Chapter 11: Meet The Nice Leader

1.5K 49 0
                                        

"Mula sa pagtitig niya sakin, siguro may naalala siya"
--

Nasa isang classroom kami na malayo sa building ng bulinggit na to.

Hindi ko naman talaga siya tinulungan. May gusto lang talaga akong itanong sakaniya.

Ang panyong to. Sigurado ako na hindi ito simpleng panyo. May simbolo ito ng Master's Turner. Bakit nasa kaniya ito? Posible kayang miyembro siya ng Master's Turner?

"Bakit nasayo to?! Ano to?!"

Ang pag aalinlangan sa mata niya. Nakikita ko. Mula sa luha niya.

"H-hindi ko alam."

"Anong hindi mo alam?! Ano bang alam mo?! Bakit nandito ka?! Sino ka?! Ang totoong ikaw?! Alam mo ba kung nasan ka?! Alam mo ba kung anong mangyayari sa buhay mo?! Bak--"

"HINDI! HINDI KO ALAM ANG PINASOK KO PERO ANG BUHAY KO ALAM KONG HINDI KO NA HAWAK! MASAYA KA NA?!"

Ang sakit. Masakit ang paghagulgol niya sa harap ko. Ang pagkaupo niya sa sahig habang umiiyak. Ang sakit ng dibdib ko. Parang may pumipiga. Bakit ko to nararamdaman?!

Bakit sa bawat patak ng luha niya sumisikip ang paghinga ko! Bakit?!

Niyakap ko siya. Hindi ko alam kung bakit. Tumulo ang luha ko hindi ko rin alam kung bakit!

Oo! Wala na akong alam! Putangina! Bakit ganito ang nararamdaman ko! Naguguluhan ako!

Lumabas kami ng kwartong iyon at dinala ko siya sa clinic kahit wala sila Yohann. Ang mahalaga maitago ko muna siya hanggang hindi ko pa nalalaman ang totoo.

"Huwag kang aalis dito hanggat pumatong ang 7am"

Ashe's POV

Magpapasalamat pa sana ako sa taong yun pero nakaalis na siya. Wala narin naman akong lakas para habulin siya.

Walang tao sa kwartong ito. Nagulat din ako bakit siya may susi. Ang alam ko leader ng Catchers ang namamahala dito kaya hindi ko maintindihan kung bakit nakapasok kami.

Pero, sa tingin ko ay mas ligtas ako dito.

Umiyak ako ng umiyak para mapagaan ang loob ko.

"Maggie?! Bakit?! Bakit mo nagawa mo yun?! Maggie!"

Kahit isigaw ko ay hindi pa rin maibsan ang sakit. Nagtiwala ako sakaniya tulad ng tiwala ko kay Gwen. Pero bakit?! Bakit Maggie?!

Hindi ko alam kung ilang luha pa ang kailangan kong iiyak para lang gumaan ang loob ko. Ang sakit. Ang hirap. Ang hirap mabuhay sa lugar na to.

Paano ba pumili ng pagkakatiwalaan? Paano ba magtiwala?

"I want to go out here" sigaw ko sa kawalan. "Please"

Jiro's POV

Hindi alam ng babaeng yun na nasa labas lang ako. Kaya rinig na rinig ko ang bawat daing niya. Ang bawat iyak niya. Ang bawat hagulgol. Ang bawat sigaw.

Hindi ko mapigil ang sarili ko na magstay sa labas ng clinic at intaying mag umaga.

"Umaga na pala pw--"

"Bakit andito ka pa rin?"

Teka? Sino ba siya sa tingin niya para in--

"Salamat"

Walangya! Ano to?! Bakit?! Bakit parang ang init ng tenga ko? Bakit ko nararamdaman na parang lalabas na yung puso ko? Anong ibig sabihin nito?

"B-ba-bakit ka nagpapasalamat?"

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon