"Siya nga ba talaga to?"
--
Ashe's POV
Binalikan ko si Jiro sa upuan na pinag iwanan ko sakaniya kanina. Mabuti nalang at dumating na rin sila Nelho.
Kinuha na ang mga bangkay ng iba at ipinagpatuloy pa ang sinasabi nilang Ball.
Pero mas nagpaigting ng galit ko ang paglitaw ni Lady Q sa stage.
Anong ibig sabihin nito? Bakit nandito siya?!
Tinraydor moko Lady K.
Matalim ko siyang tinitigan ngunit matamis na ngiti lang ang ibinigay niya sakin.
"So, lets continue the night. Lets go on. You have to dance with someone until we finish the song. If someone was caught to dance alone will die. This may help you learn about immunity. Lets start it"
(For this scene play the song Heaven by Bryan Adams)
Nakatitig lang ako kay Lorde habang nakaupo sa kinauupuan ko.
Makakaligtas kaya si Jiro?
Mabubuhay kaya siya?
Oh thinkin about all our younger years
Hindi ko alam kung paano ko mababayaran ang lahat ng ginawa ni Jiro para sa akin.
There was only you and me we were young and wild and free
Wala kong makitang reaksyon mula kay Lorde.
Now nothing could change what you mean to me
Ang hirap. Paano ko makakayanan pag nawala pa si Jiro dahil sakin.
Weve been down that road before
Sa sobrang pagkadala sa nangyari ay nawala sa isip ko na wala pala akong kasayaw.
But thats over now you keep me comin back for more
Inikot ko ang paningin ko at nakitang lahat sila ay may kapareha na.
Ang sumunod na nangyari ang nagbago ng pangyayari sa buong buhay ko.
And baby youre all that i want
Isang pamilyar na lalaki ang humablot sa akin at mabilis akong inayos na parang nagsasayaw kami.
When youre lying here in my arms
Natatakpan ang mukha niya ng isang gintong maskara. Buong mukha niya ang natatakpan ng maskara pero, kilalang kilala ko ang galaw niya. Sobra hindi ko pa rin iyon nakakalimutan.
I find it hard to believe
Lumapit ang mukha niya sa natulalang mukha ko.
"Were in heaven" malamig at malambing na boses niya ang ginamit niya para mapatindig ang balahibo ko.
Hindi ako makapaniwalang siya ang kaharap ko.
Hindi ko akalain na aabot ako sa puntong kagaya nito.
Totoo ba ito? O talagang imahinasyon lang ang lahat.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Ngayon lang ako nagduda sa sarili ko. Ngayon lang ako nagduda tungkol sa kakayahan ko pagdating sa pagmamatiyag. Ngayon lang.
Siya? Siya nga ba talaga to?
Pero sa isang iglap ay nawalan ako ng malay at nawala sa realidad.
Nasa dorm na kami kung saan tila kasama ko ang lahat mg mga natira mula sa mga nakaraang pagsubok.
Masakit ang ulo ko ng kaunti. Hindi pa rin nawawala sa isip ko kung sino ang nakasayaw ko kanina.
Hindi ako makapaniwala.
Pumasok si Lady M sa kwarto namin nagbigay ng isang kapangi pangilabot na utos.
Lorde's POV
Masakit makitang may kasamang iba si Ashe. Ibang humahawak sakaniya. O ibang kumakausap manlang.
Pero hindi ko naman siya pag aari. At kahit kailan hindi ko naman siya naging pag aari.
Naging malapit lang kami dahil inakala niyang ako si Aizen.
Tulala akong nakatitig sa bituin sa langit. Nang biglang may bulalakaw na umagaw ng atensyon ko.
Sana, maging sakin ka Ashe.
Napangiti ako. Kung totoo lang ang paghiling sa bulalakaw, sana nga matupad.
"Anong hiniling mo?"
Napatayo at nakita si Kc na naglalakad papalapit sakin.
Nakapagbihis na siya at mukhang nakapaglinis na din ng mukha.
"Bakit ka nandito?"
"Boring sa baba. Puro tarantado mga nandoon. Umiinit lang ang ulo ko"
Nakakatawa talaga ang ugali ng babaeng to. Napakatotoo at napakaraskal. Kaya naman napahanga niya talaga ko noon.
Umupo siya sa sa gilid ng rooftop at nagcross arms. Habang nililipad ang malalambot niyang buhok, ay nabasa ko ang lungkot sa mga mata niya.
"Daryl," bigkas ko.
Nakakunot ang mukha niyang humarap sa akin at tila papatay ng tao sa tingin niya.
"Naaalala ko pa kasi nung nasa Celestial Academy pa tayo. Nung gamit mo pa ang totoo mong pangalan"
"Lorde!"
Napangisi ako at humalakhak ng pikon na pikon siyang nakikipag usap sakin.
"Si Daryl Rojas Celestial na ngayon ay si KC Celestial na ang kaharap ko. Manghang mangha ako noon sa pangalan mo. Dahil sa ganda mong yan, naging panlalaki hahaha"
Parang may isang nakakatuwang usapan talaga mula sa pagtawa ko pero nababalot ako ng sakit. Dahil nabago ng eskwelahan na to ang pagkatao ko at ang paningin ko sa buhay.
"Kc naman talaga ang ipinangalan sakin ni papa hindi Daryl. Ayaw ko talaga sa pangalan ko. Pero para maitago ako, kinailangan kong gamitin ang pang lalaking pangalan para hindi ako masundan ng mga galit kay papa. Kaya si mama, pinalitan niya yun ng Daryl at mula noong bata ako yun na ang gamit kong pangalan"
Hindi lang naman ako ang may pinagdadaanan. Hindi lang ako ang may istorya sa kabila ng laban na to.
"Bagay pa rin naman sayo kahit anong pangalan, nakakatawa lang na isa ka sa laging napapalabas ng room niyo at ipinapadala sa office namin para magsulat ng pangalan mo sa isang yellow paper"
Head ako noon ng Council ng eskwelahan kaya lagi ko siyang nakikita. Pero nagtaka ko nung makita ang papel niya na may ganoong pangalan. Nakakatawa talaga.
"Oo. Lagi kong nakakaaway ang mga kaklase kong papansin"
Napatawa niya ako uli at napangiti rin naman siya.
Malungkot din ang ngiting tinataglay niya tulad ng sakin.
Tanggap na namin, na kahit sino ay maaari naming maging kalaban.
"Alam kong nasasaktan ka. Alam kong nalilito ka. Pero sana kung sino man ang piliin mong paglingkuran, tama man o mali, sa huli kaya kong mapananindigan. Sge mag isip ka na. Inaantok na ko" sandali siyang nagsalita "ngapala yung mabuti naman at mabilis kang gumaling kahit natamaan ka ng patalim nung nakaraan"
Siya ba ang naghagis sakin ng patalim?
Tumalikod siya at lumakad ng mapatigil siya sa sinabi ko.
"Ayokong makalaban ka Kc. Kaya sana, kahit nalilito ka rin ay malaman mo kung ano ang tama. Pero ano man ang maging desisyon mo, napahanga mo pa rin ako sa lahat ng pagkakakilala ko sayo"
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at umalis siya ng tuluyan.
--
Dedicating this chapter to Dbunnyyy 🖤
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
