"Hindi ako ganun kalakas pero pag sumuko ako, pinatunayan ko na din na mahina ako"
--Hazel's Battle.
Hazel's POV
Hindi ako mapakali na nakikita si Kc na mag isang lumalaban.
Alam kong malakas si Kc pero iba pa rin kapag walang pahinga.
Nang napalabas si Kc sa stage na isa sa mga patakaran ng laro, na kapag nawala ka sa stage na pinaglalaruan ay talo ka na kaagad.
Kc, ako naman ang lalaban.
Tatlo nalang ata kaming hindi pa lumalaban. Tumayo na ang isa at siya ang humarap sa kalaban ni Kc kanina.
Hindi gaya niya na hinamon si Kc na wag gumamit ng kamay kayat automatic na na sakaniyang patakaran ang masusunod.
Hindi ko ugaling sumuko kaya dahil andito na ako ay lalaban na rin ako.
Nakita ko kung gaano naghirap si Kc.
Natakot ako ng makitang ang hinamon niyang babae ay pinipigaan na niya ngayon ng dugo.
Tila siya nagpipiga ng isang labahing damit.
Napalunok ako ng tumingin siya sa paligid at saka kami isa isang nginisian.
Lumapit ang isa pang natitirang katabi ko.
Nagtagal ng kaunti ang laban nila pero katulad kanina ay pinaikot ikot lang niya ang ulo ng kalban niya hanggang sa pumutok na ang mga ugat na meron ito.
Nakakanginig ang nakikita ko.
Hindi ako ganun kalakas pero pag sumuko ako pinatunayan ko na din na mahina ako.
Nanginginig akong umakyat ng stage.
Alaala lang ni Charlotte ang dala ko. Kaya yun lang ang nagpapalakas sakin.
Wala akong kayang gawin maliban sa pagnanakaw kaya hindi ko alam kung paano ako mananalo.
Pagtapak ko palang sa stage ay nangilabot na ako sa ngisi ng napaka tangkad na babaeng nasa harap ko.
"Can you already see death?"
"Not really" sagot ko.
Napatawa siya at saka ako sinakal.
"Anyway, im not going to set rules on this fight cause more or less youll die as soon as possible"
Walang binatbat ang bawat suntok ko sakaniya dahil tila bato ang mukha at katawan niya.
Pinaglaruan niya lang ako sa stage atsaka ako sasakalin.
Sa sobrang higpit ng pagkakasakal niya sakin ay tila puputok na ang litid ko.
Sinipa ko siya pero walang halaga ang sipa na yun.
Nawawalan na ako ng hangin at malayang paghinga.
Matatalo nga ba ako ng walang naitutulong?
Naramdaman kong binitawan niya ako dahilan ng pagkauntog ng ulo ko sa sahig.
Nakaramdam ako na kung anong mainit na likidong dumadaloy malapit sa akin. Doon ko naramdaman na ang dugo ko ay malayang nakakadausdos sa malamig na semento ng pinaglalabanan namin.
Wala akong kahit anong naririnig maliban sa mga halakhak ni Charlotte noong niligawan siya ni Yohann, ang halakhak ni Kc pag nagkukwento ng mga kalokohan niya at ang halakhak ni Ashe sa maliliit ma bagay.
Mawawala ang lahat ng iyon, kung sakaling dumating ang katapusan na naghihintay sa amin.
Pero may isang palakpak akong narinig.
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mistério / SuspenseThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...