"I dare her to fight in the Blue Hell"
—Cless' Battle.
Pagdating ko sa quadranggle ay si Naomi na agad ang bumungad sakin.
Hindi ko na napanood ang ibang laban sabagay wala naman iyong kwenta.
Umakyat na ako agad sa stage ng maihagis na nila ang walang malay na katawan ni Hazel Cartner at saka hinamon si Naomi.
Itinaas ko ang kanang kamay ko para maagaw ang atensyo ng mga opisyal.
"I dare her to fight in the Blue Hell"
Nanlaki ang mata ni Naomi pero agad niyang binawi ng matamis na ngiti.
At yun ang gusto ko.
Itinaas ng mga opisyal ang kanan nilang mga kamay nangangahulugan ng pagpayag nila.
Sa Blue Hell kung saan may stadium din sa gilid para maupuan ng mga anonood kami naglaban.
Sa loob ng nakakatakot na pagtunog ng bell ay saka nagsimula ang masalimuot na laban namin.
Pagtapak palang ng mga paa ko sa nangangalit na malamig na tubig ng Blue Hell.
Pero hindi na ako nanibago dahil noon palang ay nasanay na ako ni Lady M.
Na aaminin kong ikinalungkot ko ng maalala ang mga alaalang yun.
Nang makarating sa gitna ay nakita ko na ang pamumutla ni Naomi pero wala pa ring nagbabago sakaniyang awra.
Habang naglalapit kami ay hinahanda ko na ang sarili kong labanan siya pero imbis na ako ang mauna ay agad niyang hinawakan ng mahigpit ang pulso ko sa kanang kamay.
Nalukot ang mukha ko sa sakit ng ginawa niya pero ginamit ko ang paa ko para mawala siya sa balanse dahilan para magkalayo kami.
Dumagdag sa lamig ang tahimik na paligid.
Nakalmot niya ang kanang braso ko at kitang kita kung paano sumabay sa agos ang mapula kong dugo.
Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagkalat ng sugat na nilikha niya.
Tinignan ko lang siya na nakangiti sakin.
"Wala kong maisip na saktong oras ko ng pagpatay sayo Cless kaya maghintay ka kung kailan"
"Ahhh!"
Sigaw ko ng biglang naramdaman ko ang malakas na sipa niya sa malaki at malalim na nakauwang kong sugat.
Namanhid sa sakit ang kanang braso ko pero lumapit ako sakaniya at sinubukan siyang labanan pero isang patalim ang sumaksak sa hita ko.
"Ano yang hawak mo?!"
Humalakhak siya ng malakas at mas idiniin pa ang pagsaksak sa hita ko habang pinapaikot ito.
"May patalim siyang gamit laban sakin!" Sigaw ko pero tila sila walang naririnig at nakangiti lamang samin.
"Hanggat wala silang nakikita, walang ibang totoo kundi ang laban lang natin"
Napilitin kong mapalayo sa gitna kung saan kami naglalaban dahil sa mga sugat na mayroon ako. Malalim sila at masakit pero wala pa kong nagagawa para gantihan siya.
"Ganiyan ba kahina ang minahal ni Aizen? Nakakatawa. Mahilig pala siya sa mahina?"
Sinugod ko siya uli pero mas naging maingat sa oatalim niya at madiin na itinarak ang mahahaba kong kuko sa kaniyang leeg at sinipa palayo sakaniya ang patalim.
Pero mas nabigla ako ng may panibago siyang isinaksak sakin na patalim.
"Hindi ka lumalaban ng tama"
"Sabi sa patakaran ang nasa loob ng Nullum Tellum stadium ang pinagbabawalan ng kahit anong materyal ni Kamatayan at ngayong iniba mo na ang lugar, hindi na ko pinagbawalan pa" makapanindak na ngiti niya.
"Hindi ko inakalang ganito ka kadumi makipaglaro Naomi"
"Hahahaha! Gusto mo naman na sigurong makita ang papa mo?"
"HAYUP KA!!!"
"Mas hayop ang pumatay sakaniya hindi kaya? Yung pinatay siya sa mismong harap—"
"Tumigil ka na!"
"Pinatay siya ng taong minahal mo pa? O, mahal mo pa din?"
Sinugod ko siya at sinakal na nawala na sa paki ko ang hawak niyang patalim. Nang akma na niya itong isasaksak sa akin ay kinuha ko ito at handa ng isaksak sakaniya pero napaka dami niya palang patalim para magkaroon ng patalim bukod sa dalawang nawala sakaniya.
Naiwasan ko ang pagsaksak niya sakin at mabilis na nakaiwas sa sumunod na pagsaksak.
Hanggang sa huminto siya sa isang pwesto at doon ay ngumiti.
"Ginusto ko lang noon makalaban ka para lang masabi ko sa sarili ko na natalo ko ang gold badge holder ng BEU pero ngayon, mas gusto na kitang paglaruan"
"Nakakaawa ka Naomi"
"Hindi kaya mas nakakaawa ka? Na ang taong mahal mo na ipinaglaban mo sa lahat pa ang taong pumatay sa sarili mong ama at nagtangka ring patayin ka?"
"Naomi, tumigil ka naaa!!!"
"Sobrang naaawa ako at ikinalulungkot kong maalala mo yun. Kung paanong sa harap mo mismo pinatay ni Aizen ang sarili mong ama? Hahaha! Anong pakiramdam Cless? Gaano kasakit maging si Colorless habang katapat mo ang dating si Rainbow? Ang leader ng Masters Turner mismo na si Aizen? Anong pakiramdam na maalala yan ngayon habang pinapaswitan ka ni Kamatayan?"
Parang nanghina bigla ang tuhod ko. Nawala ako sa balanse.
Namanhid ako. Wala akong ibang narinig kundi ang halinghing ni Naomi.
Nakakabigla. Wala siyang kahit anong mali sa pagkakadetalye niya ng lahat.
Walang mali na sa harap ko mismo nangyari ang napakalagim na alaalang yun.
Na parang yun na din ang alaalang tatapos sakin ngayon ng maramdaman ko nalang sa dibdib ko ang patalim ni Naomi.
Aizen,
Kung nasan ka man, sana marinig mo ako.
Minahal kita ng buo.
Hindi kita pinagtaksilan kahit kailan.
Mahal na mahal pa din kita.
Gusto ko lang malaman, paano mo nagawang saktan ako ng ganun?
Si papa. Hindi ko alam ang kasalanan niya pero paanong naging sapat ang kasalanan niya para wakasan mo ito?
Paano mo nagawang ipakita sakin ang ganung panguayari?
Na ang sugat mo sa mukha ang paulit ulit nag papaalala sakin kung paano kita nagawang saktan para lang mailayo sayo ang papa ko.
Paanong ang dating leader ng Masters Turner, bilang Rainbow ay nawala na parang bula?
Na ang minahal ko, sa huli ay malalaman kong ginamit lang ako para mapalapit sa sarili kong ama.
Aizen, pakiusap. Sabihin mo saking mali ang lahat ng ito.
Mas madiin na saksak pa ang naramdaman ko sa kabilang bahagi ng dibdib ko.
Sa sakit, sa hirap at sa pagod kaya kong lumaban pero kung sa esensya ng kalungkutan, napapasuko ako.
Hindi ko kayang maalala ang lahat.
Unti unti akong lumubog at nagpaagos sa malamig na tubig ng lugar.
Aizen, magkikita na nga ba tayo sa kabilang buhay?
—
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker🖤
BINABASA MO ANG
Gangs Of The General (GG)
Mystery / ThrillerThe school for the greatest assasins. University of the best killers. Evil is just an air for everybody. No one is safe. Day and night they could kill. Everyday is a battle. Everynight is a nightmare. The place worse than hell. You only have one cho...