"Napapikit ako kasabay ng malayang pagluha"
--
Nang marinig ko ang salitang yun mula sakaniya ay tila nagdilim ang paligid.
Kararating niya lamang ngayon na suot ang kaniyang kulay asul na tuxedo. Malamig ang tingin nang kaniyang mata ngunit mainit ang kaniyang pagdating.
"Aizen?!" Sigaw ni Lady M na halatang nagulat sa sinabi ni Aizen.
"Get her wine away from her. Now" kalmado ngunit nakakapanginig niyang saad.
Walang sinuman ang makaririnig ng ingay mula sa lahat. Parang biglang tumigil ang mundo ng magsalita si Aizen ng ganun kabigat sa harap ng lahat.
Lahat kami ay hindi siya maintindihan. Parang hindi ganun kalaki ang halaga ng badge na yun para sakaniya.
"Thats a good sacrifice Mr. Aizen Asuncion. Then your badge is no longer yours. Then, tonights Fortune will be Ms. Ashe Delos Reyes. She brought Fortune from a Garnet stone. Congratulations ladies and drink all your wines"
Ibang wine ang ibinigay sakin at lahat kami ay uminom.
Nakaupo lang si Aizen sa tabi ng GG pero malamig ang tingin nito.
"Either game or fight sometimes rely on luck. For tonight, only one person got the luck to live. Tonight, youve been given a lesson about having a fate. Goodbye ladies. Have a peaceful journey"
Nang masabi niya yun ay sunod sunod na bumulwak ang dugo ng mga babaeng nasa unahan.
Madaming umiyak ngunit ang iba ay pumapalakpak sa galak na parang nanonood ng isang masayang paligsahan.
Nakakaiyak ang kabaliwan ng mga taong ito.
Mabilis na pumatak ang luha ko ng mayroong tumalsik na dugo sa aking kaliwang braso mula sa babaeng kanina ay ngumingisi at nagbibigay bga ideya sakin tungkol sa tradisyong ito. Nangingisay si Allyson at bumubulwak ang napakaraming dugo sa kaniyang bibig. Napapikit ako kasabay ng malayang pagluha.
Pagtapos ng pangyayaring yun ay ipinagpatuloy ang party. Hindi ko na alam kung saan dinala ang mga babaeng nandun kanina pero napakabigat sa pakiramdam na ako ang nanalo. Na ako ang nabuhay at namatay ang iba.
"Ashe!" Hindi ko namalayan na natapilok ako at naramdaman ko nalang na nakaalalay sakin si Jiro. "Wala ka sarili mo ngayon. Hanapin ko muna si Lampa" pagbibiro nito ngunit hindi ko magawang ngumiti.
Parang hindi na ako magtatagal at mababaliw na ako. Ang hirap takasan ng pangyayaring iyon.
Naiisip kong kung hindi dahil sakin ay buhay pa sila.
Hinawakan ni Jiro ang braso ko at ikinahinto ko naman.
"Ashe, dont leave this party until 12"
Napakaaga pa. Alas diyes palang sa orasan ng eskwelahan.
Hinarap ko si Jiro na seryoso ang mukha.
"Jiro, ayoko na dito"
Tumugtog ang mga romantic songs at nagsimulang magsayawan ang lahat.
Wala pa din ako sa sarilinkaya imbis na sumayaw ay naupo ako sa isang bakanteng upuan.
"Parang mababaliw na talaga ako" bulong ko.
"Matagal ka ng baliw Ashe. Kaya kalimutan mo na yan" bulalas ni Jiro.
"May susunod pa bang tradisyon?"
"Oo. Madami pa"
"Ilan pa ba?! Madami pang mam--"
Tinakpan ni Jiro ang bibig ko. "Nasa amin na si Gwen at wag ka ng mag alala"
Lumapit si Nelho at nay ibinulong kay Jiro na nagpaalam naman na babalik na sa table nila.
Salamat at ligtas na si Gwen. Nagpagaan yun kahit kaunti sa pakiramdam ko.
Gwen, salamat at ligtas ka. Patawarin moko at napahamak ka.
(For this scene play the song Your Love by Alamid)
Youre the one who never lets me sleep,
Nagsigawan ang lahat ng tao.
Hindi ko masyadong marinig ang sigaw kung anong uri ito. Kung sigaw ba ito ng takot o saya. Halo halo ang naririnig ko. Sigaw ng pagkatakot at galak.
Through the night back to my soul you touched my lips,
Umikot ang paningin ko. Parang nahihilo ako kaya hindi na ako tumayo.
May makikintab na bagay akong nakikita na nasa ere.
Youre the one that i cant wait to see,
"Andito ang Masters Turner!"
Masters Turner?
Anong pangalan iyon?
Saan ko nga ba yun narinig?
"Ah!" Nakita ko nalang ang sarili ko na nadaplisan ng blade.
Hinanap ng paningin ko ang GG pero hindi ko sila makita dahil nakatayo na ang mga tao.
Magulo ang paligid na nakadagdag ng pagkahilo ko.
May narinig akong tumatawa. Hindi ko makita ang mukha niya.
Ano bang nangyayari sakin? Ano bang nainom ko?
Your love is like the sun,
Hinila ako ng isang lalaki. Isang pamilyar na mukha.
That lights up my whole world,
Nakita ko ang mga blade na dumaplis sa mukha niya.
I feel your love inside,
Nakatingin siya sakin habang buhat buhat ako.
Tumatakbo siya gamit ang kaniyang maamong mukha.
Your love is like a river,
Naramdaman ko ang mahigpit niyang paghawak sakin habang tinatakasan ang lugar na yun.
That flows down through my veins,
Dumudugo na ang parte ng mukha niya na tinamaan ng blade.
Kumawala ang maiinit kong mga luha mula sa aking mata.
Hindi ko mapigilan ang paghikbi.
I feel your love inside
Huminto kami ng makalayo sa lugar na yun.
Hindi ko na masyadong marinig ang sigawan ng mga tao.
Sa paghinto namin ay tinanggal niya ang necktie niya at inilagay yun sa braso ko na tinamaan ng blade.
Hindi ko maramdaman na masakit ang sugat ko doon. Mas masakit ang nangyayari samin ngayon.
Tinanggal niya ang coat niya at inilagay iyon sakin.
Tumingin ako sa paligid. Ngayon lang ako nakarating sa lugar na ito.
Pinagmasdan ko siya habang hingal na hingal.
Hindi niya iniinda ang sugat niya na ngayon ay malakas na ang pagdudugo.
Kahit napakalapit lang ng panganib, hindi ko maramdaman ito. Pakiramdam ko ay napakaligtas ko sa piling niya.
Ilang minuto rin kaming umupo doon ngunit napakabilis lang nun sa pakiramdam ko.
Hindi siya umiimik at paramg may inaantay.
Hindi ko rin magawang magsalita dahil hindi ako makahanap ng salitang sasabihin.
May mga yapak akong narinig na papalapit at alam kong ganun din siya.
Kahit pawisan pa ay tumayo uli siya.
Mabilis ang pagdating ng mga blade sakin at sinalag niya yun gamit ang mga kamay niya.
Ngayon ay labis labis na ang pagdudugo nito.
Tatakbo na rin sana ako ng biglang manlambot ang tuhod ko at napasalampak sa lupa.
Nawala ang paningin ko pero panatag akong sa bisig ni Aizen ako nakahiga.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mistero / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
