Chapter 35: Catcher's Leader

1K 25 2
                                    

"Please stop"
--

Ashe's POV

Simula ng sabihin sakin ni Jiro ang bagay na yun ay hindi ko na siya nakita.

Ganundin si Kc na matagal ko na talagang hindi nakikita.

Hindi na nga rin siya nakatira sa building ng dorm namin. Baka sa ibang dorm na siya pumunta.

Nagkaroon ako ng galos ng may tumama saking ligaw na patalim galing sa mga nag aaway sa daan.

Ewan ko pero naging normal na sakin ang makakita ng ganun. Mga nagpapatayan sa paligid.

Nagpunta ako sa clinic dahil medyo malalim din ang natamo kong sugat.

Nadatnan ko dun ang isang nurse.

"Nurse ipapagamot ko lang sana ito"

"M-mam Ashe Delos Reyes?! Kayo yun diba?!"

Nagulat ako sa naging reaksyon ng nurse na yun. Parang mas nagulat pa siya sakin kaysa sa sugat ko.

"Ah o-oo bakit?"

"Sandali lang mam"

Pumunta siya agad sa telepono at may tinawagan habang ako naman ay hawak ang sugat ko at pinipigilan itong magdugo.

"Mam, pakihintay nalang po si sir Yohann. Utos niya po kasi saming lahat na kapag dinala ka sa clinic, siya lang ang pwedeng gumamot sayo"

Natameme ako sa sinabi ng nurse na yun.

Naiwan tuloy ako sa malaking clinic na ito. Medyo nakakatakot nga dahil puro puti ang paligid.

Hindi naman nagtagal at dumating din si Yohann.

"What happened?! Are you alright?!"

Nalukot ang mukha ko sa sobrang pagkabigla sa reaksyon niya.

Bakit ganito ka Yohann?

Yohann's POV

Nanlamig ang paligid ng makita ko ang babaeng yun.

Sugatan siya at kahit may background na ako sa pagiging doktor ay kinabahan pa rin ako.

"What happened?! Are you alright?!"

Napaurong siya kaya baka nagulat ko siya.

Hinanap ko agad ang pang gamot sa mga sugat niya.

"Who did this?" Tanong ko habang pinupunasan ang mga sugat niya.

"Natamaan lang ak--"

"Kahit kailan napakatigas ng ulo mo! Charlotte ano ba?! Hindi mo sila kailangan ipaglaban! Hindi mo sila obligasyon!"

"Hindi ako si Charlotte"

"Hanggang kailan magiging matigas ang ulo mo?! Kailan ka ba matututo?! Paano kita maipaglalaban kung ikaw mismo ang nagpapahamak sa sarili mo!"

"P-pero?! Hin--" hinawakan ko ang dalawang balikat niya.

"Charlotte! Ayokong..ayokong bandang huli ikaw ang maging panlaban nila labas sakin! Alam mong ikaw ang kahinaan ko! Naiintindihan mo ba yun?!"

"Hindi nga ako si Charlotte! Ako si-ako si Ashe! Yun ang pangalan ko! Hindi Charlotte!"

Lumapit ako sakaniya at naluha dahil natatakot akong mawala siya sakin.

"Charlotte, hindi ko maibabalik ang sarili ko sa dati kung mawawala ka sakin"

Napaiyak ako habang sinisigaw sakaniya ang gusto kong mangyari.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon