Chapter 133: Meals

718 29 17
                                    

"What is our wedding for?"
--

Matapos ng kasal na yun kanina ay nasa kwarto kami ngayon.

Nasa harap ko ang night gown na susuotin ko para sa honeymoon namin ni Gray pero hindi ko sinuot at pinili ang damit kung saan ako komportable.

Naliligo si Gray. Lagi ata talaga siyang naliligo bago matulog.

Alas onse na ng gabi.

Kumain lang kami kanina at hindi nagkikibuan pagtapos ng reception at kasal.

"Love, paabot ng tuwalya"

Hindi ko alam kung iaabot ko nga ba, o kung hindi ko ba siya papansinin dahil hindi naman ako si Love. Hindi ko na alam e.

Pero kaysa naman lumabas siya ng walang saplot inabot ko nalang ang kulay Gray niyang tuwalya.

Lumabas siya at sobrang bango. Amoy na amoy ang fresh scent na sabon na ginamit niya.

Saka siya humiga sa tabi ko.

"Tatabi ka sakin?"

Gulat na tanong ko habang lumalayo pero mabilis niya akong hinablot pabalik.

"Tabi tayo Love"

Sinubukan kong kumalma habang inaalala ang mga seryosong mata ni Gray kanina.

Humiga na rin ako at tumalikod sakaniya. Maya maya ay niyakap niya ako at bumulong.

"Can we make Love?"

Napatayo ako agad at itinakip sakin ang kumot.

"What is our wedding for?" Pang aasar na tingin niya. "Just kidding. Goodnight Ashe"

Pagkahiga ko ay ilang minuto lang ay nakatulog na rin pala ako.
--

Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko at nakita kong hinahawi ni Gray ang kurtina.

"Happy first day Love! Good morning and I love you. If you still want to sleep, matulog ka pa"

Natakpan na ng kurtina ang sikat ng araw. Pero di na ako inaantok at nagugutom na.

"Bababa na ako" sagot ko.

Pagbaba ko ay pinigilan kong mapangiti nang makita ang napaka gandang breakfast presentation na ginawa ni Gray.

Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan sa pagbaba.

Kinalas ko naman ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Kaya kong bumaba"

"What is our wedding for?"

Inayos niya ang upuan para umupo ako. At inofferan ako na maupo habang ipinaghahanda ako.

Pero nakatitig lang ako sakaniya.

"Please stop stating that we are married! First and for most we are not married by will! Hindi ko alam kung bakit tayo ikinasal! Na imbis na iligtas mo ang GG ito ang ginawa mo!"

"Sorry Love. But you must eat"

Kumain na siya at babalik sana ako pag akyat.

"Honestly, i dont know how can i save all the people that needs me"

Hindi ko nakita ang mukha niya pero sa tingin ko ay may lungkot sa pagsasalita niyang iyon.
--

Hindi ako kumain at hindi ko rin narinig na kumatok si Gray kaya lumabas na ako pero muntik ko na mapatapakan ang linya ng mga pagkain sa harap ko.

"Ano to?"

May isang maliit recorder dun at pinindot ko.

'You missed three meals. Eat the yellow plate for breakfast, the green plate for lunch and the pink plate for snacks. Dont worry i cook that all without putting anything. I love you'

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon