Yohann Perez Vs. Jiro Millares
--Jiro's POV
Tinupad ng Trio ang hiling ni General na magkaron ng isang engrandeng party bago ang labanan.
Hindi ko alam ang balak ni General basta alam kong ang balak na yun ay makabubuti.
Flashback
"Ililigtas ni General ang lahat ng nandito pero hindi kayo Jiro"
Palabas na si Aizen ng banggitin niya yun.
"Hindi kita maintindihan Aizen"
"Ang plano ni General, hindi yun para sainyo. Para yun sa pagliligtas ng iba. Hindi ng GG"
Hindi ko alam kung mabibilaukan ba ako o hindi lang talaga makahinga.
"Kung hindi ka naniniwala sakin, hanapin mo si Hazel at Kc. Pag nahanap mo sila ng ligtas, saka moko balikan"
Hindi palasalita si Aizen kaya mas nabigla ako dahil bumuka ang bibig niya. Ito na ata ang pinakamaraming salita niya na sinabi.
"Nagbago ka, Aizen" pagsusumamo ko sakaniya na huminto na. Dahil naguguluhan na talaga ako.
"Makikita mong hindi ako nagbago"
Saka siya tuluyang umalis.
Ilang oras akong nag isip hanggang sa maisipan na puntahan ang silid ni General.
"General" pagbubukas ko agad ng gusto kong itanong. "Sino ang balak mong iligtas?"
"Lahat ng nandito"
"Kung ganun, ililigtas mo rin ba sila Aizen? Nand--"
"Oo. Lahat. At dahil nasa loob ng BEU si Aizen, Lorde at Yohann, kasali sila sa tinutukoy ko"
"Pero bakit nahati kayo nila Aizen?! Naguguluhan na ako! Ang hir--"
"Kung lalabas ang lahat sa isang kwarto na may mga kalaban, hindi pwedeng lahat kayo lalabas. Dahil hindi naman pwedeng isara ang pinto mula sa labas. Dapat may maiiwan sa loob"
Malamang hindi ko yun maiintindihan. Pero nararamdaman ko yun.
At ngayon na nasa huling bahagi na kami, nauunawaan ko na.
Hindi lahat maililigtas ni General, pero may maililigtas siya.
Oo pareho silang may maililigtas ni Aizen, pero di sila pareho ng balak iligtas.
Kaya sila naghiwalay ng landas.
Pero naniniwala ko sa sinabi ni Aizen.
Hindi siya nagbago? Kung ganun, ano ang ginagawa niya?
Nagsalita na ang emcee para ipahayag na ang mga Nulumtre, o ang nga natalo sa Nullum Tellum ay maglalaban laban, para patayin o agawin ang gintong badge mula sa may ari nito. Kung saan kasing kahulugan na nun ang kalangitan ng kapangyarihan.
"Goodevening Ladies and Gentlemen. It is a cold night, but the fire in everyones eye is really amazing. And i cant wait to see you fighting. Goodluck Nullumtres, hope to see you stand along. Have a great evening"
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misteri / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...