Chapter 73: Wine Shots

896 26 1
                                    

"Every drop can tear you into pieces"
--

Bumalik ako sa Masters Turner Hub kung saan nakakulong sila Aizen.

Pero paurong sulong ako dahil natatakot naman akong makita siya uli.

Hindi ako takot sakaniya. At lalong hindi ako takot sa Masters Turner pero nahihirapan akong huminga.

Bumaba ako ng motor ko at matagal na nag isip sa labas bago ako pumasok.

Nakaupo kong nadatnan si Lincoln at umiinom.

"Hey! Youre now here" nakita niya ako kahit hindi niya ako sinusulyapan. May mata pa rin siya sa tenga.

Hindi ko siya pinansin at nakita ang isang babae.

Duguan na siya at halata sa kilos niya na nanghihina na siya. Sino siya?

Umupo ako sa upuan na katapat ni Lincoln at kitang kita ko doon si Aizen.

Wala na siyang lakas. Bakas na ang panginginig ng katawan niya. Ang pamumutla niya. Napakarami na niyang dugong inilabas.

"Whats your plan?"

"Hays. Wag ka ngang atat diyan. Youll see. Ayan palang oh"

Itinuro niya sakin ang lulugo lugong babae na kasama ni Aizen sa selda.

Anong ginagawa ng babaeng yan diyan?!

"Who is she?" Hindi na ako natutuwa na nakikita siya. Kung mahina na siya, hindi na dapat siya kailangan pa ni Lincoln.

"Youll know hahahaha"

Baliw ang puta. Nakakainis.

Tumayo siya at nilapitan sila Aizen.

Dala ni Lincoln ang isang bote ng gamot na tinutukoy niyang vitamins. Gago talaga.

Nakaupo si Aizen at nakasandal sa dingding habang nakatulala. Hindi niya manlang kami tinapunan ng kahit isang tingin.

Alam ko namang hindi yan iinumin yan ni Aizen. Bakit ba nagsasayang pa ng oras si Lincoln para ipainom yan? Hays. Baliw na talaga siya.

Ang ipapainom ba naman niya ay isang uri ng inumin na pagduduguin ka lang naman ng isang oras at mamimilipit ka sa sakit. Pero hindi ka naman mamamatay.

At sa tingin niya ang isang tulad ni Aizen ay hindi yun alam? Hangal. Bakit ba naging pinsan ko pa to?!

Pabalik na ako sa upuan ko dahil parang siraulo naman to. Sayang effort ko sa pagtayo.

"Ashe, drink this"

Natapilok ako sa nakita ko. Napalunok ako at biglaang bumuhos ang matinding luha sa mga mata ko.

Hindi. Hindi ito si Aizen.

Pumalakpak palayo si Lincoln at galak na galak na lumabas sa kwartong ito.

"Aizeenn!!!" Malakas na sigaw ko na ikinagulat ng babaeng nandito.

Aizen. Bakit mo ininom yan?!

Sino ba ang babaeng ito?!

Ashe's POV

Nagising ako sa malakas na sigaw ni Aizen.

"Aaaaaaaahhhhh!!!"

Anong nangyari?

Pinilit kong tumayo para maasikaso siya pero wala naman akong nagawa kundi ang umiyak ng umiyak.

Wala akong maitulong kay Aizen. Pero bakit nga ba siya nandito?

"Aizen?! An-anong gagawin ko?"

Umuubo siya ng dugo at tumutulo rin sa ilong niya.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon