Nullum Tellum (Kc Celestial)

885 28 3
                                    

"Ito ang laban ko, at wala akong makitang dahilan para umatras"
--

Kc's Battle.

Kc's POV

"Kamatayan lang ang maghihintay sayo sa gabing ito!"

"At yun ang gusto ko"

"Kc!" Ngayon lang sumabat si kuya sa usapan namin ni mama mula kanina pa.

Ngayon ko lang nakitang magalit si mama ng ganito. Ang galit sa mga mata niyang hindi ko alam kung ano ang dala.

"Bakit mo ba ginag--"

"Ilang beses kong tinanong sayo yan ma? Ilang beses akong nag makaawa para sagutin mo ang tanong ko pero wala kang nasagot doon na kahit ano"

"Pero hindi ito ang bagay na gusto ko bilang ina mo. Gusto ko na nasa labas ka ng impyernong ito at hindi ko kasama!"

"Pero gusto kong kasama ka, hindi para lambingin ka kundi para ipakita sayo na hindi lang ako ang dapat umalis sa lugar na to. Mama, hindi mga tradisyon ang nagpapamukha samin na impyerno ang buhay namin dito. Kayong mga opisyal na may hawak na kapangyarihan ang nagpapabuhay ng kasamaan dito. Nabuhay kami para pumatay! At yun ang natandaan ko mula pa noong bata ako at tinuruan mokong lumaban. Dahil alam mo darating ang panahon na lalaban din ako para sa buhay ko"

Lumuha si mama ng hindi nagbabago ang pagkakangiti niya. Nakakatakot siya. Hindi siya tulad ng ibang ina. Bakit pakiramdam ko kaya niya akong patayin sa anumang oras na gustuhin niya?

"Kung ganun, natuto ka na" nakangiti niyang hayag habang tumutulo ang likido mula sa mga mata niya.

Pagtayo ko sa kinauupuan ko para maglakad ay niyakap niya ako. Gustuhin ko mang itulak siya ay mas pinili ng puso kong hayaan siya. "Sa paglaban mo palang, nakita ko ng anak kita. Hindi mo ako binigo Kc"

"Sa pinapakita mo palang ma, hindi moko tinuring anak. Tinuring moko bilang isa sa mga estudyante mo. At yun palang, namatay na ako"

Lumabas ako sa masalimuot na kwartong iyon ng umiiyak.

Hinanda ko ang sarili ko para mamaya.

Kumain ako ng madami at sinigurong sapat na ang pahinga ko. Uminom ako ng madaming tubig paghahanda para sa luha at pawis na ibubuhos ko mamaya.

Inintay ko lamang mag alas dose, at pumikit.

Lahat ng gagawin ko, kailangan kong isipin na yun lang ang pagpipilian ko. Wala akong sisisihin. Wala akong aasahan.

Habang naglalakad ako papunta sa quadranggle ay nagsilabasan na ang fireworks at masiglang lumitaw sa kalangitan.

"Ito na ang pagsisimula ng katapusan"

Mabilis na pagkabog ng dibdib lang ang nararamdaman ko.

Sa tingin ko, mamamatay ako ngayon. Dahil kung si Ashe ang makakalaban ko, hindi ko alam ang kaya kong gawin.

Nakarating ako doon at malakas na kampana na naghudyat para sa Nullum Tellum.

Ito na ang pinaka nakakatakot na tunog na narinig ko mula noong nakapasok ako dito.

"Lets choose the first fighter"

Alam ko na ang palarong to. Pipili sila ng isang malakas na tao para hamunin namin. At siya bilang pinili ang pipili naman ng paraan ng pakikipaglaban. Kahit anong gustuhin niya basta pumayag ang mga opisyal.

Pag hindi kami lumaban, siya mismo ang papatay sa mga hindi siya nakalaban.

Nakakatuwang pangyayari.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon