"Hindi siya magiging leader ng isa sa mga gang ng GG kung wala sakaniya ang espiritung magpapaiba sa kaniya"
--Ashe's POV
Nasa guidance office ako ngayon. Kasama ko ang adviser ko. Dahil daw may kumuha sakin noon sa Detention Hall kaya hindi ako naparusahan at bilang parusa, maglilinis ako ng library for one week. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang rason ni Mrs. Sta Cruz para kunin ako mula sa lugar na yun.
Hays. Yung lalaki talaga na yun! Nakakainis siya! Siya may kasalanan nito e!
Bukas magsisimula ang paglilinis ko. Matataon pa talaga sa tradisyon ng school. Hays.
Pagdating ko ng dorm, sabay kaming kumain ni Maggie. Siya kasi ang nagluto. Kahit papaano naaalala ko si Gwen sakaniya dahil sa asikaso niya.
"Ashe,"
"Oh?" Nakangiting tanong ko habang kumakain ng niluto niya.
Pero hindi ko inaasahan ang sumunod na lumabas sa bibig niya.
"Ang tiwala mo ang papatay sayo Ashe" sinabi niya yun ng walang kahit reaksyon mula sa mukha at boses niya habang hindi nakatingin bagkus ay sa kinakain niya nakatuon ang atensyon niya.
Anong ibig sabihin nun Maggie?
Katahimikan ang bumalot sa kwarto nung gabing iyon.
--
Maaga akong gumising para sa subject namin ngayon. Gusto ko kasi ang subject nato. Music and Arts. Ya i do love to sing but i dont know why my voice doesnt jam with my trip. Psk.
Takang taka ako sa paligid na lahat sila ay may pinagkakaabalahan.
They are like preparing? For what then?
Maganda naman talaga ang turo and i can really say that the teachers here are the best. Not just better from my past teachers. Kaya lahat ng lesson ko ay nakukuha ko naman. Kaya kahit papaano nararamdaman ko talaga ang presensya ng paaralan.
Matapos ang mga subjects ko ay nagkita kami ni Maggie sa locker room na nagpapalit ng uniform para sa susunod na subjects.
Pero dahil sa sinabi niya kagabi, nailang ako kahit hindi ko naman ginustong mailang sakaniya.
"Mag ingat ka Ashe" ang pagtapik niya ng balikat ko ang nagpabigat sa nararamdaman ko.
Maggie? Ano bang gusto mong iparating?
May klase daw kami mamayang gabi? Wow.
Is it their tradition to have classes on late night?
Wala manlang nagulat sa nagflash sa isang malaking tv screen sa open space ng school na may pasok ang lahat mamayang gabi.
Ngayon ang tradition na sinasabi nila. Kaya siguro busy ang mga tao kanina dahil naghahanda sila mamayang gabi?
Mamaya ko nalang iisipin yan sa ngayon ay maglilinis na ako ng library ng sa ganun makapag tanong ako kay Maggie kung bakit may klase mamaya.
Hindi naman ganun kakalat ang library pero madami akong librong kailangan ibalik sa kaniya kaniyang estante nito. Ako lang talaga mag isa gagawa nito?
Napakalaki ng library nila. Kasing laki ng isang buong basketball court tapos ako lang? Kung matatakutin nga ako ay malamang nagsusumigaw na ako.
"Wow. Ang ganda naman ng paint na to" parang ewan na kausap ko sa sarili ko matapos mapansin ang isang pink vase na may napakagandang flower paint.
Sa baba ng vase ay may nakasulat na pangalan.
"Hiro Milliares" parang may narinig na akong ganung pangalan?
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Misterio / SuspensoThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...