'Ang mga matang iyon'
--Pinilit ko lang kumagat sa burger na ibinigay ni Maggie pero wala talaga akong gana.
"Maggie, ibig sabihin ba nun dahil wala akong badge hindi ako makakalabas kahit na isang araw lang?"
"Yup"
Parang natanggalan ako ng pag asa. Nahirapan akong huminga. Paano ako makakabalik sa dati?
"Hindi mo na rin naman kasi kailangan pang lumabas dito. Meron namang department store sa loob nito. School supplies at kung ano ano pa. Hindi mo sila kailangan bilhin. Libre lang ang lahat kailangan mo lang ipakita ang id mo"
Nagkamali nga ba ako sa pagpasok ko dito?
"Dalian mo Ashe, pumunta tayo sa locker para makuha natin ang damit sa susunod na subject"
"Bakit tayo magpapalit ng damit?"
"Katulad ng sinabi ko sayo, ititrain tayo lahat dito para maging isang magaling na assasin. So half of the day ang training na yun. Kaya kailangan nating magpalit ng damit at hindi nakafalda na ganito"
Pero, ayokong maging assasin.
"You need to do your best to learn. Para sa mga baguhan, self defense palang ang ituturo sa inyo. Ibang phase naman na ang samin"
Napansin ko ang biglang pagtahimik ng lahat ng nasa cafeteria. Pero dahil sa hindi ko pa rin maisip kung nasan na nga ba ako, hindi ko nalang sila pinansin.
"Andito na pala ang GG"
GG?
"Anong GG?! As in Girls Generation?!"
Hindi ko maipinta ang mukha ni Maggie pero mukhang hindi siya natuwa sa sinabi ko. Hinampas niya ako sa ulo nung straw na hawak niya.
"Gangs of the General"
"Gangs of the General?"
Lumapit ng kaunti sakin si Maggie at parang bumubulong nalang siya.
"Yan and Down Caster." Turo niya sa isang grupo ng mga lalaki na nakablue shirt lahat. "Sila ang bumubuo ng Basketball team o ang varsity team. Wala pang kahit kailan na nakatalo sakanila. Makikilala sila dahil sa mga bracelet na magkakatulad na suot nila. Ang leader nila yung nasa unahan"
Nakita ko ang lalaking may band aid sa kanang pisngi.
"Siya si Aizen Asuncion. Ayon sa mga narinig ko tungkol sakaniya, napakabrutal niya. Babae, lalaki, matanda o bata kayang kaya niyang patayin. Wala siyang awa. Siya rin ang presidente ng SSC o ang Supreme Students Council. Namamahala sa lahat ng rules ng eskwelahan na to. Isa siya sa nagmamay ari ng iniingatang badge. Basta nakakatakot sila kaya maraming hindi makalapit sakanila. Sa mga gang fights siguro nila galing yung sugat niya sa kanang pisngi na may band aid"
Tama. Nakakatakot nga. Bumalik ako sa pagkain ko ng magsalita muli si Maggie.
"Ito naman ang Catchers. Mabilis lang naman sila marecall dahil sa trademarks nilang puting pamaypay at kung gumamit sila ng uniform. Sila naman ang mga royal princes ng university. Handsome playboys"
Kitang kita ang sumunod na grupo na may kaniya kaniyang puting pamaypay. At ang mga uniforms nila maluwag na paggamit ng necktie at hindi sila gumagamit ng maroon nilang coat.
"Yan namang nasa unahan ang leader nila. Si Yohann Perez. Mahilig sa babae, maharot, magaling manlandi. Yun ang narinig ko tungkol sakaniya. At siya naman ang namumuno sa clinical status ng buong eskwelahan kaya naman mayroon din siyang badge"
Walang wala nga akong alam.
"Ito naman ang Brokers"
Hindi pa rin pala siya tapos?! Ilang gangs ba ang meron dito?
"Ang Brokers. Kilala naman sila sa paggamit ng floral na sumbrero. Sila naman ang kilala sa pagiging pasaway sa campus. Pero?! Teka?! Teka!"
Nagulat ako sa pag iiba ng ekspresyon ni Maggie. Bakit? Ano bang meron?
"Yung leader nila?" At mukhang nalungkot nga siya. Hays.
"Kumain na tayo" aya ko pero hindi pa rin siya tumigil sa pag lecture.
"Yung leader nila si Jiro Milliares. Ano kasi. Ganito. Diba? Uh? Yung si Jiro kasi.."
"Ano bang meron?"
Kinagat niya ang labi niya saka nagpatuloy. "Crush ko. Siya ang pinakagwapo para sakin. Pinakamabait. Napakapasensyoso. Sobrang marespeto kahit dapat siya ang nirerespeto dahil may badge din siya"
Hays. Hindi pa rin nag sisink in ang nangyari tungkol kanina kaya hindi pa rin ako makasabay.
"Black 11"
Ang sumunod na grupo ang nagpatindig ng balahibo ko.
"Ang mga matang yun"
Mas malapit ang grupong ito samin. Naramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko at ang panlalamig ng buo kong katawan.
"Ano?"
Sino siya?
"Ashe, wag kang masyadong tumingin ng diretso. Yan ang Black 11. Lahat naman ng Universities sa Pilipinas kilala ang mga gangs pero ang gang na to ang nagpapanginig sa kanila. Sila ang pinakanakakatakot. Sa sobrang dami nilang napatay hindi nakapagtatakang sila ang lead gang ng GG. Sila rin ang Black Band ng school natin. Banda ng eskwelahan. Lahat sila ay mayroong black band sa mga braso kung saan nakasulat ang mga numero mula one hanggang eleven. One ang numero ng leader nila"
Hindi matanggal ang mata ko sa lalaking yun. Magkaiba sila pero malaki ang pagkakapareho nila.
"Si Lorde Delos Reyes ang leader nila. Wala pang nakakita sa mukha niya. Ewan ko lang sa mga kagang niya pero lagi niyang suot ang mask na yan."
Mata lang ang nakikita ko sakaniya. Gumagamit kasi siya ng face mask na na kulay black na may bungo. Pero ang mga matang meron siya.
--
Nakarating din kami sa locker room namin ng hindi manlang ako nakapagsalita.
"Naiintindihan ko kung gaano ka nabigla. Pero sa ngayon na andito ka lumaban ka para mabuhay."
Binuksan namin ang mga locker namin at nandun ang ibat ibang bagay na kakailanganin namin.
Tinititigan ko lang ang isang pang pares ng uniform ko.
Isang long sleeve na white, maroon na vest at maikling skirt. Black ang kulay ng nectie.
Sa mga lalaki naman, long sleeve din na white at maroon na vest. Black ang necktie nila at slocks.
Bale dalawang pares uniform ang meron kami. At isang black na shirt at pants na may black din na cap. Siguro ito yung sinasabi ni Maggie na uniform para sa training.
"Magbibihis na ko Ashe. Di ka sasabay?"
Umiling ako at muling napatitig sa kawalan.
"Ashe, hindi ngapala tayo pareho ng pupuntahan."
Napasulyap ako kay Maggie na tapos na palang magbihis.
"Kasi ibang gymnasium kami at dun kayo sa gymanasium 1. Basta mag iingat ka lang. Una na ako. Baka malate ako. Dalian mo rin"
Pinanood ko lang ang palayong lakad ni Maggie sakin. Wala akong nagawa kundi ang magbihis nalang.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...