Chapter 57: Pregnant

1K 29 6
                                        

"Shes pregnant"
--

Yohann's POV

Kanina ko pa napansin yun pero dahil ayaw ko maniwala ay hindi ko magawang sabihin yun kila Jiro.

Pero, paano? Sino?

"Shes pregnant" nakita ko kung gaano malaglag ang panga ni Jiro.

Alam ko namang hindi magbabago ang reaksyon ng mukha ni Aizen at alam ko namang walang pakialam dito si Lorde.

Pero, sobrang bigat sa loob ko na malaman iyon.

Hindi lang ang pagiging buntis ang usapan dito.

"Ulitin mo nga! Nanggagago ka lang ata Yohann e!"

"Wag ka ring gago! Inulit ko na nga kaya nga natagalan e!"

"Paano?" Wala sa sariling tanong ni Jiro.

Gumising na si Ashe na mas okay na ang itsura ngayon kaysa nung kaninang naabutan namin siya.

Isa lang ang naisip kong itanong sakaniya para malaman ang gusto kong malaman.

"Do you have a boyfriend?" Pansin kong namula rin siya at medyo nangatal sumagot.

"N-n-none" is she serious?! Magpapagalaw siya sa hindi niya karelasyon?!

"Do you..do you? Or dont you? Uhh.." urong sulong na tanong ko.

Walang kahit sino samin ang makapagtanong ng maayos e. Nakakainis.

Si Jiro parang gago. Si Aizen ilag at si Lorde walang masabi.

Paano ko ba tatanungin sakaniya ang ganito kaselang bagay?

Halata sa mukha niya na nagtataka siya.

"Bakit kayo andito?"

Paano ko ba sasabihin na buntis siya?

"Do you know that youre pregnant?" Nagulat ako ng mabilis na naitanong yun ni Lorde ng hindi manlang nauutal.

Gulat na gulat si Ashe na napahawak pa sa bibig niya.

Hindi ba talaga niya alam?

"P-p-pap-p-pap-paaano?"

"Yan nga ang kailangan naming itanong sayo Ashe. Ano bang nangyari?" Tanong ko lang para naman baka sakaling makasagot na siya.

"Cant you check it Yohann kung gaano na katagal buntis si Ashe?"

"More or less base sa pulso niya mga 3 weeks palang naman"

Sakto nung kunin siya ng Masters Turner.

"Sigurado ka ba Ashe? Wag ka maglihim samin. Para mas matulungan ka namin" wika ni Jiro pero mukhang hindi niya talaga alam ang nangyari.

"We will have a meeting"

Pinabalik na muna namin si Ashe sa dorm niya at pinagpahinga.

Buong GG ang nasa kwarto ng library ni Jiro na madalas kung saan din kami nagmimeeting. Hindi nila maintindihan ang biglaang pagpapatawag ko ng meeting.

Paano nangyari yun? Ang hirap isipin!

"Ako ang aako sa bata" bulalas ni Jiro.

"Ha?! Anong sinasabi mo Jiro?! Kakarating lang namin. Simulan natin sa simula" singit ni Nelho na paupo palang sa upuan niya.

"Sinong gagawa ng ganung krimen?" Tanong ni Joshua na mula naman sa grupo ko.

Tama. Hindi lang ito usapan sa ganun bagay. Mapanganib ang usaping ito.

Ang sinumang mabuntis sa loob ng eskwelahan na to ay mamamatay kung walang ama ang bata. Mabubuhay ang bata pero ang nanay nito ay hindi kung walang kapangyarihan ang ama nito kaya kung ang nakagawa nun kay Ashe ay walang posisyon o badge, hindi siya ligtas dahil kaya siyang patayin ng sinuman.

Nangangahulugan daw kasi ito na hindi karapat dapat sa responsibilidad ang isang assasin kung hindi kayang kontrolin ang laman.

Ibig sabihin, maaaring mamatay si Ashe. At hindi ko yun gustong mangyari.

"Jiro! Anong ako pinagsasasabi mo! Kung aakuin mo siya paano nalang ang gang natin?! Naiisip mo ba yun?!" Nabanas si Lorde sa naisip ni Jiro na naiisip ko rin.

"Hindi ko hahayaang mamatay si Ashe! Sa tingin ko may nanrape sakaniya!"

Tama. Yun ang naiisip ko kanina pa. Baka nirape siya ng Masters Turner nung nakuha siya ng mga ito.

"Ipaako mo nalang sa iba Jiro para hindi ka mapahamak. Sa ganung paraan hindi papatayin ng mga opisyal si Ashe at ang bata" suhestyon ni Warren na nag aalala rin dahil sa desisyon ng leader nila.

"Warren?! Alam mo naman ang patakaran dito diba?! Pag may umako ng dinadala ni Ashe na walang badge o katungkulan ay maaari pa rin silang patayin ng organisasyon ayon sa ibinigay na karapatan ng eskwelahan na to! Ibig sabihin, balewala lang din ang pag ako!" Nanginginig sa galit si Jiro.

Hindi ko siya masisisi dahil kahit ako ay hindi magawang magpigil ng galit sa taong gumawa sakaniya nun.

Oo. Hindi siya papatayin ng mga opisyal pero walang katiyakan ang buhay niya dahil pwede siyang patayin ng mga organisasyon.

"Pero paano? Paano mo siya aakuin kung walang konekta sa batas ang hawak mong posisyon. Pag nagsama sama ang ibang organisasyon pangkalusugan, sa tingin mo may magagawa ka para protektahan siya?!" May punto ang sinabi ni Lorde. Paano magagawang protektahan si Ashe?

Kung ganun nga, posible nga siyang bigyan ng kaparusahang kamatayan.

"Jiro! Hin--"

"Kailangan mabuhay ni Ashe! At kung kailangan makialam ako sa organisasyong pangkalusugan sa mga usapin ay gagawin ko ang lahat para matulungan siya!"

"Jiro," binali ko ang tensyon sa usapan nila. "Kabilang ako sa organisasyong pangkalusugan pero,"

"Anong pero?!" Tanong uli ni Lorde.

"Hindi din ako saklaw ng organisasyong batas. Kahit mahawakan ko pa ang buong organisasyon ng kalusugan, kung pagkasunduan ng ibang mga organisasyon tulad ng organisasyong pang batas na patayin si Ashe sa ibang paraan tulad ng pagiging alay niya sa susunod na tradisyon"

Kahit ako ay hindi magagawang protektahan si Ashe.

Punishment Committee si Lorde at isa ang hawak niyang organisasyon sa maaaring humawak sa kalagayan ni Ashe.

Hindi siya mamamatay sa kamay ng mga opisyal pero kaya siyang patayin ng ibang organisasyon o maging alay.

Shit! Ang hirap mag isip putangina! Paano namin gagawin to?

Lahat ng GG ay nagbigay ng ibat ibang suhestyon pero wala pa rin samin ang makapag isip kung paano namin maililigtas ni Jiro ang babaeng mahalaga samin.

"Mapapatay ko talaga ang gumawa nun kay Ashe!"

Wala akong makuhang sagot sa mukha ni Aizen at galit naman ang mukha ni Lorde.

"Ano ba?! Madami pang kailangan problemah--"

Nagulat kami ng mag iba ang takbo ng meeting dahil sa init ng ulo ni Jiro na alam naming hindi namin mapipigilan ngayon. Hawak niya ang mga kwelyo ng damit ni Lorde na hindi naman nagpatinag sa pakikipagtitigan.

"Masters Turner ang gumawa nito dah--"

"Dahil alam nilang kahinaan niyo ang babaeng yun! Nagustuhan niyo e hindi naman niya magawang ipagtanggol ang sarili niya!"

Isang suntok ang agad na dumapo sa mukha ni Lorde kaya agad kaming nagmadali sa pag awat sakanila at isang nakakagulat na salita ang binitiwan ni Aizen.

"Ako ang aako ng bata"

Yun ang salitang nagpanginig at nagpakaba sakin. Naramdaman ko ang isang malaking pagbabago.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon