"I was amazed by ypu but more amazed by her"
--Lorde's POV
Hindi ko lang maipahalata pero parang mauubusan ako ng hininga habang ginagamot ni Yohann ang mga sugat ni Ashe. Hindi ko talaga kayang makita siyang nahihirapan ng ganito.
Ang mga sugat sa buo niyang katawan. Ang mga dugong nanuyo marahil dahil sa tagal na nito.
Tiniis niya ang lahat ng iyon para lang makuha ang kapangyarihan na mayroon si Cless?
Nagawa niyang makuha si mama at yun ang dahilan ng paglaya ko sa mga utos ng Masters Turner.
Galit at magkahalong kaba naman ang naramdaman ni Jiro na ngayon ay nasa labas dahil hindi rin niya kayang makita ang nangyayari kay Ashe.
Nahihirapan ang puso ko Ashe na makita ka sa ganitong sitwasyon.
Lumabas na rin ako dahil parang tutulo pa ang mga luha ko kung mananatili pa ako dito.
Paglabas ko nakita kong nasa labas din ang babaeng nagsalita kanina.
"Sino ka?" Tanong ko. Gusto kong malaman kung sino siya at kung bakit niya ginawa ang mga yun kanina.
"Lorde Delos Reyes pala ang pangalan mo" nanlaki ang mata ko nung hindi ko inaasahang nasa mga kamay na niya ang id na nasa bulsa ko lamang ngayon ngayon lang.
"Anong nangyari?! Paano napunta sayo yan?!"
"Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga hindi ako gagawa ng bagay na ikakapahamak ni Ashe" umalis na siya at hindi na lumingon pa. Wala akong makitang kasamaan sa mga mata niya kaya hindi ako makapaniwala na nandito rin siya sa loob ng eskwelahan na to. Kakaiba talaga.
Kumusta na kaya si Ashe? Ilang oras na ang nakalipas pero hindi ko pa rin alam ang nangyayari. Lumabas na si Yohann kanina at sinabing hindi pa siya nagigising pero hanggang ngayon wala pa ring lumalabas sa mga nurses niya para balitaan kami.
Nakakabilib ang ginawa ni Ashe ngayon. Napahanga niya ako sa paglinlang niya kay Cless.
Sa ipinatupad na pagpapahalaga sa mga may maroon na id ang nagbukas ng daan para sakaniya. Ang pag gawa niya ng sitwasyon na mgakaaway nga sila, ang nagbigay punto kay Cless na lasunin si Hazel Cartner at sabihin dito na si Ashe ang may gawa nun na talaga namang madaling paniwalaan. At sa hindi ko rin maintindihang pagkakataon, nakuha ni Ashe ang loob nung babaeng yun. Na siyang naging susi para makuha niya ang ebidensyang si Cless ang lumason sakaniya.
Kamangha mangha. Ganundin ang kakayahan ng babaeng iyon. Hazel Cartner. Napakabilis ng mga kamay niya at talagang hindi ko makuha ang tyempo para mahuli siya.
Ilang sandali pa ay kinailangan ako sa opisina ng mga opisyales.
Paano si Ashe? Sino ang magbabantay sakaniya?
Hazel's POV
Hindi rin naman talaga ako nagkamali sa pagbasa sakaniya. Matalino rin siya at matapang.
Biruin mong isinugal niya ang buhay niya para lang maibaba sa pwesto ang babaeng iyon?
Napangiti ako.
Pumasok siya ng kwarto ni Ashe ng walang nakakaalam.
"You amazed me a while ago Hazel. But she amazed me more"
Napangiti ako. Minsan lang naman siya matuwa at ngayon ay natuwa talaga siya.
"Kailan niya ginawa ang gamot para kay Yohann?" Pag iiba niya ng usapan.
"Nung ipinasok siya sa Detention Hall, hinanap niya ang tinagong gamot doon ng Masters Turner na alam ni Lincoln na walang makakakuha dahil sobrang delikado nga ng lugar na iyon"
"Mabuti kung ganun"
Napakabilis niyang nailabas ang gamot para kay Yohann. Isa pa yun sa mga nagpahanga sakin.
"Bantayan mo lang siya habang marami pang inaasikaso ang GG. Saka mo na ilabas ang lahat ng meron ka kapag kailangan na"
Lumabas siya na tila walang nangyari.
Tinignan ko ang babaeng ito.
Balita ko ikaw ang pumalit kay Charlotte? Magkahawig nga kayo.
Naoangiti ako habang hinahawakan ang mga pisngi niya.
Hindi ko akalain na mapapalitan din pala si Charlotte sa puso ni Yohann.
Talaga namang hindi mapagkakailang napaka magkamukha niyong dalawa.
Ang pinagkaiba ngalang, mas tumagal ang buhay mo sa loob ng lugar na to.
Kung sakaling buhay pa nga si Charlotte, ilang taon na rin siguro kaming magbestfriend.
Pero natapos lang iyon nung pumasok siya sa eskwelahan na ito.
Hindi ko mapigilang maiyak habang iniisip ko kung gaano ako kahina limang taon na ang nakakaraan. Na tinignan ko lang ang bangkay niyang iniuwi sakanila.
Ang bangkay niyang inialay sa tradisyong sinasabi nila.
Napaluha ako kahit matagal na iyon.
Kung nakikita mo lang ako ngayon Charlotte, alam kong hindi mo ito magugustuhan. Pero ito lang ang maitutulong ko sayo para maipaghiganti ka at mapagbayaran lahat ng kabutihan mo.
Sampung taon na ang nakakaraan, habang isa akong hasang magnanakaw na itinataguyod ng mga hasang sindikato nakilala ko si Charlotte na balak ipanakaw sakin ang kwintas niyang diamante.
Isa sa pinakamahal na pagmamay ari ng pamilya nila.
Habang pababa siya sa kotse ng mga panahong iyon ay hinablot ko ang kwintas niya pero malakas siya at tila may alam na rin sa pakikipaglaban.
"Bakit mo ba to gustong kunin?"
Imbis na ako ang makakuha ng diamanteng iyon ay ako ang nadala niya sa bahay nila.
Inampon nila ako na tila tunay na anak at mula noon ay nagkaroon ako ng sariling pagkatao.
Dahik sa kabaitan niya at kagandahan, madaming nainggit sakaniya dahilan para i set up siya at magkaroon ng grave sin at maipadala sa eskwelahan na to.
At ngayon, ang Charlotte na kaibigan ko ay winakasan nila ang buhay. Dahil sa Masters Turner.
Muli akong naibalik sa realidad ng may malalambot na kamay ang humaplos sa pisngi ko.
"Salamat"
Gising na pala si Ashe.
Ngumiti lang ako. Hindi ko maiwasang mapangiti at maalala sakaniya si Charlotte.
Ang mga ngiti niya ay talagang si Charlotte. Pati nga ang boses ay pareho sila.
"Walang anuman"
Pinilit niyang tumayo at kahit mabilis akong kumilos ay hindi ko maiwasang manigas ng yakapin niya ako.
"Hazel, salamat uli at nakilala kita"
Sinuklian ko ang yakap niya at kahit di man niya nakikita ay napangiti ako.
Salamat din Ashe sa muling pag papaalala sakin kay Charlotte. Na kapag andiyan ka ay tila narito na rin siya sa tabi ko. Salamat din.
Kung sakali mang hindi ako magtagal dito, ay nakakilala ako ng katulad ni Charlotte na binigyan ako ng buhay na higit pa sa mga pinangarap ko.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mistero / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...