Chapter 107: Confession

826 19 0
                                    

"Yung araw na iniligtas mo ako, ay yung araw na kinalimutan ko yung pagiging ako"
--

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Hindi pa rin gising si Lorde pag kagising ko pero napansin kong tila napapaiktad siya sa sakit.

"Lorde?"

Hinawakan niya ang kamay ko at unti unting dumilat kasabay ng isang ngiti.

Ngayon ko lang nakita ang buong mukha niya na walang nakaharang na face mask.

Medyo natulala pa ako sakaniya dahil sa pagkakamukha nila ni Gray. Magkamukhang magkamukha talaga sila sobra. Kung hindi ko siguro ganun kakilala ang bawat parte ni Gray ay hindi malabong akalain kong siya ang kaharap ko.

"Youre fine"

Tumango lang ako at inakap siya.

Nabigla rin ako sa ginawa ko pero gusto ko yung gawin para mapagaan din ang loob ko.

"Thankyou"

Tinapik niya lang ang likod ko ng paulit ulit. "I will always do that"

Natatandaan ko nung sabihin niya sakin na siya ang magiging unang unang makakalaban ko pag ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko.

"Akala ko ikaw ang pinaka una kong magiging kalaban Lorde?"

Inalis ko ang pagkakayakap ko sakaniya at inayos ang pagkakaupo ko.

"Yung araw na iniligtas mo ako ay yung araw na kinalimutan ko ang pagiging ako" halata ang pangingirot ng mga sugat niya ng masanggi ko ito. "Nung gabing yun, niyakap mo ako. Pinigilan kong maging masaya nung mga oras na yun pero nanaig pa rin yung pakiramdam kong gusto kong nasa ganung sitwasyon tayo. At huli na ng malaman kong natamaan ka na ng kutsilyo"

Sa bawat salitang binabanggit niya ay parang may kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko.

"Simula ng umalis ka, parang hindi na buo ang araw kong hindi naririnig ang malalakas na pag iyak mo"

Parang gusto ko nalang ngumiti. Parang gusto kong humalakhak. Parang gusto kong umalis sa lugar kung nasaan ako. Parang gusto kong makalimutan ang lahat.

Lahat ng galit na nasa puso ko ay unti unting natutunaw ng mga payak na salita ni Lorde.

Pero hindi pwedeng makalimutan ko lahat ng dahilan kung bakit ako nandito.

"Ayos ka na kaya pwede na rin sig--"

Hinila niya ako at niyakap muli. "Hindi ako papayag na manatili ka dito Ashe at makita kitang araw araw kaharap ang kamatayan natin"

Umalis ako sa yakap niya at dahil siguro sa panghihina niya ay agad ko itong natanggal.

"Mas hindi ako makakapayag pag tinakbuhan ko ang kamatayan na yun at iba ang humarap sakaniya"

Lumakad ako ng dire diretso habang may pagkirot akong nararamdaman.

"Ashe, anuman ang mangyari bukas o sa mga susunod na araw mahal na mahal pa rin kita"

Hindi ko siya sinagot pero ang tibok ng puso ko ang tumugon sa mga salita niya.

Sa tingin ko, puso ko na ang humatol.
--

Medyo masakit ang mata kong lumbas ng dorm ko at nagtungo sa opisina.

Kitang kita ko ang mga pagpupulong ng ibat ibang organisasyon sa daan. Habang may ilang poster naman ang nakadikit sa opisina ko.

"Pasensya na Ashe pero pagod na rin kasi akong magtanggal kanina pa ako" nakita ko ang mga sakong dala dala ni Ken na may mga poster din.

'The SSC Head deserves to die'

Nagkaroon ako ng maliit na pagkainis pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin. Mas may dapat unahin kaysa ang mga maliit na bagay tulad nito.

"Naihanda ko na lahat ng kailangan mo Ashe"

May mga kumatok sa opisina ko at pinagbuksan naman namin agad ito ni Ken.

Nagbigay lang sila ng notice na kailangan kong pumunta sa quadranggle mamaya at kailangang litisin nila ako sa ginawa kong pagpaparusa sa mga myembro ng Masters Turner na nagpahirap kay Gwen.

"Paano na to mamaya Ashe? Kaya mo ba?"

"Wag kang mag alala sakin Ken. Kakayanin ko" binigyan ko naman siya ng ngiti.

Pinag aralan kong maigi ang mga susunod kong hakbang kaya hindi ako nag aalala.

Ang iniisip ko lang ay kung paano ako gigipitin ng Masters Turner?

"Ken, sigurado ka bang nasa maayos siyang kalagayan?" Pagtukoy ko sa taong sigurado akong malaki ang maitutulong sa amin.

"Oo. Kakabisita ko lang sakaniya kanina"

Mabuti kung ganun. Hindi ko poproblemahin ang susunod nilang aksyon.

Hapon na ng makarating ako sa quadranggle kung saan napakaraming tao.

Lahat ng opisyales ng eskwelahan ay nandirito.

Nasa paligid din ang GG. Sasaksihan din pala nila ang sinasabi nilang paglilitis.

Habang naglalakad ako ay nakakarinig ako ng mga nakakabinging sigaw.

"Patalsikin ang namumuno sa SSC! Isa siyang immoral!"

"Hindi marunong sumunod sa batas!"

Napangisi ako sa mga kahibangang pinagsasasabi ng mga nasa paligid ko. Imbis na mainis ay mas naawa pa ako sakanila.

Sinimulan na agad ang paglilitis matapos kong makaupo sa pwesto ko.

Isa isa nila akong tinanong at ngayon ay si Lady M na ang magtatanong sa akin.

"Why do you think your move is being criticized right now?"

Sinagot ko naman siya agad ng walang pag aalinlangan. "Dahil gusto nila akong ipatanggal sa pwesto. Pero alam nilang kahit anong mangyari ay natakdaan na ang pwesto ko"

At ngayon ay si Lasy Q naman ang kaharap ko at magtatanong sakin.

Ano kayang itatanong niya?

"Gaano ka man katuso, alam mong may sikreto ka pa rin na hindi mo gustong ipaalam. Paano kung ang sikretong yun ang papatay sayo?"

Napangiti at napahagikgik ako ng kaunti sa sinabi niya.

"Hindi kaya dapat ako ang magtanong saiyo non?" Siya naman ang nawala sa timpla ang ekspresyon ng mukha.

Nagdulot ng isang malawakang tanong ang sinabi kong iyon at alam kong natatakot na siya ngayon.

Lady Q ang pagpapahirap na ginawa mo kay Gwen ay kailangan mong tumbasan.

"Today, you will know two secrets that has been never be revealed at any history of this empire. Today, you will lost one lady" at agad kong tinapunan ng tingin si Lady Q.

Tinignan ko ding maigi si Cless.

Tatanggalin ko sa mga labing yan ang ngiti mo Cless.

Nakinig naman sakin ang lahat kabilang ang buong GG.

"This were the new codes and ethics are here already in my hand. Signed by majorities of both ladies. Lady M and Lady K" inilahad ko sa lahat ang sulat kasabay ng pagbibigay pa ng ilan sa mga tauhan ng SSC sa mga nandoon upang mas mabasa nila.

"Anong meron sa blankong papel na to?" Napipikon ka na ba Lady Q? Humanda ka.

Iiyak ka muna ng dugo bago kita mapatawad.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon