Chapter 61: Facing Enemies

1K 27 9
                                        

"Link her name to crime and ill write your names to Death"
--

Ashe's POV

Saglit lang akong sumilip sa labas para malaman kung anong nangyayari.

Nakita ko ang napakaraming tao na galit na galit at pinagbabato ako ng papel at ang iba ay bato.

Sinara ko muli ang pinto ngunit patuloy pa rin ang pagsigaw nila at pagtawag sa pangalan ko.

"Mamamatay ka din Ashe!"

"Humanda ka pag ang mga opisyal ang nagpunta dito!"

"Walang ama ang batang yan kaya dapat kayong mamatay!"

Kinakabahan ako. Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko na parang gusto ng lumabas ng puso ko sa takot.

"Ashe! Mamamatay ka na! Ikaw ang gagawing alay sa susunod na tradisyon!"

"Ashe! Hindi ka dapat mabuhay bilang assasin"

Ilang sandali lang ay narinig kong tumahimik sila.

Sinilip ko mula sa bintana at paparating si Aizen ng mag isa. Dumaan siya sa gitna ng napakaraming tao na yun ng walang kahit anong emosyon sa mga mata niya.

"You dont know whos dorm is it?"

Halata sa lahat ng nandito ang labis na takot ng makaharap nila ang kilala ng lahat na mabangis na si Aizen.

"P-pe-pero sir andiyan sa loob ang isang babaeng nakagawa ng isang malaking krimen!" Pag alma ng isa sa mga nandoon.

"Its my dorm" napaurong ang lahat dahil sa pagkabigla sa sinabi ni Aizen.

Hindi siguro sila makapaniwala tulad ko.

"Link her name to crime and ill write your names to Death" matigas na banta ni Aizen sa kanila.

Nakakatakot ang kalmadong pagsasalita niya. Walang buhay ngunit punong puno ng kapangyarihan ang mga salita niya.

Nakita kong papasok na siya kaya umupo ako sofa na parang walang nangyari.

"Are you okay?"

Tumayo ako at nagbow sakaniya. "Sorry"

"Thats okay. The releasing letter of your friend was grant. She is now out of this school because she is not yet signed"

"Thankyou sir"

Hindi ko napigilang mayakap si Aizen dahil sa sobrang saya ko at malaya na ang kaibigan ko mula sa lugar na to. Napakasaya ko!

Aizen's POV

This hug. This beat. This feeling.

Inalis niya naman ang pagkakayakap sakin. At masayang pinakita ang timpla niyang tsaa.

"S-ay Aizen,"

Hinandaan niya ako at saka ibinigay sakin.

Napangiti ako dahil walang lasa ang tsaang ibinigay niya sakin.

Hindi masyadong napakuluan at medyo hindi pa makulay. Nakakatuwa na kahit ganun ay ito na ang pinakapaborito kong tsaa. Ito ang pinaka kakaiba sa lahat ng natikman ko.

Tinitigan ko lang siya kung paano siya magbasa dahil isang linggo na mahigit siyang hindi pumapasok.

Hindi ka mapapahamak at pagbabayarin ko ang lahat ng nagpahirap sayo.

Tinignan niya ako at ngumiti.

Hindi ko pinagsisisihan lahat ng ginawa ko. Dahil ang mukhang yan ang makikita ko tuwing uuwi, gugustuhin kong gawin itonng paulit ulit.

--

Umakyat ako sa taas para pag aralan ang mga dugong ginagawa ko. Ilang araw na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nagagawa ang antidote.

Nahihirapan na ako. Hindi nagreresponse ang mga dugong sample ko. Hindi siguro tama ang ginagawa kong proseso.

Hindi pwede. Kailangan ko na itong malaman bago ang susunod na tradisyon. Kailangan.

Sa susunod na araw na iyon. Kaya dapat ay simulan ko na bukas.

Ashe's POV

Hindi ko alam kung anong lugar ito. Pero isang napakalawak na lugar. Walang kahit ano maliban sa bermuda grass at isang mataas na kahoy.

Ang sabi sakin ni Aizen kailangan kong matuto.

Nakatayo ako ngayon habang inaantay siya na kakababa palang sa kotsemg sinakyan namin.

"You have three nights. This is your first night. On the next tradition, you shoul remain alive." Nakapamulsa lamang siya na binagayan ng napakasimpleng damit na meron siya. Nakaitim siyang t shirt at simpleng jeans. "You need to learn, to survive"

Huminga ako ng malalim at inintinding maigi ang sinabi niya sakin.

"Ashe, you hold your life. Hold it as long as you can. Inorder to do that, endure all pain"

Itinuro niya sakin ang kahoy na nakita ko kanina. Mga nasa 10 feet ang taas nito.

"Climb on that on the top of your ability, then stay there on how long you can"

"Ha?! Hindi ako marunong umak--"

"You should" yun lang ang isinagot niya.

Yung totoo Aizen? Parang iiyak na ako at magmamakaawang umuwi na pero kailangan ko tong gawin para mabuhay sa lugar na to at maipagtanggol ang batang dinadala ko.

Sinunod ko ang mga instructions niya at nakayanan ko namang umakyat doon.

Pero ng makarating ako sa taas ay nakaramdam ako ng pagkalula.

"Nakakatakot! Ayoko na!"

"You dont have to fear death. Just stand there. Focus and just listen"

Hindi magawang tumayo ng nga paa ko dahil sa nakakalula at nakakawala ng balanse.

"Bakit kailangan ko tong gawin?! Bakit kailangan kong ibalance ang sarili ko dito sa mataas na kahoy na to?!"

Ang hindi ko kasi maintindihan, kung bakit kailangan magbalance sa taas? E mas mauuna pa kong mamatay dito kaysa sa mga susunod na araw.

"On the last day that we will meet, you will know" nakatayo lamang siya sa baba at hindi nakatingin sakin. "Stay there, for 5 hours. Endure everything and make the wind your friend"

5 hours?! E kahit 5 minutes hindi ko makakayang gawin to?!

"Per--"

"Dont talk. The more you talk, the more strength you lose"

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nandito pero masakit na ang paa ko. Maliit na kahoy lang ito at iisang paa lang ang kasya. Pinagpapatong ko lang ang paa ko kaya mas mahirap magbalance.

Habang mas lumalakas ang hangin, mas humihirap. Habang mas lumalamig, mas mahirap.

"Aizen, hindi ko na kaya"

"Hindi lang to para sayo. Hindi ka na nag iisa ngayon. Tandaan mong may dinadala kang bata" umubo siya ng kaunti at tumingin sa ibang direksyon. "Dala mo ang anak ko."

Umalis siya sa pwesto niya iniwan ako dun.

Dahil sa sinabi niya, nakakainis siya! Nawala ako sa sarili at nawala ako sa balance.

Nanlambot ang tuhod ko at tuluyan ng ng nahulog sa kahoy na kinalagyan ko. Napapikit na lamang ako.

Mabilis ang pangyayari at nakita ko nalang na nasa mga kamay ako ni Aizen.

"You just lasted 3 hours and 18 minutes. Youll be punished"

Napatitig ako sa mukha niya. Napakaamo at napakaganda ng malamlam niyang mga mata.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon