ni Ashe ng malinis, mabango at maganda dahil kundi, pagpapalitin ko kayo ng mukha ni Uno"

Palabas na ako ng humalakhak nanaman siya.

"Hindi naman kita maintindihan talaga Lorde. May Ashe ka na may Kc ka pa?"

"Shut up. Wag mokong hamunin"

Tuluyan na akong lumabas.

Pagdating konsa dorm ko ay handa na lahat ng gamit ko na kanina ko pa hinanda para makapag bihis agad.

Maya maya ay kumatok don si Axl.

"May isa lang akong tanong"

"Ano yun?" Sagot ko na hindi nakatingin sakaniya.

"Alam kong hindi ka natatakot sa Trio, kaya bakit ka nagpapagamit sakanila?"

Umiling ako habang natatawa. "Hindi ako natatakot sakanila, kaya ako dapat ang katakutan. Hindi ako nagpapagamit sakanila, dahil sila ang ginagamit ko. Ako ang hahawak ng BEU"
--

Wala kong gana sa mga kunwaring program program na to. Alam ko rin naman na maya maya magpapatayan na yan. Kaya kalokohan lang lahat to.

May kunwaring pa opening remarks pa ang mga opisyal.

Magara naman lagi ang mga ganap dito sa BEU at napuno ng pagkagray ang lahat ng makikita mo.

Si General, ay hindi. Si Gray kasi ang gumawa nitong program na to.

Sabagay, maganda naman ang kinalabasan.

Pero mas maganda sana ang ganitong pangyayari kung nandito si Ashe. Yung pakiramdam na makasayaw siya ang isa sa mga pangarap ko.

May napansin lang akong kakaiba.

Pati pala ang nga opisyal binibigyan na ng mga waitress ng inumin? Sabagay, wala naman akong pakialam.

Pinanonood ko na ngayon ang napakaboring na laban nila Jiro, at syempre si Jirong hangal ang nanalo.

Nakakabagot.

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon