Chapter 67: Tornamentum

981 22 0
                                        

"Kaba at takot ang bumalot sa akin habang pinagmamasdan ko siyang lumakad papunta sa gitna"
--

Blue's POV

Gigil na gigil siya dahil nalagasan kami ng mga kagrupo. Siya naman kasi nagsabing ipakalat namin ang balita na buntis ang babaeng yun edi kami tuloy ang nawalan.

"Paano nagawa ni Aizen yun?!"

Sino kaya ang kasabwat niya para lokohin ang buong eskwelahan? Paano niya nagawa yun?! Kahit ako ay nanggagalaiti sa galit dahil sa nangyari.

"Ngayon kailangan natin ang babaeng yun! Makikita ni Aizen kung gaano ako kasaya makipaglaro! At makikita niya na hindi niya dapat ako hinahamon!"

Yung babaeng yun nanaman. Palagi nalang siya. Kailangan ko pa tuloy magpanggap na mahalaga rin siya para hindi ako mapagdudahan. Ang tagal naman mamatay ni Aizen para matapos na ang lahat!

"Ang pinagtataka ko lang bakit kailangan gawin yun ni Aizen sa babaeng yun? Ang posisyon niya?"

Yun din ang ipinagtataka ko kaya mas nalito ako sakaniya at sa mga binabalak niya. Kahit kailan ay napakahirap niyang basahin.

"Hahahahaha! Call all your team mates. Sa tagal naman siguro ng panahon na ponagpahinga ko sila ay handa na sila sa tradisyon na gagawin mamaya?"

Sinagot siya ng mga kagrupo ko habang ako at nag iisip pa rin tungkol sa mga ikinilos ni Aizen. Nililito niya ako.

Kung totoo ngang ipapatawag ang lahat ng iba kong kagrupo ibig sabihin maaari na naming matalo ang GG o maubos kami ng GG. Alin man dun sa dalawa ay wala pa akong alam. Ang alam ko lang ay dapat kong malaman ang binabalak ni Aizen.

Ngayon na ang susunod na tradisyon. Sino kaya ang mapipiling alay mamaya?

Kc's POV

Ang tagal naman ng pabebe na yun. Hays. Paano kaya namin maaabutan lahat ng palaro?

"Kc tapos na ako!"

"Mabuti naman! Pasalamat ka at inantay kita. Dalian mo na. Nakaapat na kape na ako kakaintay sayo"

"Kaya umiinit ang ulo mo e. Hays. Sge na. Alis na tayo"

Laro lang naman ni Aizen ang inaabangan ko at sigurado akong hinuhuli nila iyon.

Sa tradisyong ito, lahat ng athletes ang sinusubukan. At laging ang grupo naman nila Aizen ang nananalo. Pero dahil sa ginawa ni Aizen panigurado akong pupunta dito ang Masters Turner para harapin sila. Ngayon ko palang masasaksihan na may kakalaban kila Aizen na walang kasiguraduhan kung mananalo sila o hindi.

Hindi na nga namin naabutan ang ibang laro.

Pangalawa na sa huli ang larong ito. Volleyball.

Grupo nila Kathleen ang panalo malamang.

"Hoy!"

Tss. Ang hambog na Jiro nanaman pala.

Nanlilisik ang mga mata niyang nakatingin sakin. Nakakatakot naman talaga siya. Pag galit. Pero pag kagaya ngayon na hindi naman, ay nakakainis siya.

"Ashe! Bat yan ang kasama mo?!"

"Hindi ko gusto ang sinasabi mo Jiro. Pero dahil nagmamagaling ka edi kayo ang magsama"

Wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa.

"At talaganghsjdjdkdvdj"

Tinalikuran ko na sila at pupunta nalang ako sa ibang pwesto kung saan mas kita ko ang magiging laro ni Aizen.

Nakakainis. Yung Jiro na yun. Ano naman kung sila magkasama ni Ashe?! Wala akong paki. Wala lang talaga kong kasama kaya sinama ko yung pabebeng Ashe na yun. Tsaka siya lang ang kaibigan ko.

