"So, can i be your tourguide?"
--Ashe's POV
Masaya akong nagising at niyakap ng mahigpit si Gwen habang umiiyak.
"Gwen! Saan ka ba galing?! At bakit ka nawala?! Anong nangyari sayo?!"
"Im alright Nathalie. Nothing happened. I was rescued" binigyan niya ako ng matamis na ngiti at binalikan ng tanong. "Im the one whos worried. What happened to you?"
Ano nga bang nangyari? Sinong nagdala sakin dito? At paano ako nakarating dito?
"I dont remember anything. Honestly,"
"Pagpunta ko dito, nakita ko nalang na nakahiga ka, nagamot na ang mga sugat mo. May mga bandages na at nalinis na rin"
"Si Aizen?" Siya nga kaya ang nagdala sakin dito?
"Maghahanda na ako ng pagkain mo"
Siya ang natatandaan kong kasama ko nung tradisyon.
Sa pagkakaalala ko ay sugatan siya. Ayos na kaya siya?
'My badge'
Naalala ko uli ang sinabi niya kagabi. Paano niya magagawang mailigtas si Gwen paalis sa eskwelahan na to kung wala na siyang badge?
Habang hindi pa natatatakan si Gwen ay kailangan na niyang makaalis dito hanggat may pagkakataon pa.
"Gwen,"
"Oh?"
"Anong nangyari sayo nung mawala ka?"
Matagal siyang nakasagot at binigyan ako ng inumin.
"Kumain ka muna. Ill tell you later"
Hindi ako nauuhaw. Hindi rin ako nagugutom.
Gusto kong makita si Aizen. Gusto kong malaman kung anong kalagayan niya. Madami rin akong gustong itanong sakaniya.
"Papasok na ako Nathalie. May schedule na ko. Kaya papasok na ako, lets talk later" bineso niya ako.
Pagkasara niya ng pinto ay nagmadali rin akong nagbihis at pumunta sa opisina ni Aizen.
Pagkarating konsa office niya ay walang kahit sino ang nandun.
Umupo ako sa labas ng SSC at niyakap ang tuhod ko habang nakatungo.
"Aizen, okay ka lang ba?"
Pumatak ang masasakit na butil ng ulan sa mga braso ko.
Pumatak din ang butil ng luha ko.
"Ofcourse"
"Aizen?" Nakatungo pa rin akong nagtanong at unti unting inangat ang ulo ko para makita siya.
Nakabulsa ang kaliwa niyang kamay at hawak naman ng kanan niyang kamay ang payong niya.
Pumasok siya sa office at ganundin ako dahil madami akong gustong malaman.
Mas lumala ang mga sugat niya dahil namamaga ang mga ito.
"Whats the matter?" Tanong niya at ininom ang tsaang nasa desk niya.
Natigilan ako sa pagsasalita ng lumapit siya sakin at inilagay ang coat niya at pinatay ang aircon.
"S-s-s-sir y-y-y--"
"Ive given your friend a letter to state that she is only a visitor so that she could live this school but she doesnt want to sign it"
"Gwen Ramirez?"
"Yes"
"Nagawan niyo po siya kahit wala na ang badge sainyo?"
"I just lost my badge but not my position"
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mistero / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...