"Papatayin mo rin ba ako sa huli? Para makalabas dito?"
--Ashe's POV
Pagtapos kong ayusin ang vase at pulutin lahat ng parte nito na dahilan din ng pagkasugat ko ay pumunta ako ng dorm para magpalit ng uniform.
Wala ng tao sa dorm, malamang ay nagsipasok na sila. Hays. Nalate na siguro ako.
Nagmadali akong makarating sa room.
Pagdating ko dun, nakakapagtaka na akala ko ay late na ako pero wala pa kaming teacher. Bukod dun lahat ng kaklase ko ay nakatungo. Baka antok na sila?
Hinanap ko si Maggie pero wala pa siya. Wala naman na siya sa dorm at ang alam ko magkaklase kami ngayong subject e. Hays. Nasan nanaman kaya yung babaeng yun?
Umupo ako sa upuan ko. Baka mamaya ay dumating na rin si Maggie.
Napalingon ako sa katabi kong babae na nakatungo. May kung anong umaagos mula sa kaniya.
Lumapit ako ng kaunti para makita. Ano to? Hinawakan ko ang likidong dumadaloy mula sa upuan niya at inamoy ito.
Naamoy ko na to dati. Hindi ko lang alam kung saan.
Napasandal ako sa isang upuan ng marehistro sa utak ko kung ano ang bagay na yun mula sa kulay nito.
Tama. Naamoy ko na ito dati. Sa Detention Hall. Isang malansang amoy at napakalagkit na dugo.
Tumayo ako para makita ang mga kaklase ko pero lahat sila ay may likidong umaagos sa ilalim ng upuan nila.
Lakas loob kong inihilig ang ulo ng babaeng katabi ko ng makita ang malaking gilit sa leeg nito. Nakaawang na ang sugat kung saan kita na ang mga laman.
Anong nangyayari?
Sumikip ang dibdib ko. Nanlamig ang mga kamay ko at halos manlanta ako sa mga nangyayari.
Papaano to nangyari?
"Hey Ashe"
"Maggie!" Niyakap ko agad si Maggie ng makita ko siya.
Pagyakap ko ay hindi ko inaasahang makita si Macie sa likod niya na nakangisi ng napakatamis.
"M-Ma-Maggie?" Nakayakap pa rin ako sakaniya pero nangingilabot ako sa hindi ko maintindihang rason.
"Uhm?" Bakit ganun? Wala namang pinagbago sa boses ni Maggie pero bakit nakakatakot ang boses niya para sakin?
"Maggie, na-natatakot ako" umiyak ako sakaniya habang mahigpit siyang niyayakap.
"Sshhh" napalunok ako ng maramdaman ang matulis na kutsilyo sa mukha ko na hawak hawak ni Maggie. "Gusto mong malaman ang tradisyon ng eskwelahan na to diba?"
Si Maggie ba ang kaharap ko? Mukha siyang nakakatakot na demonyo. Ang mga mata niyang parang papatay sa titig. Hindi ito si Maggie.
Hindi ito si Maggie.
Ang paulit ulit na itinatatak ko sa isip ko.
Hindi ito si Maggie.
"La Vendetta yun ang tawag sa tradisyon dito hahaha"
"Ma-Maggie" hindi ko na mabilang ang butil ng luhang tuloy tuloy na tumulo mula sa mga mata ko. Habang kitang kita ko si Macie na tuwang tuwa sa nangyayari.
"Ibig sabihin, mula 7pm hanggang 7am, papatay kami"
"Pa-papatay?"
Papatay? Ibig sabihin sila Maggie ang pumatay sa mga kaklase namin?
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...