Ano?! Kaibigan?!

"Hindi. Hindi k--"

"Hays si Kc. Nagsasalita ka pala pag mag isa ka ha hahahahaha" inilagay niya ang kaliwang kamay niya sa nakauwang kong braso para maging magkadikit kami. "Kc, ang saya ko na kasama kita sa loob ng lugar na to"

Ako rin. Masaya kong ako ang kasama mo at hindi ang ibang tao dahil makakasiguro ako na mapoprotektahan kita.

"Tss! Asan na yung hambog na kasama mo kanina?"

"Mas gusto kitang kasama" kinurot niya ang pisngi ko at malapad na ngumiti.

Sana, kahit malaman mo kung sino ako ay hindi magbago ang pakikipagkaibigan mo sakin.

"Magsisimula na"

Nawaglit sa isip ko na magsisimula na ang pinakahuli at inaabangan ng lahat.

Nakasalalay sa mga grupong nandito kung sino ang magiging alay.

"Kc, natatakot ako. Hindi ko alam pero natatakot ako para kila Aizen"

Pumasok na ang Down Caster na may jersey na kulay black.

Madaming nagtitilian at madami ang nagsisisigaw ng team na pinoprotektahan nila.

Tulad ng isang tournament, parang isang simpleng patimpalak lang ito sa isang eskwelahan. Pero kung titignang mabuti, nakasalalay ang ilang buhay sakanila.

Lahat ng nakagawa ng kasalanan na nakasulat sa log book ay maaaring maging alay. Depende sa grupong kinabilangan nila. Kaya pag natalo ang grupong iyon, ay papatayin siya kasama ng grupong natalo.

Isang kabaliwan ang ganitong laro.

Bakit wala pa si Aizen? Sa pagkakaalam ko, palagi naman siyang nauuna. Siya kasi ang naglalaro sa first 5. Tinignan ko ang ilan sa mga kagang niya. Magkakatabi ang mga kapwa niya leader. Alam ba nila na malilate si Aizen?

Sino kaya ang alay nila? Basta hindi si Ashe at hindi ako, wala na akong pakialam dun.

Nasa pinkababa at nagpapaka VIP naman ang dalawang ladies na may highest authority. Si Lady M at Lady Q. Tss.

"Kc ilang laro ba ang gagawin nila?"

"Basta manood ka nalang naiinis ako sa sobrang dami mong tanong"

Niyakap yakap niya ako at pangiti ngiti pa tong lampa na to. "Ohsige na. Sorry na Kc" tss. Pasalamat siya at wala siyang laban sakin kaya pagbibigyan ko siya.

Ayokong alisin ang kamay niya. Gusto ko ang ganitong pakiramdam.

Ilang minuto kaming nag intay para sa tunay na laban. Apat na grupo ang naglaban laban. Sa apat na grupong iyon na may tig iisang alay ay natalo na ang dalawa kaya sigurado na ang kamatayan ng dalawang alay na iyon mamaya.

Natalo ng Masters Turner ang kalaban nila at ganundin naman ang Down Caster.

Kaya ngayon ay magsisimula na ang tunay na laban.

Kung magsisimula na nga ang laban, nasaan si Aizen? Bakit wala pa siya?

Tinignan ko si Lady M at Lady Q pero wala akong makitang kakaiba maliban sa mga ngiti nilang nababalutan ng kahibangan.

Kaniya kaniyang bulungan at sigawan ang narinig ko dahil wala pa hanggang ngayon si Aizen.

Pero matapos ang ilang minuto ay dumating na siya gamit ang kulay itim na jersey niya.

Bigla akong kinabahan ng makita ko si Aizen. Sigurado akong natatakot ako. Hindi ito kaba sa kung saan lang. Kaba at takot ang bumalot sa akin habang pinagmamasdan siyang lumakad papunta sa gitna.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon