Chapter 8: The Reason

1.7K 61 5
                                    

"Ang mga matang niyang kulay abo"
--

Ashe's POV

Nasan ako?

Puro puti ang nasa paligid ko. Kung hindi pa ako bumangon at nakakita ng nurse na nag aasikaso sakin ay aakalain kong patay na ako.

"Okay na ba ang pakiramdam mo Miss?"

"O-oo." Utal na sagot ko.

Pero paano ba ako nakarating dito?

Ang alam ko nasa Detention Hall ako. Tapos? Nung maalala ko ang ibang nangyari ay agad kong ginustong kalimutan. Nakakapangilabot ang Detention Hall. Parang nasa isang haunted house ako na walang labasan. Nakakatakot.

"Miss Delos Reyes, pag gumaan ang pakiramdam mo pwede ka ng bumalik sa dorm mo. Bibigyan ka nalang ni Doc ng Medical Certificate kung sakaling hindi mo pa kayang pumasok bukas"

"Ah salamat. Pero miss sinong nagdala sakin dito?"

"Si Mam Sta Cruz po. Supervisor ng school."

"Ah okay. Sge. Salamat"

Pag uwi ko sa dorm ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Sinalubong naman ako ni Maggie na tinext ko.

"Ashe okay ka lang ba?"

"Oo Maggie. Kailangan ko lang siguro ng pahinga"

Humanda yung lalaking yun sakin. Talagang lagot siya. Sobrang takot ko kanina sa loob. At halos mamatay na ko dahil sa mga pinag gagagawa niya! Makita ko lang talaga siya!

7:00 am na. Maaga akong nakapag handa. Wala naman ng masakit sakin kaya sa tingin ko ay kaya ko ng pumasok.

Hindi kami pareho ni Maggie ng schedule. Malayo layo rin ang building ng senior high school sa dorm kaya mahaba haba ang lalakarin ko.

Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay tumunog ang speaker at may nagsalita.

"Everyone, we will have a celebration. This is according to the yearly tradition La Vendetta"

Nagulat ako sa inasta ng mga estudyante. May kakaiba. Ano bang meron dun? Ano ba yung La Vendetta na yun?

"We will conduct this tradition tomorrow, we will start from 7 pm to 7 am. All you want to do is free. This may help to maintain the peace and harmony inside the school premises. May Blood Empire University give you the best day of return ever. Thank you. Have a good day"

Anong mangyayari bukas?

Mamaya ko nalang tatanungin kay Maggie. Malamang alam niya yun.

"Ang yaman talaga nila Dr. Rose no? Ang swerte siguro ng anak nila?"

"Oo balita ko nga maganda at matalino yung anak nila kaso hindi nila pinapublic ang mukha for security daw"

"Ya. Kaya pala sinasanto sila ng school na to dahil they are one of the sponsors"

Isang malaking tarpulin ang pinagtitinginan ng maraming estudyante. Tarpulin na si Daddy ang nasa picture kung saan nakalagay na nagsponsor siya ng 50,000,000 sa school na to.

Daddy, hindi mo alam kung ano ang nasa loob ng eskwelahan na to.

Naiyak ako habang tinitignan ang tarpulin.

Nagdonate pala sila daddy ng ganun kalaki sa maling eskwelahan. Akala rin siguro nila ay maganda dito. Hindi nila alam na nakakatakot at mahirap mapasok dito.

"Uy bat ka umiiyak?"

"Ranz?! Ikaw pala?"

Ngumiti siya sakin habang naniningkit ang mga mata "Malilate ka niyan Ashe e. Sge ka mapupunta ka uli sa Detention Hall"

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon