"This is not Gangs of the General, it is Gangs Vs. General"
--Jiro's POV
Ngayong gabi na.
Wala ng atrasan pa to. Sigurado na ang lahat sa mga naging desisyon.
Naibigay ko naman na kay General ang mga ibinigay ni Hazel pero hindi ko pa sila nakikita ni Kc. Nakakapagtaka na pati si General wala din.
Basta ginagawa ko ang trabaho ko.
Oo haharapin ko sila Lorde, Yohann at Aizen, pero ngayong alam ko na may pag asa na, at nasa kamay yun ni General, handa ko naman isakripisyo ang buhay ko.
Dahil pag nagawa yun ni General, kami na ang nanalo, mamatay man ako o hindi, mamatay man ang GG o hindi, nanalo na kami.
Jl's POV
"Aizen, sigurado ka na ba mamaya? Haharapin mo sila?"
Hindi siya sumagot at halatang malalim ang iniisip.
"Anong gusto mong gawin, pag nakalabas ka na dito?" Nagulat man sa tanong niya ay nabuhayan ako ng loob. Pakiramdam ko ay makakalabas pa mga kami.
"Gusto kong kumain sa labas kasama sila mama at papa bakit? Ikaw naman?"
"Gusto kong mamili ng bagong damit"
Natawa ako kaunti dahil napakababaw. Pero kahit gaano yun kababaw, basta magawa mo sa labas ng BEU ay napakasaya na.
Sa lugar na hindi ka makakaamoy ng dugo o makakalanghap ng patayan.
"Bakit mo natanong Aizen?"
"Yung bagay na yun ang tumulong sakin para makapagdesisyon"
Ang hirap niya talagang intindihin.
"Pero Aizen, sigurado kang kakalabanin na talaga natin si General hindi sa natatak--"
"Natatakot ako" napatigil ako at mas piniling makinig. "Natatakot ako na magkamali sa pinili kong desisyon pero kailangan kong subukan. Ngayon lang ako sumugal ng ganito"
"Kaya ba mas pinili mong maging kakampi si Tres?"
"Ipatawag mo na ang Down Caster, mag uusap na tayo"
Umiwas siya sa tanong ko. Ibig sabihin mahirap yun para sakaniya.
Axl's POV
Si Lorde lang ang naghanda para ngayong gabi.
Ang sabi niya ito ang gusto ng Trio, at ganundin ang gusto niya pero nakakapang alala pa rin dahil kapwa namin kagang ang kalaban namin.
Si General.
Labag sa loob ko na kalabanin sila Jiro at General, pero wala kong kayang gawin kundi ang pumili.
At dahil hindi ko naman kilala si General gaano, at mas kilala ko si Lorde lalo pag galit, siya ang pinili ko.
"Ano yan Lorde?" Nakita kong may isinuot siyang kwintas.
Kakaiba ang nararamdaman ko sa kwintas na yun.
Parang nakaramdam ako ng isang pakiramdam na mararamdaman lang kapag yakap ka ng isang tao. Hindi ko alam nagdedeliryo na nga ata ako.
Natatakot ako sa magagawa nila sa isat isa.
"Hindi ako makapaniwala na kayo kayo ang maglalaban laban sa huli" pagbibitiw ng salita ni Brandon kay Lorde na tahimik na nagmamasid sa labas ng bintana habang naghahasa ng kutsilyo.
"Iisa lang ang hahawakang trono sa BEU. Siguro kung lima yun, hindi sana ganito.
Hindi. Hindi ito dahil sa trono Lorde. Alam kong kaya mo yung kalimutan.
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...