'Sa susunod na mga taon, mababago din ang lahat' -Someone's POV
--
(One Month Later)
Jiro's POV
Maingay na usapan sa telepono ang narinig ko. Teka lang?
"Mama?"
"Gising ka na palang bata ka! Kamusta pakiramdam mo?"
S-s-s-si m-ma-mama ba talaga to?
"Bakit nandito po kayo?" buong pagtatakang tanong ko.
"Nasa ospital ka anak"
Ospital? Wala ba ako sa BEU?
"P-p-pero bakit ak--"
"Naku wala kong nahanap na smoked beef dun Hon"
Kusa nalang tumulo ang luha ko ng makita si papa na dala dala ang mga paborito kong oranges at malungkot na ibinabalita kay mama na wala siyang nabiling smoked beef na paborito ko din.
"P--"
Mabilis na lumapit sakin si papa at niyakap ako. "Mabuti nagising ka na Jiro, ive waited almost three days magising kalang. Problemadong problemado kami ng mommy mo" Hindi ko nakikita ang mukha ni papa pero sa mga pagsinghot palang niya alam kong umiiyak siya.
"Magaling na po ba si mama?"
"Syempre alam kong makakasama na kita kaya nagpagaling ako"
Mahihigpit na yakap nila mama at papa ang nagtanggal sa sakit ng katawan ko.
Akala ko kamatayan ko na non, pero paano nga pala nangyari lahat to?
Nasan ang GG? Si Hazel? Si Ashe? At si Kc?
Yohann's POV
Hawak hawak ko ang kamay ni Hazel ngayon habang inaantay siyang magising. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sakaniya. Kaibigan siya ni Charlotte pero nagawa ko yun.
Bumuntong hininga ko at pipikit na sana para matulog nung madinig ko ang pagbuntong hininga din niya.
Agad akong tumawag ng doktor at saka nila pinuntahan si Hazel at hindi ko na mapigil ang ngiti ko ng makita siyang nakamulat na at ngumingiti.
"Hazel?"
"Sir, pwede na po siyang ilipat sa normal ward" bigkas ng nurse habang may sinusulat sa notebook na hawak niya.
Agad kong nilapitan si Hazel at niyakap ng mahigpit.
"Sorry"
Hirap mang gumalaw ay niyakap niya ko pabalik.
Sana makabalik agad si Ashe para makita niya kung gaano siya katapang para ipaglaban lahat ng to.
Aizen's POV
Nagising nalang ako na may nangangamoy sunog.
"Whats that?" Inis na tanong ko ng hindi ko pa naman kasi talaga balak bumangon.
Halos madulas ako sa hagdan ng makita si Lady M ay mali, si mama na nagluluto ng agahan.
"Hahahahaha" malakas lang akong humalakhak habang papalapit sakaniya at nakita ang makalat na kusina.
Parang gusto ko tuloy magwala dahil sa mga kalat pero mas pinili ko nalang na asarin siya.
"Sinubukan ko lang ipagluto ka na never k--"
"Masarap siya, mama" kitang kita ko ang mga buong butil ng luha sa mga mata ni LAdy M na hindi ko pa nakita non nung kinain ko ang sunog na omilette.
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
