Chapter 43: Fooled

1K 33 4
                                        

"You fool"
--

Jl's POV

Ngayon na ang araw na sinabi ni Aizen para makipagkita sa Masters Turner.

Hindi maganda ang reaksyon ng mga kagang ko dito.

Walang umiimik sa buong GG. Halata ang galit nila kay Aizen. Ang iba naman ay hindi lang talaga siya pinapansin.

Nakarating kami sa lugar ng pagkikita.

Nandun ang mga nakamaskarang Masters Turner.

"Oh youve shown"

Nahagip ng mata ko si Jiro na nakaupo sa isang upuan. Kita ang galit sa mga mata niya.

"Yah," simpleng sagot ni Aizen.

"Im so sorry GG. Hindi ko maibibigay ang gamot. Nauto ko kayo ngayon"

Pumalakpak ito sa sobrang tuwa.

Sobrang alala naman ng GG dahil sa nangyari.

Sabi ko na nga ba, kahit kailan hindi magiging patas ang laban.

"At ngayon, nasa kamay ko na kayo" may halong pang aasar ang tono niya ngunit alam kong mas maaasar siya sa susunod na sasabihin ni Aizen.

"Bring Jiro back to us"

"I thought you see Jiro as a traitor?"

"You fool"

Kitang kita ang pagkapit niya ng madiin sa kinauupuan niya.

"How dare you?! Do you really think that im going to give him?"

"Ya"

Tumataas ang tensyon ngunit nanatiling kalmado si Aizen.

"Fuck you. Dont you try to dare me! Ill kill Jiro infront of you!"

"Gold. Its such a treasure"

"Do you mean-do-do you-do you really mean.."

Natigilan siya sa pagkahambog niya at nasampal ng katotohanan.

Flashback.

Kailangan kong makausap si Aizen. Gusto kong malaman.

Pumunta ako sa office niya para kausapin siya dahil hindi ako mapalagay na andun si Jiro sa mga kamay ng Masters Turner.

"Aizen"

Buo ang tiwala ko kay Aizen dahil napaka taas ng respeto ko sakaniya pero sa pagkakataong to, nagkaroon ng puwang sakin ang pagdududa.

Hindi siya sumagot at seryosong nakatitig lamang sakin.

Ano ba talaga ang nasa isip mo Aizen?

"Paano mo nagagawang maupo dito habang nasa panganib ang kagang mo?! At kung totoo mang traydor si Jiro paano mo naman nasabi?"

Tumayo siya at lumakad palayo.

"Aizen!"

"Come with me"

Ngayon ko lang nakita ang lugar na to.

Anong lugar ito? Napaka tago. Sa gilid ng isang building ay may lupa at dun ay may sikretong pinto.

"Ano to?"

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon