Chapter 79: Robot

900 25 2
                                    

"Andito ka sana habang gamit ang mukha mong walang reaksyon"
--

Lorde's POV

Ayon sa utos ni Colorless, kami ang naglabas sa matigas at malamig na bangkay ni Aizen.

Kumikirot rin ang loob ko. Parang hindi ko lang din mapaniwalaan na ito na ang huling kita ko kay Aizen na tumayo rin bilang isang mahalagang parte ng GG.

Kinamumuhian siya ni Master at yun marahil ang dahilan kaya mabilis niyang tinapos si Aizen.

Matalino at magaling siya sa lahat. Hindi matatawaran ang kakaibang mga desisyon niya at ang sakripisyo para sa lahat.

"Iwan niyo si Aizen at gusto kong bigyan siya ng maayos na libing"

Nababaliw na ata siya.

Hindi na ako nagsalita dahil ayokong kausap to. Medyo lumilipad kasi at lutang ang pag iisip niya.

"Kung ayaw mong pagpira pirasuhin ko ang katawan ng lalaking mahal mo, itapon niyo siya sa bangin na yan"

Dumating si Master na may galit na tono. Sabi ko na na ba hindi niya magugustuhan ang ideya ni Colorless na iturin si Aizen sa paraang gusto niya.

"Lincoln" kalmado pero galit na pananalita ni Colorless pero hindi naman nagpatinag si Master doon.

"Cless, hindi kita masasaktan pero kaya kitang saktan. Sana maintindihan mo ang ibig kong sabihin"

Tumalikod si Master at nag iwan ng ilang salita.

"Itapon niyo si Aizen sa bangin at hayaang matagpuan ang bangkay niya matapos ang ilang taon"

Dahil sa pagod siguro, at sa kalasingan ay nawalan ng malay si Cless.

Ginawa namin ang utos ni Master na itapon si Aizen sa bangin.

Hindi ko pa alam kung totoo ang mga sinabi mo sakin Aizen pero hinayaan kong mabuhay si Ashe dahil naniniwala ako na siya ang gagamot sa amin. At kung totoo nga na pati ang nanay ko. Aalamin ko pa.

Aizen, sa kabilang buhay nalang ako magpapasalamat sayo.

Kc's POV

Nakarating kami sa eskwelahan ng ligtas.

Pinasan ko lang si Ashe dahil alam kong mahina ang resistensya niya at wala siyang malay. Hindi kami maaaring magtagal sa lugar na iyon dahil napakalamig.

Mataas pa rin ang lagnat ni Ashe kaya siguro kailangan ko ng lapitan si Yohann.

Alam na ni kuya ang ginawa ko ngayon alam ko. Kaya dapat ay mas mag ingat ako.

Wala si Yohann sa clinic.

Siguro ay hindi pa sila gumagaling nila Jiro.

Alam ko ang nangyari sakanila. Hawak sila ni kuya nung mga panahong naghahanda palang ako para mapuntahan sila at matulungan.

Pero, nahuli pa din ako.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto, akala ko ay kung sino na. Si Jiro lang pala.

Anong nangyari sakaniya? Puro sigat at benda ang buo niyang katawan. Nasabugan ba siya ng granada? Akala ko ay hawak lang sila ni kuya?

"Kumusta siya?" Halata sa boses niya na hindi pa siya gaanong magaling. Sariwang sariwa pa ang mga sugat niya na talaga namang mukhang masakit.

"Hindi pa siya gumising mula kagabi" naalala kong itanong sakaniya ang tungkol kay Yohann. "Nasan si Yoh--"

"Si Aizen, kumusta na siya?"

Parang hinampas ako ng isang napakalaki at napakabigat na bato ng marinig ko uli ang pangalan niya.

Napakasakit pa rin isipin na hindi na siya humihinga sa mundong ito.

"Wala na siya" pinipilit ko namang wag tumulo ang luha ko pero wala pa rin akong magawa at pinunasan lang ito.

Tulala at parang hindi naintindihan ang sinabi ko na lumakad palabas ng pinto.

"Pag gumising siya, sabihan mo nalang ako"

Ashe, gumising ka na. Kailangan magising ka ng maayos. Para mailigtas mo ang mga taong gustong iligtas ni Aizen.

Jiro's POV

Kalokohan hahahaha! Kailan namatay ang isang robot?! Hahahaha oo nga! Pag wala ng baterya! Hahahaha!

Dumiretso ako sa SSC hall kung saan nakita kong nag aabang dun si Jl. Mukhang inaantay din niya ang leader nila.

Bakit kahit anong ngiti ko at tawa ay tumutulo pa rin ang luha ko?

Bakit ko iniiyakan ang robot na yun? Bakit ko iniiyakan ang taong hindi manlang kahit kailan nagpakita ng reaksyon? Bakit ko siya iniiyakan e hindi naman kami ganun nagkaroon ng masayang alaala?!

Tangina. Ang sakit mawalan ng totoong kaibigan.

Nung sabihin sakin nung babaeng yun ang plano ni Aizen, agad kaming naghanda para mailigtas siya pero hindi ko alam na andun si Ashe. Sila Jl lang ang alam ko.

Paano siya namatay? Saan? Kailan? Wala akong sagot sa mga tanong na iyon at ayoko ding tanungin dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala na patay na siya.

"Jiro? May balita ba siya tungkol kay Aizen?"

Hindi ko masagot ang tanong niya. Ang babaeng iyon ang nahuli sa lugar na yun kaya malamang siya ang nakakaalam ng totoong apngyayari. At dahil mahina na kami ng mga oras na yun ay hindi namin sila nagawang tulungan man lang. Baka sakaling nailigtas namin si Aizen.

Napaluhod ako habang umiiyak sa laki ng pagsisisi ko.

Sa laki ng naging pagkukulang ko sa grupo, sana ako nalang at hindi si Aizen.

"Ji-Jiro?! An-anong ibig sab--"

"Aizeeeeeennnn!!!!!!"

Kahit isigaw ko pa ang pangalan niya ay alam kong hindi naman niya ako tatapunan ng reaksyon dahil isa nga siyang robot.

Kahit tawagin ko siya at asarin wala naman iyon ibang sasabihin.

Kahit pa awayin siya at pagtripan hindi naman siya naiisahan.

Ang robot na yun, hindi ko na makikita ngayon.

"AIZEEEEEEEEEENNNN!!!!!!"

Bakit kailangan niyang magmagaling kasi dun?! Bakit ba ang hina hina ko!

"Jiro! Si Aizen?! Bakit?! Anong nangyari?!"

Jl. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Sa mga luha palang sa mga mata mo, alam kong naiintindihan moko. Alam kong alam mo na wala na. Wala na ang leader niyo.

"Isang taong malapit nanaman ang nawala dahil sa kahinaan ko Jl"

Habang pinapakalma ako ni Jl ay mas kumakawala ang damdamin ko.

Dahil sa kahinaan ko at kapabayaan noon, nawala si Aizen.

Kung hindi ako naging mahina, kung kaya ko pa sana, hindi lang sana mag isang niligtas ng babaeng yun si Ashe at Aizen.

Kung nag isip lang sana ako.

Kung malakas lang sana ako.

Kung hindi ako padalos dalos na hawakan ang lumalagablab na rehas na yun, kaya ko sana.

Buhay ka sana Aizen.

Andito ka sana.

Andito ka sana habang gamit ang mukha mong walang reaksyon.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon