Chapter 85: Zombie

847 20 0
                                        

"He never served GG"
--

Malapit ng matapos ang summer break na tawag nila sa eskwelahan at magpapasukan nanaman pero wala pa rin sa ayos ang lahat.

Ayoko pa sanang bumalik sa kwartong iyon pero kailangan. Nanghihingi ng update si Master at si Lady Q. Pero ako, hanggang ngayon wala pa ring balita kung okay na ba si Kc.

Kailangan na rin ng GG na malaman na gising na siya para makakilos na kami ng kaniya kaniya.

Paghawak ko ng pinto, nagulat ako ng nakasarado pa rin ito.

Hindi pa ba siya gising?

"Hoy! Bukasan mo to"

Hindi ko masilip ang loob. Hays. Buti nalang dala ko ang bag ko kung nasan ang susi dahil kung hindi masasaktan talaga to sakin pag pasok ko.

Pagpasok ko ay tumambad sakin ang babaeng yun na wala sa sarili.

Nakatulala lamang siya at nangingitim ang mga mata habang nakaupo kung saan ko siya iniwan kagabi.

Hindi ko alam kung paano ko siya pagsasabihan.

"H-h-hoy" nakakatakot na siya. Ipadala ko na kaya to sa Detention Hall? Mukha na siyang zombie. Dahil na rin siguro sa gutom at uhaw.

Umalis ako kaagad ng kwarto at dumiretso muna sa SSC kung nasan ang iba kong kagrupo dahil umaga palang ay nagpadala na sila ng paalala na may meeting ang gang.

Simula ng malaman nila na nagtraydor ako sakanila ay nag iba na ang turing nila sakin. Paki ko.

Hindi ko din kasi alam ang balak ni Master kung bakit nandito pa ako at hindi nalang agad kalabanin ang GG para tapos na.

Nandun na si General sa unahan at mukhang ako nalang ang inaantay. Takte. Hindi talaga ako sanay na hindi ko makita si Aizen sa upuan niya.

"The holder of the blood that can cure all the students here is inside the school"

Sino ang nagsabi kay General? Alam kong hindi na sila nagkita ni Aizen matapos malaman ni Aizen yun.

"She is someone you know and someone that i already heard from you"

Tinignan ko isa isa ang naging reaksyon nila at halatang halata na hindi nila ito alam.

Tss.

"Ashe Delos Reyes will be now under our supervision"

Nanlaki ang mata ni Yohann at Jiro. Pero ang pinagtataka ko ngayon ay kung kanino niya ito nalaman?

Tama. Si Kc. Siya ang maaaring nagsabi nun dahil alam niyang matutulungan siya ni General.

"Jiro, lahat ng GG na naiwan nung nakaraan dahil hindi kinaya ang Hell Days sunduin mo na"

Bakit? Akala ko ba pinarusahan niya yun?

"Sa tingin ko magaling na sila ngayon"

"Bakit? Anong ginawa niyo sakanila General?" Mausisang tanong ni Yohann.

"Lahat ng kagrupo niyong sumuko, hinayaan kong mag ipon sila ng lakas. Para sa susunod hindi na sila susuko pa"

Kaya pala. Hindi ko nakikita ang ibang kagrupo ko. Pero hindi naman sila mahalaga kaya hindi ko na sila papakialaman.

"Yohann, may ibibigay ako sayo mamaya, pag aralan mo yun at i need an answer after three days"

"Yes General"

Akala ko ay tapos na ang pag uusap dahil alam ko naman na hindi na ako pinagkakatiwalaan ni General pero hindi pala.

"And Lorde, i will assign you t--"

"Bakit bibigyan siya ng task e traydor yan General?"

Nagpatuloy lang si General sa pagsasalita nito. "Learn to trust. If they betrayed you, by that youll learn"

"But he betrayed us already" tama ka Yohann. Tama ka.

"But, i still didnt learn from that"

"General namatay si Aizen dahil sakaniya! Dahil tinraydor niya tayo!"

"Lorde, i am not trusting you. But, im relying on you. If you betrayed us, youll deal with me"

Ano ang ibig sabihin ng taong to? Sinusubukan niya ba ko? Hindi naman niya ko kailangan subukan dahil hindi naman ako maglilingkod sakanila. Hindi nila maibibigay ang pangangailangan ko.

"And, Lorde didnt betrayed us" salita niya pa uli. "He never served the GG"

Tss. Magaling siya magobserba. Kung ganun, alam niya ba sa simula palang na hindi sakanila ang paglilingkod ko?

"Lorde, dahil magaling ka sa pag sspy, i want you keep an eye to that girl. Make sure shes safe"

"General!" Nakakatawang Jiro. Natatakot talaga siya sa kaya kong gawin sa babaeng yun. "Baka mapahamak si Ash--"

"Calm down Jiro. Hindi siya papatayin ng Masters Turner. Magagamit pa nila si Ashe para sa plano nila"

"At kung sakaling mapahamak si Ashe dahil kay Lorde?! Anong gagawin natin General?!"

"Hindi ipapahamak ni Lorde si Ashe na mahalaga para satin dahil nasakin din ang mahalaga para sakaniya"

Napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?!"

"Ako ang nag aalaga ngayon sa pinapahalagahan mo Lorde kaya alagaan mo din ang pinapahalagahan ko"

"Hindi moko maloloko!"

"Wala kong panahon para magbiro ngayon dahil alam kong may sakit ang taong yun"

Nakakagigil. Alam ko kung paano siya karahas.

"Wag mo siyang sasaktan!"

"Alam mong hindi ko ugaling manakit ng mahihina, Lorde"

"Pag nasakt--"

"Hindi siya masasaktan sa mga kamay ko dahil mapoprotektahan ko siya laban sa tunay na mananakit sakaniya na siyang pinaglilingkuran mo. Magtiwala ka sakin Lorde"

Kusang nanginginig sa galit ang buo kong katawan.

"Make sure that girl will be fine"

Tinapos niya ang meeting na iniwanan akong tulala.

Anong gagawin niya kay mama?! Bakit nila dinadamay dito ang mama ko?!

Dahil sa usapang iyon, binalikan ko ang babaeng yun at wala pa ring ipinagbago ang posisyon niya.

Ilang beses akong nagpabalik balik hanggang ngayong gabi ay ganun pa rin.

Namumutla na siya at tila mamamatay na sa kulay niya. Tulala pa rin siya at tila lumulutang at walang naririnig.

Bakit ba ako pa ang kailangang magbantay sa babaeng to?!

Baka mamatay siya kung ganito ang mangyayari sakaniya at baka anong gawin ni General kay mama. Naiipit ako!

Binigyan ko siya ng pagkain at iniwan dun.

Ano bang nangyari sa babaeng yun? Kung ganito lang din ang magiging kahihinatnan niya sana nag umiyak nalang siya buong magdamag.

Sa ngayon, na kailangan pa namin siya kailangan niya pang mabuhay. Saka nalang siya mamatay pag naayos na namin ang lahat at pag nakuha na namin ang kailangan namin.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon