Chapter 71: The Choice

873 27 1
                                    

"Nakita ko ang pamilyar niyang mga mata"
--

Nanlumo ako sa nakita ko ng ilabas niya si Ashe na nakabitin. Tuloy tuloy na tumulo ang dugo ni Ashe hanggang sa dulo ng mga daliri niya sa kamay at paa. Nakasuot siya ng uniform namin at hindi ko maaninag ang mukha niya dahil natatakpan na ng dugo.

"Aaaaaahhh!!!" Sigaw ko kahit alam ko naman na wala na itong magagawa. Kanina, ramdam ko ang init ng rehas pero sa pagpupumiglas ko ngayon hindi ko na maramdaman. Ang gusto ko nalang ay magising ko si Ashe. "ASHEEE!!! AAAAAAAAH!!!"

Pinilit akong ilayo ni Yohann at Lorde sa rehas dahil kung hindi ay baka naubos na ang balat ko.

"Ashe,"

Totoo ba to? Sigurado ako sa nakita ko. Sigurado ako sa narinig ko.

Hindi ko maipapaliwanag kung gaano ako natakot ng makita ang pagluha ng kanang mata ni Aizen.

Punong puno ng reaksyon ang buong mukha niya. Puno ng lungkot ang mga mata niya at ang boses niya ay nababalot ng galit.

"Ngayon mamili ka sakanila, si Jl o si Ashe hahaha"

"Fuckyou! Sino ka ba at kailan ka mamamatay?!" Nanginginig na din ang boses ni Yohann at alam kong galit na siya.

"Manahimik kayo. Hindi pa panahon ng paniningil ko sa inyo. Si Aizen palang ang sinisingil ko"

Nilapitan niya si Ashe at ginalaw galaw ang mga kamay nito. Nakatali ang mga kamay ni Ashe at nakatusok naman sa braso niya ang maliliit na patpat at alam kong napakasakit nun.

Si Jl naman ay nanginginig na ang mga kamay at alam kong nararamdaman pa niya ang sakit na ipinaparanas sakaniya ngayon.

"Para sakin, si Jl nalang ang piliin mo. Kasi, sa tingin ko mas maliligt--"

"Shut up" kalmado ang pananalita ni Aizen pero hindi ang mukha niya. Halatang halata ng kahit sinong makakausap niya ang nararamdaman niya sa bawat pagtulo ng luha niya.

"Aizen, wow! Nakakapagtaka! Tao ka na?!"

Isang pindot lang niya sa hawak niya ay gumalaw ang nakabitin na si Ashe na parang manika. Kontrolado pala niya ang patpat na nakatarak sa mga braso ni Ashe.

"STOOOOOOP!" Mariing sigaw ni Aizen habang gumagaralgal na ang boses at humahagulgol na ngayon. "Dont hurt her"

Sa kauna unahang parte ng buhay ko, nakita kong nagkaroon ng emosyon si Aizen. Nagkaroon ng ekspresyon at higit sa lahat nagkaroon siya ng takot.

Aizen, patawarin moko dahil hindi kita kayang matulungan ngayon. Pero alam sana makatulong ang planong inihanda ko.

"Aaaaaaaaaahhhhhh!!!!!" Sigaw naman ni Jl sa isang banda dahil ang inuupuan niya palang silya ay nagbabaga.

"Stop it! Stop Lincoln!"

"Hahahaha okay. Then choose"

Aizen. Sino ang pipiliin mo? Napakahirap. Nanlumo at nanghina ako dahil hindi ako makaisip ng paraan para mailigtas ang parehong mahalaga.

Anong gagawin ni Aizen?!

"Ill choose Ashe"

Nagkatinginan kaming tatlo nila Lorde at takang taka.

Hindi sa ayaw kong piliin niya si Ashe pero bakit?

"Ako ang papalit kay Jl"

"Aizen!" Sigaw ni Yohann.

"Hoy Aizen ano bang binabalak mo?! Putangina pag nakawala ako dito sasapakin kita!" Tinignan lang ako ni Aizen at nakita ko ang kapursigihan niya at ang lungkot sa mga mata niya.

"Thats a good idea"

Padating na sila.

Nakarinig ako ng malakas na pagsabog at alam kong sila na yun.

"Whats that?"

Tanong ng taong yun.

"Anong ibig sabihin nito Jiro?" Tanong ni Lorde.

"Kailangan natin ang GG ngayon kaya sa tingin ko, sakto lang ang dating nila"

Dahil sa lakas ng mga pagsabog ay nakapasok ang mga kagrupo ko.

Baril ang gamit ng Masters Turner at granada naman ang gamit ng GG.

Wala sa plano ito, pero kailangan naming magtulungan.

Ayokong pagpilian ni Aizen ang buhay niya o ang buhay namin.

Mabilis ang lahat ng pangyayari. Nasugatan ang mga kagrupo ko at naatake naman din nila ang kalaban namin.

Nailabas na nila sila Jl, Axl, Nelho ay Joshua. Pinagtulong tulungan nila ito. Pero dahil nandun ang lalaking iyon ay hindi agad nila nakuha si Ashe.

Biglang bumukas ang kinalalagyan namin ng makita ko ang granada sa loob.

Mga gago talaga yun. Sabi ko iligtas kami hindi pasabugin kami. Tangina.

Nang makalabas kami ay parang isang iglap na nawala si Aizen at si Ashe sa paningin ko.

Humarang ang mga usok at nagulat ako ng mabaril si Yohann sa braso.

Hinila ko si Yohann patayo dahil kanina pa pala nabaril ang paa niya.

Pero paano namin magagawang iligtas si Aizen at Ashe?! Paano?!

Ashe's POV

Hindi ko na kaya ang sakit. Sobrang nahihirapan na ako.

Hindi ko maidilat ang mga mata ko para malaman ang mga nangyayari. Hindi ko kaya.

Parang mas gugustuhin ko nalang na tapusin na ang buhay ko agad kaysa pahirapan ako ng ganito.

Ang nga patpat na nakatusok sa mga braso ko ay pinapagalaw niya uli na parang isa lang akong talking doll.

Umiyak man ako ay hindi na makalabas ang luha ko dahil wala na akong pwersa.

Mommy, daddy, hindi ko na kaya.

Gwen, patawarin mo ako kung hindi ko naipaliwanag sayo ang lahat.

Aizen, nasaan ka? Gusto kitang makita. Gusto kitang mayakap. Kapag nandito ka, hindi ko mararamdaman ang sakit na to.

Sobrang sakit ng buo kong katawan at ang tanging gusto ko nalang ay mawala ako sa sitwasyon na to. Gusto kong maalis sa sakit na ito.

Sunod sunod na pagsabog ang narinig ko hanggang sa naramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa lupa.

Hindi ko alam kung sino ang marahas na nagtakbo sa akin sa kung saan.

Pero nakita ko ang pamilyar niyang mga mata.

Kahit saan man ako dalhin, wag lang dito.

Gray, nagkamali nga ba ako na sinundan kita?

Nagkamali man ako, hindi ako nagsisisi. Dahil nakilala ko si Aizen. Naging masaya ako sa maikling panahon na nakilala ko ang tulad niya.

Inihagis ako sa isang matigas na lugar. Marahil isa itong kulungan.

Hindi na ako lalaban. Alam kong wala na akong laban.

Sana bukas, o mamaya, matapos na ang paghihirap na to.

Kc, patawarin moko dahil hanggang sa huli hindi ko pa rin kayang lumaban. Patawarin moko dahil napakahina ko at hindi kita nagawang ipagtanggol kahit minsan. Pero, masaya akong naging kaibigan kita.

Kasama kong pinahirapan ang ilan sa myembro ng GG. Nakita ko kung paano sila tanggalan ng kuko, paupuin sa nagbabagang upuan, paluin ng tubo at bugbugin.

Patawarin niyo ako dahil wala akong nagawa.

GG, masaya akong nakilala ko kayo.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon