Chapter 75: Ex

867 26 10
                                    

"Patawarin moko dahil sakin, naging isang halimaw ka ring tulad ko"
--

Tawang tawa siya sa reaksyon ko habang patuloy na bumubuhos ang luha sa mga mata ko.

"Si Aizen na akala mo tinutulungan ka, ay ang tao palang dinala ka sa kamatayan mo"

"Hindi totoo yan! At bakit ako maniniwala sayo?!"

"Hahahaha! Si Aizen? Kilala ko siya"

Parang gusto kong takpan ang dalawang tenga ko para hindi siya marinig pero may kung ano sakin na gustong marinig ang sasabihin niya.

"Ako ang babaeng nagpaibig kay Aizen hahahahaha"

Parang unti unting tinatapakan ng halakhak niya ang puso ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makaiyak.

Paano ko makakayanan ang sakit na nararamdaman ko ngayon at ang nalalaman ko?

"Ang pilat niya sa pisngi, ako ang dahilan nun"

Kaya pala. Bakit? Anong ginawa niya para magkaroon ng pilat?

"Pero, hindi ang Aizen na nakikita mo ngayon ang tunay na siya, dahil sa huli ay isa ka lang namang espesyal na tao na nabiyayaan ng ganiyang dugo at magliligtas sakanila kaya ka niya iningatan. At nahulog ka naman sa patibong"

Naniniwala ba ako?!

Anong dugo ang sinasabi niya?

Si Pink? Kapatid ko? Si Ranz?!

Hindi. Hindi ko magagawang magalit kay Aizen. Hindi ako naniniwala sa babaeng ito.

"Pero hindi lang yun, namatay ang kapatid mo para lang isalba ang buhay mo pero,"

"Ayoko ng marinig pa ang sasabihin mo!"

"Si Aizen ang tumapos ng buhay niya"

Pinatay ni Aizen si Ranz?

Nanginginig na ako sa galit, takot, lungkot, pagsisisi at pagkadismaya.

Mababaliw na ako. Baka hindi ko na kayanin.

"Cless! Ipinapatawag na ni Master si Ashe"

"Sge"

Kinalagan nila ako at inihatid sa selda ni Aizen.

Kinausap ako nung tinatawag nilang Master at nginitian lang ako nung Cless.

"Ito na ang huling beses mong bibigyan ng inumin si Aizen. Do your job well" kinindatan niya ako pero hindi ko pinansin.

Aizen's POV

Inilabas nila ako ng selda ko.

Ngayon, panahon na para makausap ang matagal ng nagtraydor sa grupo namin.

"Kumusta ka na Aizen?" Nakatanggal ang maskara niyang lagi niyang gamit.

"Lorde,"

Halatang nagulat siya sa pagtawag ko sa pangalan niya. Inaasahan kong magugulat siya.

"Kahit makilala mo ako, wala ka ng magagawa. Mamamatay ka na Aizen"

"Iligtas mo si Ashe"

"Baliw ka na Aizen," tumalikod na siya sakin at humakbang palayo.

"Ang nanay mo," huminto siya agad at alam kong inaantay niya ang susunod kong sasabihin. "Naturukan din siya ng Zuctrus"

Nilapitan niya ako at sinakal pero hinang hina na ako at di na kayang ipagtanggol ang sarili ko.

Gusto ko siyang matulungan kaya dapat tulungan niya ang tutulong sakaniya. Si Ashe lang yun.

"Fuckyou! Wag kang ulul Aizen! Hindi moko malilinl--"

"Tuwing sabado, nagbibigay sila ng gamot ng nanay mo na may sakit. Nakahalo dun ang tubig na kailangan ng nanay mo para mabuhay. Dugo lang ni Ashe ang makapagliligtas sayo kaya, iligtas mo siya dahil," pumatak uli ang luha ko ng hindi ko namamalayan. "Hindi ko na kaya"

Napaupo siya sa isang upuan malapit sakaniya at hawak hawak ang naguguluhan niyang mukha.

Sigurado akong si Ashe na ang may dugo na gagamot samin.

Gumaling ang sugat na nilikha ko sa pulso.

Mabubuhay ako, kung wala lang ako sa kamay ng Masters Turner. Para mailigtas ni Lorde si Ashe ng hindi nila namamalayan, kailangan maiwan ako dito.

"Kung hindi mo maililigtas si Ashe, wala ng magliligtas sayo, sa nanay mo at sa lahat"

"Wala akong pakialam sa iba" matapang na sagot niya.

"Nasa iyo nakasalalay ang madaming buhay. Kabilang ang dugo ng nanay mo"

Dumating si Cless na nakangiti sa akin.

Mula noon hanggang ngayon ay hindi pa rin mapapantayan ang tapang niya at ang tatag. Bagay na bagay ang nag aapoy niyang ugali sa mukha niya.

"Iwan mo na muna kami Blue. May pag uusapan lang kami, ng ex ko"

Mariin akong napangiti sakaniya. Pilya pa rin siya at hindi magpapatalo. Ganun ko siya nakilala.

Dahil mahina na ako ay hindi na ako makaupo ng walang sandalan kaya nakasandal na ako ng buong lakas sa posteng kinadidikitan ng inuupuan ko.

"Akala ko pa naman may dapat na akong ikaselos" kumuha siya ng isang upuan at inilapit iyon sa harapan ko. "Yun pala, gagamitin mo lang rin"

Natawa ako sa sinasabi niya. Sa sobrang bilis niya mag isip ay paminsan minsan sumusobra ngalang.

"Kilala kita Aizen. Hindi mo iingatan ang isang bagay kung hindi mo kailangan"

Si Ashe ang tinutukoy niya. Ibig sabihin? Alam niya kung anong dugo mayroon si Ashe?! Paano?

"Kung ang iba hindi ka kayang basahin, ibahin moko Aizen. Kilalang kilala ko ang kislap ng mga mata mo kung anong nararamdaman mo"

Hindi ito pwede. Kung sakaling hindi magawa ni Lorde ang iligtas si Ashe ibig sabihin papatayin siya nila Lincoln?!

"Ginamit mo ang babaeng iyon? At sa akala mo hindi namin malalaman?"

"Hindi ko siya ginamit"

Natahimik siya doon ngunit napangiti.

"Nagmamalinis ka ba Aizen? Ginamit mo siya kaya mo iningatan"

"Tama ka. Hindi ko iniingatan kung di ko kailangan" huminto ako at kumorte ang maliit na ngiti sa akin. "Kailangan ko siya"

Siya naman ang napasinghap ngayon.

Matalino si Cless. Pero ngayon, sa pagkakataong ito mali siya.

Iningatan ko si Ashe, hindi dahil kailangan ko ang dugo niya.

"Hindi ko siya iningatan dahil kailangan ko ang dugo niya. Iningatan ko siya dahil siya mismo," napakuyom ang kamao ko sa tuwing naaalala na maaring hindi ko na siya makita. "Ang kailangan ko"

"AIZEN!!!" Galit na galit siyang sinampal ako at bakas ko ang lungkot sa mga matatapang niyang mata. "Hindi! Hindi ka nagmamahal! Hindi totoo yan! Ginamit mo lang siya! Yun ang tot--"

"Kung sa tingin mo, hindi kita minahal, patawarin moko. Pero, minahal kita noon" nakita ko ang pagluha ni Cless. Dalawang taon na ang nakalipas nung makita ko ang mga luhang iyon. "At ngayon, nagmamahal ako uli. At pinagsisisihan kong wala akong magawa para maipakita yun sakaniya"

"Aizen! Hindi totoo yan! Wag mokong lokohin! Alam kong manggagamit ka at hindi ka totoong nagmamahal! Isa kang demonyo! At lahat sila ang tingin sakin isang halimaw! Hindi nila alam na mas halimaw ka sakin! Alam ko y--"

Hinila ko siya at sa huling pagkakataon ay hihingi ako ng tawad.

"Cless, patawarin moko dahil sakin, naging isa ka ring halimaw na tulad ko"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon