Chapter 76: Day 14

852 21 0
                                    

"Sana, mailigtas niya ang babaeng mahal ko"
--

Ashe's POV

Kitang kita ko kung paano yakapin ni Aizen ang tinatawag nilang Cless.

Parang may tumatarak na kutsilyo sa dibdib ko sa sobrang sakit ng nakikita ko.

Pigil na pigil akong humagulgol sa gilid.

Tama. Ginamit lang ako ni Aizen. Hindi niya talaga ako pinahalagahan.

Isa lang akong babaeng may dugo na makakatulong sakanila.

Umasa lang ako. Kasalanan ko to.

Paglabas ng babaeng iyon ay saka ako pumasok. Hindi niya na ako nakita dahil nagtago ako sa gilid ng pinto.

Saka ako pumasok sa loob.

Kung nasan si Aizen.

Galit man ako sakaniya ay hindi ko maiwasang maluha sa kalagayan niya.

Kasing puti na siya ng papel at punong puno na ng dugo ang damit niya. Hinang hina na rin siya.

Pero, wala akong magagawa dahil dinala rin niya ako sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung ano ang paniniwalaan ko pero kung ano ang nakita ko ay yun ang totoo.

Ibinigay ko na sakaniya ang iinumin niya.

Napansin kong iba ang kulay ng likidong iyon. Dati kulay pula ang likido pero ngayon ay kulay itim na. Para saan kaya ito?

Pagkatapos kong maihanda ang inumin niya ay nagtangka na kong umalis pero hinawakan niya ang kamay ko.

(For this scene play the song Everything I Do I Do It For You)

Look in to my eyes, you will see

Habang hawak niya ang nga kamay ko ay nagsusumamo ang mga mata niya.

Ni hindi ko magawang humakbang pa palayo sakaniya.

What you mean to me

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at marahil sa panghihina niya ay hindi na niya nagawa pang labanan ang pag alis ko sa pagkakahawak niya.

Search your heart, search your soul

Pinilit kong humakbang papalayo sakaniya pero hindi pa ako nakakarating sa pinto ay tila nanghihina ang mga paa ko para magpatuloy.

"Can you stay here until i finish drinking this?"

If you find me there, youll search no more

Pumatak ng paulit ang luha ko. Ramdam ko ang mabibigat na butil nito na tumutulo sa bawat nakikita ko ang mga blankong mata ni Aizen,

Now tell me its not worth tryin for

Matagal din akong napahinto pero kapag naaalala ko ang sinabi ng babaeng iyon ay mas nakakaramdam ako ng sakit.

Now tell me its not worth dyin for

"I will miss you"

You know its true

Nagpatuloy na ako sa paglakad at hinayaan ang buhos ng damdamin na manaig sa akin.

Everything i do i do it for you

Aizen, kung hahantong din tayo sa ganito, sana pala hindi na tayo nagkakakilala. Para hindi na tayo nagkasakitan pa.

Aizen's POV

Tinignan ko lamang siyang nakatalikod at lumalayo sa akin.

Hirap na hirap akong tanggapin ang kamatayan ko na hindi ko manlang siya nakita ng matagal.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon