"At kung magpapakilala pa ako Jiro, mas lalo mo akong hindi makikilala"
--
Jiro's POV
Sino kaya ang lalaking to? Wag mong sabihin na boyfriend to ni Lampa?! Tss. Parang wala naman tong alam.
"Hoy, nasan si Ashe?" Tanong ko. Abat nginitian lang ako at inabot ang kamay niya na tila makikipagshake hands? "Ano yan?"
"Im Ken. Nice to meet you Brokers Leader Jiro Millares"
Napakunot ang noo ko dito sa taong to. Hindi naman siya mayabang pero parang iba siya sa iba e. Hindi ko lang alam kung ano ang nagpaiba sakaniya. Hays. Hindi naman siya ang pinunta ko dito kaya wala na akong paki dun.
"So Ken, bakit ka nandito kaano ano mo si Ashe ko? I mean Ashe na kaibigan ko? Ah no. Bakit ikaw ang nasa labas ng dorm niya?" Takte sa dami mg tanong ko hindi ko alam kung saan ang uunahin kong itanong e.
"Ako kasi ang nagbabantay sakaniya. Sa ngayon busy pa siya kay--"
"Okay lang Ken. Hayaan mong mag usap kami ni Jiro. Salamat"
Pagkasabing ganun ni Ashe ay umalis naman agad yung Ken.
Bakit ganito? Nakaramdam ako ng panlalamig ng paligid.
Umupo kami sa table at dun nag usap kami ng magkaharap.
Ewan ko. Pero bakit napakaseryoso ng Ashe na kaharap ko. Ni ayaw kong makipagtitigan sakaniya. Parang malulusaw ako sa sobrang init ng mga titig niya.
Nagbago nga ba siya o talagang namiss ko lang siya?
"Jiro?" Kanina pa pala niya ako tinatawag?! Tangina! Nakakawala naman sa focus.
Umubo ako kaunti at inayos ang vocals ko. Kailangan maayos ang boses ko pag kinausap ko siya.
"Oh, Ashe bakit bumalik ka? Namiss mo ba ako?"
Teka?! ANONG SINABI KO?! Bakit ganun ang sinabi ko?!
Butil butil na pawis ang sunod sunod na tumulo mula sakin habang tinititigan ako ni Ashe! Grabe hindi ba siya mabiro?!
"Bumalik ako para sa napakaraming rason Jiro"
"Pwede ko bang malaman kung ano ang mga iyon para isugal mo uli ang buhay mo at makipaglaro uli sa loob ng impyernong ito?"
Nakaramdam ako ng kaseryosohan kahit gusto ko sana romantic lang kami hays. Ashe ko.
"Lahat ng sakripisyo niyo para sakin ang naghatak sakin pabalik dito"
"Hind--"
Ngayon ko lang nakitang magkaroon ng ganito katapang na mga mata si Ashe. Mukhang pursigido siya sa ginagawa niyang panganib.
"Lahat ng dugong ipinatak niyo para sakin. Lahat ng luhang iniyak ko, sisingilin ko sakanila. Lahat"
Hindi na siya ang iyakin na Ashe na kakilala ko pero hindi ko gusto ang Ashe na nasa harap ko ngayon.
"Pero Ashe, hindi mo kailangang gawin yun. Nandito kaminpara peotektahan ka kaya hindi mo kailangang gawin ang mga it--"
"Hanggang kailan niyo ako kailangang protektahan Jiro? Pag ubos na kayo?" Hindi ko alam kung nabulunan nga ba ako sa sinabi ni Ashe. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay tama siya?
Marahil dahil alam kong mahina na mahina na ang GG dahil sa mga kamalasan na meron kami bilang mga leader. Tanging si General nalang ang maaari naming asahan dahil siya lang ang walang galos.
"Pero Ashe nababahiran ka na ng dugo, napatay mo na si Kathleen? Alam mo bang ginawa ko ang lahat para hindi lang mabahiran ng dugo ang inosenteng mga kamay mo?"
"Hindi ko siya pinatay Jiro. Ginawa ko lang ang paraan na yun para ako ang maupo dun at walang tumutol"
Kakaiba na siya.
Naalala ko lang nung makita ko ang nag uumagos na dugo ni Kathleen mula sa laslas niyang leeg na tinitigan lang ni Ashe.
Nakakaramdam tuloy ako ng pagtaas ng balahibo dahil tila hindi siya ang babaeng minahal ko.
"Ashe, hindi na kita kilala"
Malungkot na saad ko. Hindi ko alam pero yun ang gusto kong sabihin. Ayoko man pero nasabi ko nang mawalan ako ng control.
Parang namatay ang hangin dahil sa katahimikan.
Kung totoong si Ashe nga na minahal ko ang kausap ko ngayon, nakakalungkot isipin na nagbago ang buo niyang pagkatao. Kahit ang puso.
"At kung magpapakilala pa ako Jiro, mas lalo mo akong hindi makikilala" malamig na pabulong niyang hayag.
Parang maiiyak ako dahil namimiss ko ang dating siya. Hindi siya masayahin pero ang mga ngiti niyang nag aalis sakin pansamantala sa lugar na to. Ang nakakainis na si Ashe. At hindi ang Ashe na kaharap ko. Ang Ashe na naging isang nakakatakot na halimaw ang pakiramdam kong kausap ko ngayon.
"Ginagawa mo ba to para gumanti?"
Tumingin siya malayo sa direksyon ko at sumingkit ang mga mata.
"Hindi lang ako bumalik para gumanti. Bumalik ako para matuto" kumunot ang noo ko at nakita niya iyon kaya nagpatuloy siya sa sinabi niya "Ikaw na mismo ang nagsabi sakin noon, na kahit alam mong kaya mong lumabas, pag nalaman ko ang totoo mas pipiliin kong manatili dito. At ngayong alam ko na, naintindihan ko kung bakit nandirito ka pa din. Kayo"
"Ashe," Punong puno ng emosyon na tawag ko sakaniya.
"Maraming salamat sa mga itinuro mo sakin. Panahon na para gamitin ko iyon"
"Kaya mo ba sila? Paano pag napahamak ka? Paano kung, paano kung mawala ka? Paano na ang antidote para sa lahat ng nandito? Alam mong ikaw ang pag asa namin kaya kailangan mong mabuhay"
"Mabubuhay lang ako pag nakita ko kayo ng buhay"
Dire diretso lang siyang nagsasalita. Walang paghinto siyang nagpakawala ng ganun kaaanghang na mga salita.
"Natatakot ako Ashe. Hanggang ngayon natatakot pa din ako dahil baka ay mapahamak ka. Natatakot ako. Alam mo ba na sobrang saya ko nung nalaman na nailabas ka nila Lady M? Dahil alam kong wala ng dahilan para matakot ako at makalaban. Pero ngayong nagbalik ka, nagsimula nanaman akong matakot na baka bukas o mamaya, makipagkasundo nanaman ako sa langit maibalik lang ang buhay mo"
Tinititigan ko ang maiinit niyang mga mata pero wala akong makitang kahit kaunting pagsisisi sanmga ito.
"Kailangan kong kayanin. Atleast kung mawala ako dahil dito, wala akong pagsisisihan na hindi ko manlang nagawa" tumayo siya na wala uling ekspresyon sa kaniyang mukha bago nagbigay ng napakapait na ngiti. "Sa susunod magmeeting tayo sa office mo para naman makapagbasa din ako paminsan"
Pumasok siya sa dorm niya ng nakapamulsa habang naiwan niya akong nakatulala.
Ashe, kahit pa nagbago ka na, hindi pa rin ako nagbago. Handa ko pa rin isugal ang buhay ko para sayo.
Ashe, mahal na mahal pa rin kita. At yun ang hindi nagbago.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
