"Calm yourself. Trust yourself. Hear yourself. Understand yourself, and find yourself"
--Try Out 2 (Mental Test)
Pinilit man namin ay hindi naging sapat ang mga lakas namin para maitulak ang bato. Isa kami sa mga grupong naparusahan.
Lahat kami ay pinagpush up.
"Katumbas ng 200 push ups ang isang toneladang bato. Sa paraang yan, mabubuhay ang lakas ninyo sa mga susunod na pagsubok"
Hindi ko makitaan si Lady M ng kung ano man sa kaniya.
Talagang seryoso siya sa pagtuturo ng ganito.
Naisip ko tuloy kung anong nagtulak sakaniya para gawin ang mga ganito?
"Sa susunod na test, kailangan niyong maging maingat. Makakapatay kayo pag hindi. Hindi lang sa lakas nasusukat ang isang magaling na assasin. Maaaring malamangan ng utak ang lakas ng katawan"
Itinatak ko iyon sa utak ko. Nag push ups lang ako kahit hirap na hirap akong makaisa.
Habang bumabangon ay inilublob kami sa tubig. Nakadagan ang isang mabigat na paa sakin ng isa sa mga tauhan ni Lady M.
Halos hindi ako makahinga. Hindi rin ako marunong lumangoy kaya hindi ako marunong sumisid.
Dinala kami sa isang malawak na pool ng eskwelahan.
"This is called the Blue Hell"
Tumaas ang balahibo ko sinabi niya. Totoong nakakakilabot ang huling sinabi niya.
Blue Hell?
"You need to control yourself inorder to control your enemies"
Dahan dahan na lumubog si Lady M dun.
Bakit kaya tinawag itong Blue Hell? Kung titignan ay isa lang naman itong simpleng tubig. Simpleng pool. Hind ko lang alam kung gaano ito kalalim.
"You need to know how to calm yourself, so you can know what is the next move. Now lets test your Mental abilities"
Umahon siya dun at kitang kita ang pamumutla niya.
Anong nangyari sakaniya? Bakit namutla siya ng ganun?
Hindi ko masasagot ang tanong ko ng hindi ko sinusubukan ang mapunta dun.
"All of you should cross this water. I dont know how. Only 10 girls are allowed to cross the water. You need to cross yourself. If you are seen to cling with others, youll be shot"
Napako ang tingin ko Lady M na ngayon ay bumalik na ang kulay.
Ang ibig sabihin ba nun haharapin ko mismo ang paglangoy sa kamatayan ko?
Hindi ako marunong lumangoy. At lalong hindi ako sanay lumangoy ng ganito kalamig na dala ng hamog dahil gabi na.
Nagsimula na ang iba. Nagsigawan ang iba at ang iba naman ay umiiyak na tila may masakit sakanila.
Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Natatakot ako.
Nagsalita si Lady M ng mahinahon at tila nagpapangaral.
Mabilis naman kaming nagulat ng makita ang ilan sa mga lumakad dun kanina at ngayon ay lumulutang na sa tubig.
"Kc"
Nakakunot kilay siyang tumingin sakin.
Naiyak ako sa mangyayari at gusto kong makakuha ng yakap kay Kc.
"Hindi ako marunong lumangoy"
Nagulat siya sa sinabi ko.
"Hindi ka marunong lumangoy?! Anong gagawin mo diyan?!"
Pinigilan ko ang pag iingay ko habang umiiyak.
Hindi ko rin alam kung ano ang pwede kong gawin.
Ilang grupo nalang at kami na ang susunod.
Habang mas umuonti ang tao sa harapan namin ay mas bumibigat ang loob ko.
Ayokong mamatay dito. Ayokong mamatay ng hindi ko manlang nakikita si Gray na siyang dahilan kung bakit ako nandito. Ayoko pa.
Kami na ang susunod.
"Kc, natatakot ako"
"Mababaw lang ang tubig Ashe"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kc.
Kung mababaw lang ang tubig bakit ang daming lumutang at namatay?!
"Makinig ka Ashe" hindi pinahalata ni Kc na may binubulong siya sakin. "Ikalma mo ang sarili mo. Pag mas maraming salita ang lumabas sa bibig mo, mas kaunting lakas ang matitira sayo"
Hindi ko alam ang tinutukoy niya pero nagtiwala pa rin ako sakaniya.
Kami na ang susunod. Hindi ko alam kung ano man ang nasa pool at kung totoo ngang hindi malalim ang pool.
Lumusong ako dun at napasigaw ng maramdaman ko ang sakit dahil sa sobrang lamig nito.
Nakita ko ang isa sa mga kagrupo ko na nangitim at ngayon ay wala ng buhay.
"Your only weapon are your bodies. You need to control it. Breathe in. All your surroundings should be your nature. Dont hesitate to walk on whaterver road it may"
Ang lamig. Sobrang lamig ng tubig.
Totoong hindi malalim ang tubig. Pero ang lamig nito ay hindi maipaliwanag.
Sa sobrang lamig ay napakasakit na nito sa balat.
Kamangha mangha si Lady M kanina na sumuong dito ng walang kahit anong reaksyon.
Naging yelo ang kaninang mga butil ng luha sa mga mata ko.
"Think about anything. Balance your environment"
Ipinikit ko ang mga mata ko habang inilalakad ang mga paa ko.
Hindi ko kaya.
Hindi ko kayang ihakbang ang mga paa ko.
"Calm yourself. Trust yourself. Hear yourself. Understand yourself, and find yourself"
Kinalma ko ang sarili ko tulad ng sinasabi ni Lady M ngayon.
Nakapikit lang ako at sinubukang magtiwala na kaya ko.
Pinakinggan ko ang tibok ng dibdib ko na tila sumisigaw na makawala sa lugar na to.
Wala kong maintindihan pero pinilit kong intindihin kung anong gusto ko.
At yun ay ang makalabas dito sa lugar na to.
Lalabas ako.
'Napakahina mo. Napakapabigat mo. Sa ganiyang ugali mo, maraming mamamatay dahil sayo'
Sumagi sa isip ko ang sinabi sakin ni Kc noon.
Ayoko ng may mamatay pa dahil sakin.
"Fight for yourself and fight yourself"
Napatigil ako ng may tumama saking matigas na bagay.
Napadilat ako at naiyak ng makita ko si Kc na nasa hagdanan ng pool at masayang hinihintay ako.
"Ashe, nagawa mo"
Lumingon ako sa likod ko na nakita ang mga lumulutang na bangkay ng mga kasamahan ko kanina.
Kami lang ba ni Kc ang nabuhay?
Umahon na ako agad at naramdaman ang matinding paninigas at panginginig ng katawan ko.
Nakakamanhid ang lamig.
Niyakap ako ni Kc at naramdaman ang pag init ng paligid.
"Ashe, magsisimula palang ang tunay na mga laban"
Nakita kong lumuha si Kc.
Bakit siya lumuha? Bakit nagbago ang puso niya? Bakit?
Ilan pa ang namatay sa mga sumunod na grupo. Wala akong nagawa kundi ang umiyak habang nakikita ang kaninang tumatawang mga babae ay nandito nat inaahon ang mga bangkay.
Sa susunod na laban? Makakaya ko pa kaya?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
![](https://img.wattpad.com/cover/141839462-288-k608938.jpg)
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...