Chapter 115: Yellow Green

758 22 0
                                    

"Akala mo papayagan ko ang ginawa mo, Daryl?"
--

Nagkalat na ang mga sample ng Zuctrus sa mesa ko habang nagkukulong sa kwarto.

Hindi ako nakatulog kakagawa dahil hindi ko na masyadong gamay ang paggawa nito. Hindi naman nila ako tinuruan. Nagsariling sikap lang akong matutunan to.

Habang kumikilos ako ay kumatok si Lorde kaya pinagbuksan ko siya gamit ang remote ko.

"Daryl, salamat sa pagtulong sakin"

"Bakit ba tinatawag mo pa rin ako sa pangalan na y--"

"Dun kita nakilala. At mas gusto kong sa ganun kita tandaan"

Imbis na sagutin ang sinabi niya ay nagtanong ako sakaniya.

"Naglilingkod ka pa ba sa Masters Turner?"

Pero hindi siya sumagot. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nun dahil hindi ko mabasa ang mga mata niya. Nakatakip pa rin kasi ang ilong at bibig niya.

"Kung ganun, dalhin mo sakin si Yellow Green"

Alam kong nagtaka siya pero kailangan kong maniwala sakaniya.

"Ibigay mo siya sakin bago mag alas tres"
--

Kahit tapos ko na ang Zuctrus at dugo nalang ni Yellow Green ang kailangan ko ay nag aalala pa rin ako na hindi ako sundin ni Lorde.

Alam kong hindi na siya ganun kabuong nasa amin. Pero siya pa rin ang pinagkakatiwalaan ko. Dahil mula noon, wala pa akong inutos na hindi niya nagawa ng tama.

Mula kaninang nagkausap kami ni Lorde ay hindi natanggal sa akin ang pagtingin ko sa orasan.

Lorde. Dumating ka bago ang alas tres.

Paulit ulit na bulong ko sa isip.

3:30 na at wala pa siya.

Kahit alas 5 ang palugit ni Cless ay hindi pa rin ako makakasiguradong hindi pa siya mamamatay.

Pag namatay siya ay malaki ang magiging epekto nun sa napakahinang si Ashe. Lumakas man si Ashe pampisikal ay siya pa din ang Ashe na kilala ko bilang siya. Kaya pag nagkataon makukuha siya uli nila mama at mawawalan ng saysay ang paghihirap sakaniya ni Aizen noon.

Alas kwatro na ay wala pa din si Lorde kaya nagsimula na akong mangamba.

"Lorde, binigo mo nga ba ako?"

"Hindi" humarap ako agad kay Lorde na ngayon ay hangos na hangos na bitbit ang walang malay na si Yellow Green. "Magaling pa din siya. Walang kupas" pailing iling na sambit nito.

Wala kong sinayang na oras kaya agad kong kinuhanan ng dugo si Yellow Green at inihalo sa Zuctrus.

"Saan itinago ng GG si Jiro?!" Pagmamadali ko ng makitang 30 minutos nalang ang natitira.

"Sa lugar ni Yohann lang maaari"

Paglabas namin ay nagkalat pa rin ang mga taong gusto kaming patayin.

Pucha wala ako sa mood makipaglaban.

Hinayaan kong si Lorde ang magtanggol sakin habang takbo lang ako ng takbo.

Legal ang patayan kahit anong oras.

Ilan nalang naman kaming babae. Tatlo nalang. Si Ashe, Cless at ako. Puro lalaki na ang mga ito at karamihan ay walang utak pero malakas. Tangina.

Napilitan na akong lumaban ng makitang pagod na si Lorde.

Hindi naman nagkamali si Lorde at nakita namin si Jiro na mahina na talaga ang pulso.

Itinurok ko agad ang dala ko sa leeg niya at huli na ng tumalsik ako sa dingding ng malakasan ng isang myembro ng GG ang pagtulak sakin dahilan para magdugo ang labi ko.

Ngunit nilapitan pa niya ako at madiin na hinawakan sa braso.

"SINO KA AT ANONG GINAGAWA MO DITO?!"

Isang malakas na suntok naman ang nagpatigil sa taong iyon na punong puno ng galit ang mga mata.

"Bitiwan mo siya" sabat ni Lorde.

"Hayup ka! Kundi dahil sayo hindi magkakaganito ang GG! Hindi mawawala si Aizen! Hayup ka Lorde!" Buong paghihinagpis niya na naramdaman ko nung banggitin niya ang pangalan ni Aizen.

Hinawakan ni Lorde ang kwelyo ng lalaki g iyon at madiing nagbigay ng paalala.

"Kung hindi moko kayang galangin bilang leader ng Black 11 galangin moko bilang kapantay ni Jiro"

Wala akong magawa.

Kahit ako ay hindi ko alam kung saan nga ba ko kabilang. Hindi ko rin alam kung bakit pa ako lumalaban.

Ngunit kahit ganun ang sitwasyon ay nakahanap pa rin ako ng lakas ng loob para makapagsalita.

"Mas ligtas kung ako ang magtatago sakaniya"

May ilang lalaki ang dumating at nakita ko ang mga benda sa kanan nilang braso kaya napag alaman kong isa sila sa Black 11.

"Ano?! Bakit naman namin siya ipagkakatiwala sayo e leader ng gang namin yan?!" Galit na usisa ng isa.

Tinignan ko si Lorde sa mga mata ngunit kahit siya ay may pagduda sa akin mula sa kaniyang tingin.

Parang nasaktan ako ng kaunti sa tinging iyon ni Lorde.

"Pag nalaman nilang buhay si Jiro, sa susunod hindi na sila gagamit ng gantong klaseng paraan para patayin siya kaya sa susunod direktang patay na siya"

Nanahimik sila atsaka muling binali ni Lorde ang katahimikan.

"Kung hindi niyo ako mapagkakatiwalaan, kayo na ang mamili kung kanino niyo ipagkakatiwala si Jir--"

Pagtingin namin kay Jiro ay nagbalik ang kaniyang kulay. Mula sa pagkadilaw ay naging mapula na ang kaniyang labi at balat.

Napangiti ako dahil alam ko pa rin pala ang paggawa nun. Kahit walang sinuman ang nagturo sa akin. Hindi naman ako tinuruan nila mama at kuya. Talagang pinag aralan ko lang yun.

"Nagbalik na ang kulay ni Jiro kaya ligtas na siya. Sapat na muna sigurong patunay iyon para mapagkatiwalaan niyo ako"

Kahit hindi sang ayon ay napilitan sila.

Hindi ko sisirain ang tiwala niyo GG. Alam kong makikinabang din ako dito kaya maniwala kayo.

Saka ko nalang kayo lalabanan pag hindi ko na kayo kailangan.

Ibinalot namin si Jiro sa kumot at tinabunan ng dahon at inilagay sa lagayan ng basura at palihim na dinala sa dorm ko kung saan hindi maiisip nila Cless na itinago ko siya.

Hanggat hindi ko pa nalalaman ang isa pang sikreto no Cless, hindi ko pwedeng ilabas si Jiro dahil mas mauuna niya akong patayin.

Bukod dun, si Jiro ang may alam kung saan nakatago ang kutsilyong pumatay sa head ng BEU ilang taon na ang nakakaraan. Alam kong alam niya yun kaya hanggang ngayon ay buhay pa rin siya.

Jiro, magagamit kita.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon