Chapter 39: Enemy's Camp

1K 24 2
                                    

"I want a deal"
--

Master's POV

Nagawa ng mga tao ko ang pinapagawa ko.

Masaya akong nakuha namin siya.

Kumorte ang ngiti sa labi ko habang nakikita ko siyang kinukuha ng Turners na walang malay.

Mukhang hindi ko pa naman pala kakailanganin ang babaeng iyon.

Saka nalang muna.

Ilang oras lang ay siguro papunta dito ang GG para kunin si Jiro.

Tignan natin kung gaano sila kagaling.

Akala ba nila ay ganun ganun nalang nila makukuha ang susunod na produksyon?

Hindi ata nila alam na may mata at tainga ako sa gang nila.

Nakakaawang mga nilalang.

"Master! Hindi pa rin namin mahanap si Gold!"

Thats shit. Ito naman ang ayoko.

Bakit nawawala ang batang iyon? Bakit? San naman kaya siya pumunta? Imposible namang hindi siya magpaalam?

Pero sabagay suwail iyon minsan. Kaso lang next week ay kailangan ko ng magawa ang drugs na hinihingi sakin ng BEU.

Kailangan na siyang mahanap kundi, mahihirapan ako.

Bakit kaya hindi pa siya bumabalik?

Ilang oras akong naghintay para dumating sila. Binuksan ko talaga ang daan para makapasok sila at makapagkita kami.

Pingamit ko lahat ng Turners ng maskara para hindi pa rin sila makilala.

Nakaupo ako sa aking upuan na kulay Brown.

Magiliw kong winelcome ang aking mga bisita. Hinandaan ko sila ng upuan at tinurin silang mahahalagang tao tulad ng nakasanayan nila sa loob ng BEU.

"Hello GG" nakangisi kong sinabi sakanila. Nakakatuwa talagang tignan ang mga lapastangang ito. Ilang taon din nila akong pinahirapan sa ilalim ng General nila na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala.

Hindi umupo si Aizen at nakapamulsa lang. sa kanilang lahat, sa buong GG siya lang ang nakatayo. Blanko ang mukha. Hindi mo mahahalata ang mga nakatago niyang kadiliman. Hahaha! Nakakatawa.

Buong GG ang nasa harap ko ngayon at kung susumahin ay matagal ko itong hinangad.

"GG what brings you here?"

Wala pa ring sumagot. Kita ko ang pagpipigil ni Lorde ng galit. Ganundin ang kanang kamay ni Jiro na si Nelho. Nakakaawa. Si Yohann naman ay tila naiinitan lang sa lugar namin dahil patuloy lang siya sa pagpapaypay.

Inutusan ko ang isang tauhan ko na ilabas si Jiro na ngayon ay malamang na gising na.

"So, are you going to get Jiro?"

Nahulog na nga ang GG sa patibong ko.

Akala ko pa mandin ay h--

"Were not here to get a traitor"

Nanlaki ang mata ko. Napakunot ang noo ko ng marinig iyon. Ngunit napangiti naman ako sa kadahilanang hindi maintindihan ng buong GG ang nangyayari.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon