"Kailangan na niya ng tulong"
--
Lorde's POV
Mababaliw din akong mag bantay ng baliw!
Paulit ulit kong tinawagan si Jiro at Yohann dahil sabi nila ay babalik sila pero hanggang ngayon hindi pa rin sila bumabalik.
Paano ako makakatiyaga dito kung baliw ang kasama ko at tinatawag akong Aizen?
Nagsasalita mag isa at hindi naman nakakaintindi ng sinasabi?
Wala na. Baliw na talaga siya.
Paano pa namin siya mapapakinabangan?
Medyo madami na rin ang lumabas na dugo sakaniya dahil ng madatnan ko siya ay magpapakatay na. Mabuti nalang at hindi niya pa nalaslas ang buong leeg niya. Mabuti nalang at pumasok ako agad. Mabuti nalang.
Narinig ko nag doorbell at nandito na sila.
"Ano yang dala niyo? Akala ko ba sa clinic siya dadalhin?" Tanong ko ng makakita ng ibat ibang hospital kits.
"Ayaw ipaalam ni General sa iba na gising na siya"
Ano?! Dito pa rin ang babaeng yan?!
Lumabas ako ng kwarto ng dumating sila at hinayaang sila ang magbantay sa baliw na yun at mas naging panatag ang buhay ko. Tanginang pag ibig. Nakakabaliw pala.
Ashe's POV
Pagkagising ko ay nasa kakaibang kwarto ako. Kwarto ba to ng dorm ni Aizen?
Una kong hinanap si Aizen pero si Jiro lang ang nakita kong nasa tabi ko.
"Jiro nakita mo ba si Aizen?"
Nakatulala lang siya sakin at pumatak ang luha sa kaliwang mata niya. Pinunasan ko ito at binalik muli ang paghahanap ko sa buong kwarto.
"Jiro nas--"
"Ashe wala na siya"
"Wala na? Umalis? May pinuntahan? May binil--"
"Patay na siya Ashe"
Bakit ba gustong gusto nila akong biruin na patay na si Aizen? Bakit ba nila sinasabing patay na si Aizen?
"Hindi Jiro. Nakita ko siya. Maayos siy--"
"Tatlong araw kang tulog. Wala kang kinain o kahit ininom manlang. Sobrang laki na ng ipinayat m--"
"Nasan si Aizen? Hindi ako nakikipag--"
"Hindi rin ako nakikipagbiruan Ashe! Wala na siya! Patay na siya! Mahirap tanggapin oo pero kung papatayin mo lang ang sarili mo, mababalewala ang lahat ng isinakripisyo niya sayo!"
Hindi ako makapagsalita habang lumuluha si Jiro.
Maya maya pa ay pumasok si Yohann na dala ang medicine kit niya.
"Ashe,"
Hindi ko siya nagawang batiin. Nakatingin lamang ako sakaniya habang papalapit sakin.
Tinanggal ko ang anumang nakakakabit sakin at tumayo para ako mismo ang maghanap sakaniya.
Alam ko ang totoo. Alam kong nakita ko siya kagabi. Alam ko yun.
"Ashe, nahihirapan din kami pero kailangan muna natin tanggapin" hawak hawak ni Yohann ang kaliwang kamay ko at pinipigilan akong makalayo.
Marahas ko itong tinanggal dahil wala kong oras para sa kalokohang ito.
"Nakita ng dalawang mata ko si Aizen. Nahawakan ko pa ang kamay niya" naluluha kong saad. "Kaya tigilan niyo naman ako sa mga sinasabi niyo! Maawa kayo! Nasasaktan na ako!"
Kumawala uli ang napakarami kong luha mula sa parehong mata ko.
Natulala ako ng mapagtanto ko ang lahat dahil natahimik si Yohann at Jiro habang lumuluhang kagaya ko. Ibig sahihin, hindi to biro o kung ano lang. Totoo na nga ba to?
"Hindiiiii! Hindi patay si Aizeeeeen. Hindiiiii"
Niyakap ako ni Jiro at nakita ko rin ang pagluha ni Yohann.
"Aizzzzzeeeeeeeeennnnnnn!!!" Pagsusumigaw ko. Nagbabakasakali na marinig niya ako.
Nagbabakasakali na makita ko siya.
Nagbabakasali lang naman.
Aizen, patawarin mo ang kahangalan ko.
"Ashe, huwag mo na uling susubukang patayin ang sarili mo. Isinugal ni Aizen ang buhay niya para sayo. Kaya pilitin mong mabuhay kahit mahirap" malungkot na saad ni Jiro.
Paano ko, paano ko makakayanan na harapin ang lahat ng iyon kung nandito si Aizen sa alaala ko. Kung saan huhay na buhay siya at kung saan gusto kong balikan ang mga alaalang yun.
At sa tingin ko, ako nga ang may kasalanan ng pagkamatay niya.
Lorde's POV
Tulog na ang babaeng yun.
Pero kanina, habang naririnig ko siya ramdam ko ang matinding emosyon na humahawak sakaniya.
Hindi alam ni Aizen na may ganitong tao ang masasaktan pag iniwan niya. Hindi niya alam na may nagmamahal sakaniya ng higit sa kahit ano. Ng higit sa kapangyarihang meron siya.
Kanina, hindi ko tuloy alam kung dapat bang patayin ko na ang babaeng yun dahil wala siyang silbi o dapat ko siyang patayin para hindi na niya maramdaman pa ang sakit. Hindi ko pa napag iisipan.
Masyado pa akong abala sa pag iisip kung ano ang mangyayari sakaniya matapos nitong araw na to.
Ang mga iyak niya, hindi na rin naman maririnig ni Aizen kaya balewala na rin yun. Kung ako sakaniya kakain na ako at iinom ng tubig at magkasilbi sa mundo.
Ang paghihinagpis niya, makakaubos lang din naman ng lakas at hindi naman malakatulong. Kaya kung ako sakaniya, magpapahinga ako at magpapakalakas para sa susunod na tradisyon ay mabuhay siya at magamit namin.
Tss. Hindi yung ganiyan siya. Parang siya na mismo ang tumatawag kay Kamatayan.
Lumabas na si Jiro at Yohann ng kwarto at kinausap ako agad ni Yohann habang hindi naman ako tinitignan ni Jiro.
"Lorde, kung wala lang inatas samin si General kami mismo ang magbabantay sakaniya. Kaya sana, bantayan mo siya"
"Ayokong bantayan ang isang baliw"
Sasapakin nanaman sana ako ni Jiro kung di lang siya napigilan ni Yohann.
"Hindi siya baliw. She is suffering depression"
Depression o anuman, baliw pa rin siya para sakin.
"Lorde, kailangan niya ng tulong. Hindi makabubuti sakaniya kung mag iisa siya. It will just push her to death. Baka pagtangkaan niya uli ang buhay niya and worst, baka matuluyan na niyang mapaty ang sarili niya"
Wala naman akong pakialam kung mamatay siya o hindi. Naiisip ko nga ngayon, kaya namang ibigay ni Master ang gamot na makakatanggal ng dugong yun kay mama kaya bakit kailangan ko pang buhayin ang babaeng to na pag asa niyo?
"Lorde, i know that you can betray us again but still, i have no choice but to trust you"
And i have no choice but to do what General wants also. He has my mother. Fuck.
Lumayas na sila ng lugar na yun at ako nanaman ang naiwan sa babaeng mahinang baliw. Nakakaasar.
Bakit sakaniya pa binigay ang dugong yun e hindi naman niya kayang protektahan ang sarili niya? Tss.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
