Chapter 110: Duwe

842 22 1
                                    

"Napatulala nalang ako ng makita kung sino ang nasa unahan habang hawak ang kaniyang acoustic guitar"
--

Handa na ang lahat para sa mamayang gabi.

Bisperas sa parating na tradisyon.

Nabalitaan kong hindi maganda ang lagay ni Cless matapos niyang harapin ang ibang organisasyon para lang makuha sakaniya ang badge ngunit maswerte pa rin siya marahil ay tinulungan siya ni Lincoln.

"Ashe, nasa dorm mo na ang isusuot mo mamaya. Handa ka na ba?"

Nginitian ko siya at inakap. "Ken, maraming salamat. Hindi ako makakarating dito kundi dahil sa tiwala at pagtatiyaga mong turuan ako ng mga bagay na kinailangan ko"

Tinapik niya ang likod ko at marahang tumugon. "Nakasalalay sayo ang pangarap ko at ng kapatid ko. Ang totoong paglaya sa BEU at sa dugong dumadaloy sa lahat ng nandito. Naniniwala ako at laging magtitiwala sayo Ashe"

Magaan ang loob ko dahil kasama ko si Ken sa labang ito.

Wala siguro ako dito kung hindi ko siya nakasama. Hindi nagkamali si Lady M.
--

Habang tinitignan ang maroon na box na nasa kama ko ay bigla kong naalala ang gabi na inalay ako para sa tradisyon.

Wala akong kahit anong alam kung ano ang kahaharapin ko nung gabing iyon.

Isa yun sa masasakit na alaalang dahilan kung bakit gusto kong manatili.

Mahahanap ko ang antidote. Mahahanap ko yun. Ang mahalaga, dugo ko ang nagtataglay ng antidote at gagawa ako ng paraaan para malaman kung ano at paano iyon.

Binuksan ko ang box at tumambad sakin ang itim na gown na halos magpanganga sa akin dahil sa ganda.

Ang lace nito ay nagtataglay ng mga diamante. Alam kong totoong diamante ang mga ito.

Baloon style ito tulad ng ginamit ko noon pero mas elegante dahil sa pagsagi ng mga mamahaling bato.

May gloves din akong lace na tulad ng gown ko ay may mga diamante rin.

Lahat naman ng accessories na bagay dun sa damit ay nakalagay sa isang box para mapagpilian.

Kulay itim din ang sapatos na mayroong 5 inches heels.

Napangiti ako dahil naalala ko kung paano ako gumamit nito noong mg panahong model pa ako sa New York.

May maskara rin sa ilalim at kulay itim.

Kahit kailan hindi ako nawala ang taas ng expectation ko sa party ng BEU na hindi naman ako talaga nabibigo.

Sa pinaka ilalim ay sobreng kulay maroon na naglalaman ng pribadong imbetasyon ni Kamatayan.

To: Supreme Students Councils Head,

Ms. Ashe Delos Reyes, for tonight the grand opening for the last and bloodiest tradition is yet to come.

This will prove and will help the panels to know who will be the next owner of the most bowed, honored and treasured badge.

Hope that this night would be in your favor.

Let the gold badge be in your hands.

-Blood Empire University

Huli pero pinaka madugong tradisyon ang nag aantay sa akin.

Sa laban kong ito, Ranz at Aizen iaalay ko ang lahat para sa inyo. Maipaghiganti ko lang ang pagkawala niyo.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon