Chapter 119: Revolve

776 30 15
                                    

"I know that she will never be as easy as that"
--

Kc's POV

Madami ng namatay sa gutom matapos ang ilabg araw.

Walang katapusang pagpatay nalang. Puro kamatayan kahit saang parte ng eskwelahan.

Buti nalang at may plaque ako. Puro patayan ang nasa daanan ko pero imbis na lumayo ay hindi ko nalang sila pinansin.

Ilang beses na rin naman akong nakipagpatayan at wala ng bago dun para sakin.

Tumunog ang speaker simbolismo na mayroon itong sasabihin na kahindik hindik muli.

"Ladies and Gentlemen, you can now get your new identification cards on the registrar. But take note, you will receive either of two colors. Maroon and Black. Black signs will mean normal students but maroon signs will serve as yoir superiors. In that case, you are not allowed to kill them unless the BEU commanded to. Thankyou and have a good day"

Bagong id? Anong kapraningan nanaman yun? Talaga bang pumayag si mama at si Lady M sa usapang yun? May gusto silang protektahan malinaw yun.

Imbis na pumunta sa canteen ay dumiretso ako para kuhanin ang id ko pero hindi ko inaasahan ang nakuha ko.

Bakit hinayaan ni mama na makuha ko ang kulay itim na simbolo? Paano niya ako mapoprotektahan?
--

Nakatulala kong tinitignan ang mga nagliliparang ibon sa pinakadulong park ng eskwelahan na to.

Gusto ko mang malaman kung bakit itim lang ang kulay na nakuha ko ay ayokong kausapin ang sinuman sa kanila ni kuya.

Pero ano ang dahilan ng paaralan na to para magkaroon ng kulay?

Ang GG? Ang Masters Turner? Anong kulay kaya ang nasakanila?

"Black pala ang sayo?"

Halos mapatalon ako ng biglang sumulpot ang isang magandang babae sa gilid ko.

Siya ang babaeng naging alay noon sa kupunan nila Aizen at ang babaeng kabilang sa mga bagong dating na estudyante dito sa BEU.

Paano niya nakuha ang id ko na nakasukbit sakin?!

Wala kong naramdaman?!

"Paano mo nakuha yan?!"

Tumawa siya na talagang nagagalak. Hindi ito tawa ng kahit anong ekspresyon.

"I am known as the best thief on our millenial times" walang sarkastikong pananalita doon.

Wala akong maramdaman na kahit anong bagay laban sakaniya.

Hinablot ko ang id ko at naglakad palayo pero narinig ko siyang bumubulong.

"Aalis na siya pero naiwan niya to?" patawa tawa pa niyang hayag habang hawak niya ang id ko!

Paano niya na nagawang pagpalitin ang id namin ng ganun kabilis?! Pero hindi ko maiwasang mamangha dahil maroon ang id niya.

"Pwede ba?! Tigilan moko kung ayaw mokong--"

Bigla ko nalang naramdaman na may mainit na kamay ang nasa pulso ko sa kamay at isang maling galaw ay maaaring makitil ang buhay ko.

"Wag mokong takutin Kc Celestial, hindi ako takot sa Kamatayan na sinasabi nila"

At dun lang lumabas ang mabangis na hayup na naninirahan sa mga mata niya.

Hazel Cartner. Hindi ko alam kung ano anh pakiramdam na ito na pinararamdam mo sakin.
--

Pagkagising ko, dumungaw ako sa bintana kong madalas kong ginagawa nung makita ko ang kumpulan ng mga tao.

Ano nanaman yun?

Lumabas ako. Alam ko naman kasi na kung simpleng bangkay lang iyon ay hindi na ito pagkakaguluhan pa dahil sanay ang lahat sa patayan pero iba ito.

Agad akong nagulat ng makita ang isang hindi inaasahang sitwasyon.

Ashe? Hazel?

Nakatarak ang kutsilyo sa leeg ni Hazel at nakabaon naman ang kamay ni Hazel sa pulso ni Ashe na maaari niyang ikamatay kahit anong oras nilang gustuhin. Ano bang nangyayari?

Walang reaksyon sa mga mata nila at talagang hindi ko gustong makita silang ganun.

Agad naman silang natinag ng magsalita ang tao sa speaker.

"At the best part of the tradition we have new rules and regulations that who ever fail to follow will die. Thankyou. The letters are sent on your dorms. See you later"

Madaming pagbabago ang naganap. Pero bakit hindi ko naririnig ang GG at Masters Turner. Nakakatakot ang katahimikan nila.

Alas 6 ng hapon ng makita kong kinakaladkad si Ashe ng ilan sa mga guwardiya ng eskwelahan.

Galit na galit akong lumapit ngunit hindi ko ipinaalam.

"Siya daw ang nagtangkang pumatay kay Hazel Cartner na mayroon daw maroon na tatak"

Naaalala ko ang nangyari kanina. Ano nga ba ang ugat ng away nila para humantong sa pagkakalason nung babaeng yun?

Hindi ko alam pero hindi ako natuwa na nalason ang babaeng yun kahit sana dapat ay nagagalak ako dahil mababawasan ang kalaban ko.

Dinala si Ashe sa Detention Hall. Nakita kong hindi siya nanlaban o kahit ano. Walang kahit anong takot sakaniya.

I know that she will never be as easy as that. Hindi na siya ang dating Ashe para maging mahina. Iba na siya. Iba na.

Cless' POV

Malakas na halakhak mula kay Auntie ang nakuha ko matapos naming mailagay si Ashe sa Detention Hall. At paglabas niya dun ay diretso kamatayan na siya paglabas ng mga ebidensyang nilason niya ang may maroon na badge.

"I am really expecting the best from you. But im not yet satisfied hanggat hindi siya nawawala sa BEU"

Kung tutuusin, mabilis lang naman matanggal si Ashe pero ang mahirap ay ang mga taong nasa paligid niya para protektahan siya.

"Pag nawala ang GG mas madali na yun Auntie"

Umiling siya at mariin akong tinignan. "Sa katahimikan ng GG mabubuhay ang matinding labanan. Ngayon na ang mas magagandang laban Cless. Maniwala ka"

Wala na ngang dahilan para lumaban ako sa totoo lang. Dahil wala na si Aizen na dapat ay binabawi ko.

Ipinapangako kong pahihirapan ko si Ashe. Hindi sapat ang ilang araw na paghihirap para sakaniya.

"Mag iingat ka lang din sa gagawin mo. Wag mong kakalimutan na maroon pa rin ang simbolo sa mga leader ng GG. At baka sabay sabay mo silang makalaban"

"Hahaha wala ng silbi ngayon yun Auntie. Bulag na si Yohann, mas madalas ang pag atake ng sakit ni Jiro at hawak natin ang nagpapahina kay Lorde"

Hindi sumang ayon ang reaksyon ng mukha niya.

Bakit?

"Wala pang nakakita o nakakaramdam ng bagsik ng General na tinatawag nila. Hindi ko sigurado kunh kakayanin yun ni Lincoln pag nagkataon"

Hindi rin ako nakasagot agad sa sinabi ni Auntie. Wala pang sinuman sa amin ang nakakakilala sakaniya.
--

If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon