"Nanginginig si Aizen"
--
Jiro's POV
Tinawagan ko ang iba pang leader ng GG at nandito na kami ngayon sa isang malaking gusali sa labas ng eskwelahan kung saan kasama namin si Aizen.
Hindi tulad ng mga mata niyang blangko, nagbago ito at nabalot ng galit ngunit mayroong mababakas na lungkot.
"Aizen, sigurado k--"
"Welcome leaders. Ive been waiting for you to come sooner not this late"
Naputol ang tanong ni Lorde ng magsalita ang isang lalaki at narinig iyon mula sa speaker.
"Sinong gago yun? Yun ba leader nila?" Tinignan ko si Yohann na bakas ang galit dahil tulad ko ay kinuha din nila ang kanang kamay na inaasahan niya.
Bumukas ang malaking salamin na gate at pumasok kami doon.
Napakabangong amoy ang bumungad sa amin at nagdilim na ang paligid matapos nun ay hindi ko na nasundan ang pangyayari.
--
Pagkagising ko ay agad akong napatayo mula sa pagkakahiga at inilibot ang paningin ko.
Nakita ko si Aizen na nasa gitna at nakaupo kasama ang isang lalaking nakamaskara. Sino siya? Posible kayang siya ang leader ng Masters Turner?
Hinanap naman ng paningin ko ang iba pang leaders at nakita ko sila Yohann na nakaupo rin sa seldang kinalalagyan ko.
"Tangina?! Anong nangyari?!" Nagtatakang tanong ko na tila wala lang naman sakanila?
Si Lorde ay nakatingin lamang kay Aizen at si Yohann ay inirapan lang ako. Ang sarap tirisin nitong taong to e!
Tinignan ko uli si Aizen na nakakuyom ang mga kamao.
"Excited to see your second leaders?" Patawa tawa pa ang hinayupak na kausap ni Aizen dun. Bwisit pag ako talaga nakalabas dito!
Hindi naman nagsalita si Aizen at direktang nakatingin lamang sa kausap nito.
"Lets have a game first. Bago ko ibigay ang mga kailangan niyo, kailangan mo munang makipaglaro sakin"
Siya nga siguro ang leader. Nung inilibot ko ang mga mata ko ay puro salamin ang paligid. Anong klaseng lugar ito?
Nakita kong tumango si Aizen at ang una nilang lalaruin ay chess.
Alam ko namang hindi niya matatalo si Aizen diyan.
Para kaming nanonood ng isang world tournament dahil pag natalo si Aizen hindi niya makukuha ang kailangan namin.
Bakit kasi si Aizen lang ang gusto niyang kalaro aber?!
Lumapit ako sa selda at tangina! Ang sakit! Nakakapaso! Saglit lang akong nadikit dun at dumikit talaga ang balat ko sa bakal at kitang kita ko kung paano malapnos ito. Tangina ang sakit! Saka ko lang napansin na ganundin pala ang mga braso nila Yohann.
"For this game, uunahin ko na sila Axl from Lordes team, Nelho of Brokers and Joshua of Yohann" itinuro niya kami na wala naman atang pakialam ang gago sa mga buhay na hawak niya.
Inilabas niya si Axl na puro sugat at hindi na makalakad ng maayos kaya kinakaladkad nalang. Si Joshua naman ay hindi na makita ang mata at si Nelho naman ay nagkulay ube na lamang dahil sa napakarami niyang pasa.
Naramdaman ko ang sobrang galit. Sobra. Ginawa nilang hayop ang buhay ng mga kagrupo ko!
"Pag hindi mo to napanalo," sumenyas siya ng pagbaril sa ulo at ngumisi "bye Axl, bye Joshua, bye Nelho"
"Nasan si Jl" hindi patanong ang tono ni Aizen bagkus ay tila alam na niya. Anong ibig sabihin?
Teka?! Nasan nga siya?
Kitang kita ko kung paano tumulo ang dugo ni Axl, Joshua at Nelho habang parang tinutusok ako ng kutsilyo tuwing nakikita ang napakaraming sugat nila.
Nagsimula ang laro nila na pinahihirapan sila Nelho at halos puro sigaw lang nila ang naririnig ko.
"Tangina mo! Tigilan mo ang pananakit sakaniya gago ka! Pag nakalabas ako dito papatayin kita!" Pagsusumigaw ko kahit halos mapipigtal na ang boses ko sa halong pagkalungkot at sobrang galit.
"Hahahaha yes ill wait Brokers leader. Fuckyou"
"Fouckyoutoo! Bullshit!"
Hindi ko makita ang pyesa ng chess pero base sa itsura nila, mukhang panalo si Aizen pero naggagaling galingan naman ang kalaban nito.
"Aizen, kung hindi mo kayang magdepensa, use offense para mabluff ang kalaban" sabay galaw sa kung ano mang pyesa yun.
Matagal bago nakakibo si Aizen bago niya magalit ang kalaro niya "hindi lahat ng opensa makakatulong sayo, kung minsan dahilan yun ng pagkatalo mo. Mate"
Itinilapon niya ang chess board at gigil na gigil na ngumisi kay Aizen.
"Sge. Ibibigay ko sayo ang mga to" umupo siya at sinenyasan ang kagrupo niya "ilabas niyo na ang kailangan ni Aizen at ang pinakainiintay niya"
Agad kong sinigurado na maayos ang kahihinatnan nila Nelho. Nakaupo nalang sila ngayon at bakas ang sobrang paghihirap nila.
Bumukas ang isang parte ng lugar na yun at nakita ko ang duguang mga kamay ni Jl.
"What the hell did they do to him?!" Hindi namin makita ni Yohann ang nangyari dahil may kalayuan ito. Pero parte ng daliri niya ang nagdudugo.
Galit na galit na si Aizen hindi lang iyon basta pakiramdam ko. Sigurado ako doon.
"Tinanggalan siya ng kuko" sabat ni Lorde na nakalimutan kong kasama pala namin. Tangina.
Ang sakit ng ginawa nila. Kaya pala halos hindi na mabakas na kamay iyon dahil sa dugo. Nagkulay asul na rin ang kamay niya. Nakakaawa. Nakakagalit.
"This is the exchange for killing my members"
Nanginginig si Aizen. Kitang kita ang reaksyon ng mukha niya malayo sa palaging pinapakita niya.
Isa lang ang natitiyak ko, sa sobrang bigat ng nararamdaman ni Aizen ay hindi na niya magagawang itago pa ang nararamdaman niya.
Subukan ko mang tulungan siya ay hindi ko magawa. Masakit ang sugat na ginawa ng seldang ito sakin puta.
Mula sa kaseryosohan ay nagpakawala ng malakas na pagtawa ang kausap ni Aizen.
Tumawa ito ng sobrang lakas at halos hindi na niya mapigil at hawak niya ang tiyan niya.
Bakit?
Kinabahan ako mula sa pagtawang iyon at tumaas ang balahibo ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.
Mas lalo pa akong nagtaka ng makita ang pagluha ni Aizen.
"Kinakabahan ako. Ano bang nangyayari?" Tanong ni Yohann na hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang sagot.
Bakit nga ba ganito ang nararamdaman namin?
"Aizen, hindi na tayo maglalaro"
Hindi pa rin matanggal ang mga ngiti sa labi niya na talagang ikinakagigil ko.
"Dahil, mamimili ka na"
Bumukas muli ang isang parte ng lugar na iyon at tumambad ang isang hindi inaasahang tao.
Anong ginawa nila sakaniya?!
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
