Chapter 37: SSC Head

1.1K 32 0
                                        

"Im eye-ing on her"
--

Ashe's POV

Hindi ako maayos na nakatulog dala ng kung anu anong nangyari nitong mga huling araw. Ilang araw na rin akong hindi nakakapasok dahil hindi ko pa talaga kayang pumasok e.

Tumunog ang bell ng dorm ko. Bawat dorm kasi dito ay may doorbell kung sakaling maymga letters o announcements na hindi sasabihin sa speaker.

Binuksan ko ang pintuan ki at may nakita akong envelop sa mailbox ko.

Ano naman kaya to?

Binuklat ko ang brown envelop at nakita ang isang paper command?

Supreme Students Council. The Supreme Command.

Nakalagay dito na kailangan kong magpunta mamayang alas 4 sa office? Bakit?

Pumunta naman ako agad dala ang catalogue na kasama dun sa letter kanina.

Pumasok ako sa office na napakalinis. Wala akong masabi. Walang masyadong gamit at puro blue ang kulay na nakikita ko.

"Goodafternoon" bati ng isang lalaki sa akin at nakita ko ang nakalagay na pin sakaniya na isa rin siya sa miyembro ng SSC. "Im JL Cruz. SSC's Vice President. The president is waiting inside his office" lumakad ito palayo habang dala ang ilang mga papeles.

Bakit kaya kinakabahan ako na makita si Aizen? Nakakatakot siya?

Oo. Ang sinabi sakin ni Maggie nun isa daw siyang brutal na leader na walang sinasanto pero bakit nung nakita ko siya nung mga nakaraang araw hindi ganun ang nararamdaman ko?

Pero yun nga e? Bakit ako kinakabahan? Kumakabog ang dibdib ko.

"Goodafternoon Mr. President"

"Goodafternoon. Dont know why youre here?"

Napaisip ako dun ah? Bakit nga ba niya ako pinapatawag?

"Your teachers said that you already have 3 days of absences without excuses. You will now be punished"

Ako?! Ano?! May ganun palang notice dun?! Bakit hindi ko alam?! Sabagay wala naman akong alam. Sigh.

"Yes sir"

"You will now be one of the watchlist. Commit one more absence, i will not hesitate to put you on the Detention Hall"

Napaayos ako ng tayo at napaangat ang ulo ko sa sinabi niya.

Ano?! Isang absent nalang diretso na kong Detention?! Ganun?!

"While you are on the watchlist, you are assigned to do the errands in this office"

Hindi ako nakasagot agad at napatitig sa mukha niya.

Ang ganda ng mga mata niya. Pati yung ilong niya. Napakatangos.

"Is that clear?"

Kahit walang reaksyon ang mga mata niya ay sobrang napakaganda pa rin.

"Ms. Delos Reyes"

Ang boses niya, napaka lamig at napakagaan sa pandinig.

Napasinghap ako nang magising ako sa realidad ng napatayo siya habang nakapamulsa ang dalawa niyang kamay.

Hindi ko mapigilang mapakurap kahit mas gusto ko pa sanang titigan ang mukha niya.

Ang dibdib ko, napakalakas ng tibok niya. Hindi ako makapagsalita. Parang naubos lahat ng salita na alam ko. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang mga mata niya.

"Ms. Delos Reyes" tila nagtatanong siya pero hindi sa tono niya at sa mukha niya.

"Y-y-y-ye-yes-yes sir" napalunok ako at salamat dahil nakasip ako ng salitang masasabi.

Nakakainis! Ang dibdib ko hindi pa rin nawawala ang malakas na kabog niya.

"Ok. Dismiss"

Ano ba yun? Aalis na ako? Hindi ba pwedeng ngayon ko nalang simulan ang trabaho ko?

Napangiti akong naglalakad.

Si Aizen, saan niya kaya nakuha ang sugat na tinatakpan ng band aid sa pisngi niya?

JL's POV

"Aizen,"

Tawag ko sakaniya habang inaasikaso niya ang ipapasang reports.

Hindi siya sumagot ngunit alam kong nakikinig siya.

"Bakit nandito ang babaeng yun?"

"She has to be punished"

Alam kong may kaparusahan ang ganun pero bakit kailangan niyang mainvolve sa SSC?

"Thats not what i mean. Bakit kailangan niyang magsilbi dito pa sa office natin?"

"I am eye-ing on her"

Alam ko na ang tinutukoy ni Aizen. Gusto niyang mapatunayan kung sino talaga ang babaeng yun.

Kung minsan ay hindi madaling intindihin si Aizen. Para siyang isang bugtong na habang buhay mo munang iisipin ang sagot.

Kahit ako ang kanang kamay niya ay hindi ko la siya lubusang kilala. Ang mga kilos niya ay laging may kakaiba. Ang mga sagot pati na rin ang ekspresyon. Blanko ang lahat ng ito.

Kakaiba man si Aizen, siya ang tumatayong utak ng GG bukod kay General. Siya rin ang nag aaral ng mga gamot bukod kay Yohann.

Maasahan si Aizen. Hindi siya palasalita at sa ganung paraan ay mahirap nga siyang basahin.

Siya ay isang matigas na bato na kasing lamig ng yelo.

Ilang sandali pa ay dumating si Jiro. Malapit silang dalawa kahit napakalayo ng ugali nila sa isat isa.

"Where is she?!" Mukhang itinatangi talaga ni Jiro ang babaeng iyon.

Nagpatuloy lang ako ng pag aayos ng mga papeles na inasign sakin.

"She will be under me"

"Thankyou Robot" natawa ako ng bahagya ng sabihin ni Jiro iyon. Kahit kailan ay pasmado ang bunganga niya hahaha. Wala pa ring reaksyon si Aizen ngayon na halos sumabog na ako kakapigil ng tawa. "Ngapala, nagpunta ako dito para sabihin na nagawa ko na ng paraan para makarating dun sa sinasabi mong factory. Wednesday, nahanda na ng grupo ko ang kailangan. Kami na ang bahala dun"

Hindi siya sumagot at tumango lamang.

"Hays Aizen, palitan na natin baterya mo. Tamlay mo!" Halatang naiinis na si Jiro sakaniya e.

"Dont worry, i wont allow anyone to come near her. She will be safe in this office"

"Lagi namang malaki ang tiwala ko sayo. Parati yun Aizen" nagsimula ng magseryoso ang usapan.

"Yohann is suffering anxiety right now" sambit ni Aizen na hindi nakatingin sa kausap nito at nakafocus naman ngayon sa pagsusulat ng report.

"Fuck! Wala akong pakialam! Hindi pa rin tama na gawin niya yun kay Ashe!"

"If you two fight, Masters Turner will be now rejoicing for ruining our plan. Thats what i think"

Natigilan si Jiro at kahit ako. Anong ibig sabihin ni Aizen dun?

"Anong ibig mong sabihin dun Aizen?"

"Work as a gang. Focus on the work. If you want to save life, just do things on how they are assigned to be done"

"Madali lang sabihin sayo yan Aizen dahil hindi naman ikaw ang nakaramdam ng pakiramdam na yun"

"Edi madali mo lang din ijudge si Yohann dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan niya?"

Aizen. Kakaiba ka talaga mag isip. Hindi ko tuloy malaman kung sino kila Jiro at Yohann ang may punto. Dahil sa paglamon ng galit kay Jiro ay nagagawa niya ito. Dahil naman sa paglamon ng lungkot at pighati kay Yohann ay nagawa niya iyon.

Ngayon ang kailangan namin ay kumilos bilang isa.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon