"Nagsisimula na ang pagkatok ni Kamatayan sa bawat pintuan"
--Wala pa din akong tulog kakaasikaso ng ibang drugs na ginawa nila mama.
Tulad nila Yohann ay hindi ko alam ang gamot sa ibang ginawa nila kuya kaya wala akong laban sakanila.
Ang tagal naman magising ni Jiro. Dalawang araw na siyang tulog at walang kain.
"Hello Daryl my little couzy" isang patalim ang nasa leeg ko ngayon na humahagod ng paunti unti hanggang sa magsugat ito.
Isa lang ang tumatawag sakin ng pangalan na iyon.
"Huwag mokong tawagin sa pangalan na yan. Hindi ko gusto"
"Alam mo namang close ko talaga si Auntie at mas bagay sayo ang pangalan na yan kaysa sa bigay ni Tito"
"Bakit ka nandito Cless?"
Marami rami na ang dugong nasa leeg ko at nakakaramdam na ako ng kirot. "Hinahanap ko si Jiro alam mo ba kung nasan siya?" Mapanlokong tanong niya.
Kukunin ko sana ang patalim sa lamesa ng bigla niyang saksakin ang kamay ko dahilan para mapasigaw ako sa sobrang sakit.
"Ilabas mo siya habang may pasensya pa ako"
"AAAAAH!!!!" Sigaw ko dahil pinaglaruan pa niya ang patalim na nakatarak sa kamay ko.
"Hindi ko palalampasin ito, Daryl"
Paano niya nalaman? Sinabi ba ni Lorde? Hindi. Yun ang pinakahuling maaaring mangyari.
Hindi kaya? Hindi pinatay ni Lorde si Yellow Green?
Tama. Hindi nga.
Nagbago na si Lorde.
"At papatayin mo ko? Mapapatawad ka kaya nila mama? Mabubuhay ka rin kaya?!"
Pero sa totoo lang ay nakakaramdam na ako ng kaba dahil alam kong kaya niya akong patayin pag ginusto niya.
"Oo naman kayang kaya ko. Kaya kong ipasa kay Jiro ang kasalanan ko at sila mismo ang papatay sakaniya, tama ba?"
Malakas siyang humalakhak at itinarak ng paunti unti sakin ang kutsilyo.
"Say goodbye Daryl couzy"
Napapikit ako habang hawak ramdam na ramdam ang sakit ng kamay kong malakas ang pagdudugo ngayon.
Nadama ko ang pagkuha niya ng pwersa para saksakin ako ng biglang tumigil ang lahat.
"Why does she needs to say goodbye when i was supposed to say hi?" Nagtatanong ang kaniyang mga mata at mukhang antok na antok pa talaga.
Pagtapos niyang sabihin yun ay bumagsak siya sa sahig tulad ni Cless na ngayon ay wala ding malay.
Tinawagan ko si Lorde at inilabas niya naman si Cless para dalhin kila mama.
Nakangiti akong pinagmamasdan si Jiro dahil naaalala kong wala man siya sa sarili ay nagawa pa rin naman niya akong iligtas.
Ginamot kong mag isa ang sugat ko. Wala namang bago dun dahil sanay na akong mag isa.
May isang malaking sorpresa daw ang mga opisyales mamayang gabi pero hanggang ngayon ay hindi pa rin gising si Jiro.
Alam na ni Cless na nandito si Jiro, saan ko pa kaya siya pwedeng dalhin?
Sikretong lugar?
Tama. Sa isang secret room sa loob ng dorm ko.
Hindi iyon alam ni Cless kahit ni mama. Si Lorde lang ang nakakaalam nun.
Inakay ko si Jiro at aaminin kong mabigat siya pero ang nakakainis lang sakaniya,
"Daryl is cute,"
Ano ba Jiro?! Nanlalambot ako sa sinabi mo! Baka mabitawan kitang gago ka.
Hanggang sa makababa kami dun ay yun lang ang sinasabi niya.
Hanggang sa nahuli ko nalang ang sarili ko na nakangiti.
"Putangina nga naman" yun lang nasabi ko at ibinaling sa iba ang atensyon ko.
Ano bang pinag gagagawa ko?
Yun lang? Nasabihan lang ako ng cute? E ilang beses na nga akong sinabihan ng maganda e.
O dahil, niligtas niya ako?
Ashe's POV
Bilang pagpapatuloy sa tradisyon ay ipinatawag kaming mga natitira sa aidotorium para iannounce ang susunod na palaro.
Sobrang konti na namin.
GG at Masters Turner na ngalang ata ang bubuo ng populasyon namin dito sa loob sa sobrang konti namin.
Sobrang patay na ang paligid namin. Walang ingay, walang ibang tunog at halos puro sakit nalang ang nararamdaman. Kaya lahat, pinipilit lumaban.
"Ladies and gentlemen, you are now down to the next chapter of our last tradition. This is Viribus"
Viribus.
Paano kami lalaban kung tatlo nalang kami? Akala ko ba iba ang labanan ng babae at lalaki? Ibig sabihin kami na lang tatlo nila Kc ang maglalaban laban?
"In this part, you have to kill whom are you with on that moment. Whether you are eating in the cafeteria you have to kill who are inside of that place. Only one body each, that can let you live"
Nang tignan ko ang paligid ay tila hindi sila nakikinig. Mukhang ang iba sakanila ay hindi nakayanan ang sakit na nararamdaman. Kitang kita ko yun sa mga mata nila.
"Wait for the challenges and twists on our tradition. The tradition of Endless Death"
--Nilalagyan ko na ng lason ang bawat blade na meron ako ng biglang tumunog ng malakas ang bell.
Anong meron?
Hindi ako lumabas pero sumilip ako bintana ng nakita ang pag ulan ng dugo.
Ito na. Nagsisimula na akong kabahan. Nagsisimula na akong manginig. Nagsisimula na ang pagkatok ni Kamatayan sa bawat pintuan.
Dinama ko ang bawat pag bakas ng dugo sa bintana ko habang pinapakinggan ang demonyong boses na nagsasalita.
"That was the sacrifice of your schoolmates" naalala ko ang pagpatay nila kay Maggie.
"Your classmates" naalala ko ang La Vendetta.
"Your friends" ang pagpapahirap nila kay Gwen.
"Your family" ang pagpatay nila kay Ranz.
"Your loved one" ang hindi ko malilimutang pagpatay nila kay Aizen.
"And, the blood of yourselves" at ang pagpatay nila sa mga malalambot na katauhan namin.
Ipapakita namin na nakabalot man kami sa dugong ibinigay niyo, makakalabas kami.
Aizen at Ranz ayokong gawin ang lahat ng ito kung hindi dahil sainyo.
Buong puso akong lalaban. Handa akong mamaymtay kahit ilang ulit makita ko lang ang pagluha nila ng dugo kapalit ng sobrang pagpapahirap nila sainyo.
Aalamin ko yun at sa oras na malaman ko kung sino ang nasa likod nito, pagbabayarin ko sila Ranz.
Handa kong harapin si Kamatayan, hindi ako natatakot sa pagsundo niya sakin. Papunta palang siya, nag aantay na ako.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...