"Im going to sell my soul just to free your life"
--
Hindi ako makagalaw sa bawat minutong nakayakap siya sakin.
Parang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko kanina. Parang lahat ng sugat ko ay gumaling.
Ashe? Ano ka ba talaga?
Hindi pa rin siya bumibitaw sa pagyakap. Hay naku Ashe! Pwede ba?
"H-hoy! A-an-anong ginagawa mo sakin?!"
Dahan dahan akong kumawala sakaniya at hindi siya tinignan. Nagkunwari akong galit para hindi nakakahiya na tila namumula na ako.
"Sorry." Para saan ba? "For saving my life always" wala yun. Basta humihinga ka, masaya ako. "And yet, still blaming you"
Pinilit kong tumayo sana pero humapdi ang mga sugat ko kaya napaaray ako.
Inalalayan ako ni Ashe para makasandal at makaupo manlang ng maayos.
"Jiro, sorry for coming into your life. Kahit lagi mokong inaasar at iniinis, lagi mo rin akong nililigtas kaya dahil sakin kaya nangyayari to" malakas nanaman siyang umiyak sa harap ko. Hays.
Ashe, mapapatawad ko pa kung ano man ang nagawa mo pero pag umiyak ka? Kahit sino handa kong tanggalan ng buhay e.
Hinila ko siya at niyakap papunta sakin. Wala na akong paki ang mahalaga mayakap ko siya.
"Im going to sell my soul just to free your life"
Mas lumakas pa ang pag iyak niya. Para siyang batang umiiyak.
Ashe, kahit hindi ko pa kilala ang buong ikaw, hindi ko hahayaan na may manakit sayo.
Alam kong hindi ko pa kayang sabihin yun sakaniya kaya kahit ako ay pinigil nalang ang paghikbi ko.
Ilang minuto lang na nagtagal si Ashe dito sa clinic at lumabas na rin dahil may klase pa siya pero bigla akong nagulat sa pagsulpot ni Yohann sa gilid ng clinic.
"Kanina ka pa diyan?!"
"Hindi naman, nung sakto lang na dumating si Ashe" malamya niyang sagot.
"E gago ka pala e kanina pa y--ah!" Tatayo sana ako para sapakin siya pero makirot ang mga paa ko.
Naalala ko ang ginawa nila sakin.
Nakapiring ako at tanging mga boses lang nila ang naririnig ko.
Sigurado ako na sila ang Masters Turner.
Hinampas nila ako ng isang tubo. Sa pinsala nito sa tingin ko ay hindi lang ito basta isang ordinaryong tubo. Isa itong makapal na tubo. Halos mabali ang buto ko sa ginawa nila.
Kailangan kong tiisin lahat yun para sa isang bagay.
"Anong balak mo Jiro?"
"Anong pinagsasasabi mo diyan baliw?"
Umupo siya sa sofa ng kwarto ng clinic na to.
Ano bang ipinaparating ng titig na to ni Yohann?
"Bakit kailangan mong maging malapit sa babaeng yun?"
Namuo ang pawis sa aking noo kahit aircon naman ang kwartong ito.
"Sino ka para malaman?"
"Jiro, wag kang masyadong lumapit sakaniya. Hindi siya sayo"
Paalis na sana siya ng pigilan siya ng sumunod na salitang lumabas sa bibig ko. "At lalong hindi siya sayo"
Walang kahit sino sa eskwelahan na to ang magmamay ari kay Ashe.
Ashe's POV
Mataas ang sikat ng araw. Mukhang napaka ganda ng panahon.
Kagagaling ko lang sa clinic matapos kong mabisita si Jiro. Kahit papaano ay mas gumaan ang loob ko na nakita ko siya. Hindi ko muna tinanong ang tungkol kay Ranz. Saka na.
Malungkot akong pumasok dahil alam kong wala na si Ranz at napaka importante niya para sakin.
Bumuntong hininga ko ng may isang babae ang kasama ng mga guards. Hindi siya hawak ng mga ito. Yung para bang iniescortan siya. Nakasuot siya ng uniform namin.
Masasabi kong maganda siya. Ang mga mata niyang maamo pero nararamdaman kong may kakaiba sakaniya.
Sino kaya siya?
Dumiretso sila sa Admin's Office.
Hindi ko nalang ito pinansin kahit ngayon ko lang nakita ang ganun. May bago nanamang estudyante ang nakarating dito?
Hay. Hindi ko na iisipin yun.
Wala namang bago sa classroom na lahat ay hindi nagkikibuan.
Halos lahat ay nagtuturingan na magkakaaway.
Ilang sandali ay dumating na ang adviser namin si Mam Naomi.
Kinakabahan nanaman ako sa mga ngiti niya. Ano naman kaya ang sasabihin niya.
"Class, goodmorning. Starting tomorrow, the morning classes will be out of the schedule. We will now focus on preparing for the second trial. That is also known as the second tradition"
Halata sa mukha ng iba kong kaklase ang kaba at takot.
Nararamdaman ko ang takot araw araw. Na parang walang patid. Takot na baka hindi lang buhay ang kunin nila. Pati ang bawat dignidad ng lahat ng nandito.
"That tradition will be held on Friday inline with every traditions to be made is according to this date."
Natutuwa ba talaga siyang ibalita ang mga yun? Nakakatakot na pagkatao.
"The good thing was, there is no exception about this tradition. Even the badge holders can be killed" at yun ang nagbigay ng malaking ngiti sa kaniyang mga labi. "Ill better listen to my commanders and do my best to win"
"What is this tradition all about?" Tanong ng isa sa mga kaklase ko na may badge din. Pero white lang.
"Hahahaha. Bravo." Pumalakpak siya na parang nang iinis talaga. "It is all about surviving to the fullest"
Nasiraan na nga sila ng bait. Living to the fullest yun at hindi kabaliwang kagaya nito.
Walang dudang natututo kami pero ang kabaliwan na pumatay ng mga wala namang ginawa sa amin ang nagkukulong samin sa ganitong klase ng sugal.
"What time will it start?" Mausisang tanong naman ng iba.
"12 am to 12 pm. You should be alive"
Gusto ko mang magalit alam ko naman na walang magagawa ang galit ko sa mga ganitong sitwasyon.
Wala akong kapangyarihan sa loob ng lugar na to at lalong wala rin akong masyadong alam sa kung bakit ba naging ganito ang pangyayari.
Kailangan kong malaman ang mga kailangan kong malaman. Tutal nakasangla na ang buhay ko kay kamatayan, hindi ko na sasayangin ang pagkakataon. Hindi dapat sa lahat ng panahon ay may magliligtas ng buhay ko.
Narinig namin ang pagkalabog ng pinto sa room namin.
Ano kayang meron?
Agad kong idinako ang mata ko sa teacher namin sa unahan na malaking nakangiti habang nakatungo at naiiling.
Ano nanaman ba ang ibig sabihin ng mga ngiti niyang yan?
"Class, there is one thing more" tumingala ito "we have a transferee"
Itinuro niya ang pinto at inintay nalang namin itong bumukas.
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...
