"Si Aizen, namatay siya dahil sa kahinaan mo"
--
Lorde's POV
Hindi nakuha ni Kc ang posisyon. Ibig sabihin, kung sakaling dumating ang tradisyon, hindi magiging ligtas ang babaeng to dahil alam ko naman na hindi niya kakayanin ang babaeng tumalo kay Kc.
Nakakamangha talaga ang babaeng yun. Matapang siya pero, dahil sa pagod na rin siguro ay hindi siya naging handa.
Nag aalala pa tuloy ako ngayon kug magigising siya o hindi dahil ako pa ang magbabantay sa lampang babaeng to na wala namang naitutulong sa mundo.
Gising na pala siya?
Nagulat ako ng makita ko siyang humahagulgol ng malakas pagkarating ko sa kwarto niya mula sa pagtitimpla ko ng kape.
"Itigil mo yan. Ayoko ng maingay"
Hindi niya ako pinakinggan.
Sana ay magkaroon ako ng mahabang pasensya. Dahil kung hindi, mapapatay ko talaga ang babaeng ito. Pwede ko namang ipasipsip ang dugo niya at patayin na siya. Para hindi ko na siya kailangan pang problemahin.
Hindi talaga siya tumitigil! Naiinis pa naman ako sakaniya dahil wala manlang siyang naitulong mula pa noon. Samantalang halos makipagpatayan na si Kc kanina para makatulong sa GG pero siya gigising lang para umiyak.
Ibang iba siya kay Kc na talagang buo ang loob. Kahanga hanga talaga siya.
Nilapitan ko siya at madiin na hinawakan ang bibig niya. "Tumigil ka na. Mabilis akong marindi at mabilis uminit ang ulo ko. Hindi ako tulad ni Aizen"
Para siyang bata na malakas pa rin ang pag iyak at lukot na lukot ang mukha.
Masasampal ko na siya kung hindi pa talaga siya titigil. Nakakapikon na siya.
"TUMIGIL KA NAAAA!!!!"
Akala ko ay mapapatigil ko na siya mula sa malakas na sigaw na yun pero hindi.
Mas lumakas pa ang pag iyak niyang parang bata.
Paano ba siya nagustuhan ni Aizen?! E wala to sa kalingkingan ni Kc at ni Cless. Mga matatapang na babae at hindi manlang natatakot sa kahit saan. Hindi nagpapakita ng kahinaan.
Samantalang ang babaeng to kahinaan lang ang makikita mo sakaniya.
Lumabas nalang ako ng kwarto para mawala ang init ng ulo ko.
Utos sakin ni Lady Q na bantayan ang babaeng yun para maipakita na naglilingkod ako sa GG kahit sakanila pa rin ang katapatan ko.
Ilang minuto akong nasa labas.
Kumusta na kaya si Kc? Maayos na kaya ang pakiramdam niya? Napakatapang niya kasi at hindi na niya inaalala ang kaligtasan niya.
Pagpasok ko ay umiiyak pa rin siya?! Talaga bang hindi siya titigil?
Agad ko siyang sinakal dahil sa sobrang ingay niya! Hindi ko siya kayang kasama!
Saka ko lang siya tinigilan ng hindi na siya makahinga.
"Pag hindi mo pa sinunod ang gusto ko sa susunod, papatayin na kita"
Tinalikuran ko siya at hindi dito matutulog ngayong gabi.
Dibale ng mamatay ako sa lamig sa labas wag lang siyang kasama.
"Kasalanan ni Aizen kung bakit napahamak ako"
Mas nanginig ang buo kong katawan sa galit at hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ang sarili ko para hindi mapatay ang babaeng ito.
Mahigpit ko siyang hinawakan sa magkabilang balikat at alam kong nasasaktan na siya.
"Hindi ko alam kung gaano ka kabobo at talagang tanga ka lang para hindi mo makita ang totoong nangyayari" hindi ko alam kung paano nilason ni Cless ang utak niya pero hindi ako natutuwa sa pananalitaa niya. "Wala kang kahit anong karapatan para manisi ng iba lalo nat wala ka namang naitutulong at nagagawa para magligtas ng buhay dahil kahit buhay mo lang hindi mo pa magawang iligtas" Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko at tila mapuputol ko na ang mga buto niya. "Kung sisisihin mo si Aizen, bakit hindi mo sisihin ang sarili mo kung bakit napatanga at napakahina mo?! Na lahat ng tao dito kailangan pang maghirap at magsakripisyo sa isang tulad mong walang halaga?! Sa tulad mo na wala namang kwenta at sa tulad mo na dapat hindi nalang pumasok dito dahil napakabigat mo?! Sa tulad mo na siyang dapat mamatay kaysa kay A--"
Natigilan ako. Dapat ko nga ba sakaniyang sabihin ang tungkol kay Aizen? Hindi na. Hindi naman niya kailangan pang malaman dahil ganundin. Tanga pa rin siya. Wala pa ring silbi.
"Na dapat namatay nalang ako dahil wala akong halaga? Alam ko yun. Kaya nga pinaglaruan lang ako ni Aizen dahil ang tanga tang--"
"OO TANGA KA!!! Nagsakripisyo si Aizen para sayo! Naglaan siya ng isang napakabigat na desisyon para sayo! At dahil tanga ka hindi mo yun alam! At dahil mahina ka wala ka namang magagawa! At higit sa lahat dahil sa isang tulad mong wala namang kwenta napahamak ang marami! Oo ang tanga mo talaga! Dahil imbis na pasalamatan mo si Aizen dahil ikaw tong buhay ngayon ay galit ka pa sakaniya?! Tss. Tangina. Ang tanga mo!"
"At ano? Magpapasalamat ako sakaniya na dahil pinaglaruan niya ako ay muntik na akong mamatay?"
"Alam mo kung di lang kita kailangan siguro ngayon pira piraso ka na dahil hindi ko alam kung bakit kailangan kitang hayaan na mabuhay sa sobrang kawalang kwentahan mo! Mas pinili mong maniwala sa iba kaysa kay Aizen na naging totoo sayo?! Putangina. Ngayon galit ako kay Aizen. Dahil sa maling tao siya naglaan ng lahat"
Bumalik siya sa pag iyak pero dahil ang tanga ng taong kausap ko ay gusto ko pang ubusin ang lakas ko maintindihan niya lang na hindi lang basta ang sinakripisyo ng hangal na Aizen na yun.
Oo. Hindi ako kakampi ng GG. Pero, hindi ko pa rin maiaalis sakin, na dahil kay Aizen nalaman ko ang katotohanan tungkol sa dugong matagal na naming hinahanap. At matagal ding ipinagkait samin ni Master.
Pero kung ganto lang din naman ang nagmamay ari ng dugo, parang gusto ko nalang na ako na ang mismong papatay sakaniya hanggang makita ko siyang nahihirapan huminga.
"Niloko niya pa rin ako"
Aalis nalang ako ng kwartong to. Dahil hindi ko alam kung makakayanan ko siyang tignang buhay kahit ilang segundo lang. mapapatay ko ang babaeng to.
"Ang taong sinasabi mong nanloko sayo, ay namatay dahil sa paghahangad na iligtas ka. Si Aizen, namatay siya dahil sa kahinaan mo"
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
