"Youre not like this, youre not this kind. Youre totally not"
--Lorde's POV
Nag aayos ako ng mga papeles ng matanggap ko mula kay Axl ang isang listahan.
Bakit nandito sila sa listahan na to?
"Axl kanino galing ang mga to?!"
"Bakit sino ba sila?"
Lumakad si Axl na hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya sa mga oras na ito. Pero hindi ko gusto ang nangyayari. Isang listahan na may selyo ng SSC?
Mula ba to sa SSC?
Agad akong lumabas sa opisina ko nang magimbal ako sa nakita ko na parang hindi ko kayang ilakad ang mga paa ko dahil sa sobrang bigat nito. Parang nag init ang buong paligid at parang nawalan hangin para huminga.
May mangilan ngilang estudyante ang nakakita rito ngunit dahil sa matagal na sila dito ay malamang sanay na rin sila sa mga katulad nito tulad ko. Pero, iba ang panahong ito. Ibang iba.
Sino ang gagawa nito sa mga myembro ng Masters Turner?! Sinong maglalakas loob na gawin ito sakanila?! Imposible!
Talagang nabigla ako at hindi ako makagalaw habang tinititigan ang mga labi nila Orange, Green, Violet, Yellow at Brown na nakasabit sa mga poste ng buong hallway namin.
Brutal silang nakasabit habang may nakasakal sakanilang bobbed wire at talagang kapangipangilabot ito.
Sino? Sino ang gumawa nito sakanila?
Ipinagsawalang bahala ko muna ang pagkabiglang naramdaman ko at tinungo ang lugar kung saan nanggaling ang sulat.
Sa SSC.
Nasa labas ng opisina si Ken kung saan nagbabasa uli siya ng dyaryo.
"Gusto kong makausap si Ashe"
"Oo naman. Kanina ka pa niya inaantay"
Nakadekwatro si Ashe at nakasandal sa upuan niya ng madatnan ko siya.
"Anong ibig sabihin nito?" Ipinakita ko sakaniya ang listahang may selyo ng opisinang pinamumunuan niya.
"Listahan ng mga nagkasala sa loob ng eskwelahan" Dahil sa pagkunot marahil ng noo ko ay kumorte naman ang ngiti sakaniya. "O mas dapat bang sabihin na nagkasala, sa akin"
"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo?! Alam mo bang maaari kang mapahamak dahil sa ginagawa mo pwedeng mawala sayo ang posisyon mo!"
Tumayo siya at nag cross arms saka nagsalita. "Hindi mangyayari yun at hindi ko yun hahayaang mangyari. Pinarusahan ko sila batay sa batas ng eskwelahan"
"Ang batas natin ay ipatapon sila sa Detent--"
"Mr. Delos Reyes looks like you havent read the new Codes and Ethics of the school?"
Wala akong naisagot sakaniya kundi ang pag aalangan ko.
"You should read it. Because after that, youll know what will happen to the Masters Turner. Anyway of you have nothing to say, you may leave"
Ashe's POV
"Ashe, nag aalala ako na baka padalos dalos ka na sa mga kinilos mo"
Nginitian ko lang si Ken. Iniisip ko na ngayon ang mga susunod na gagawin ko at mga susunod na gagawin nila.
"Salamat. Pero alam ko pa rin ang ginagawa ko Ken"
Tumango naman siya at lumabas.
Hindi pa iyon ang kaya kong gawin. May mas kaya pa ako.
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...