Chapter 41: Tea

1K 23 0
                                        

"Muli kong naramdaman ang malakas na pagtibok ng puso ko kasabay ng pagdilim ng paligid"
--

Ilang araw na akong nandito sa office. Ako ang taga ayos ng mga ginagawa ni Aizen. Madalas siyang wala sa office. Akala ko pa mandin lagi ko siyang makikita. Hays.

"Ms. Delos Reyes"

"Sir!" Napatayo ako ng makita si Aizen na nasa pintuan.

Binigyan niya ako ng isang kwintas.

Naku. Puso wag kang lalabas diyan please. Diyan ka lang. ho. Ho. Ho. Hindi na ako makahinga.

"Wear that"

Hindi ako makatingin sakaniya. "Ba-bakit niyo po ako binibigyan nito?"

Umupo siya sa desk niya at sumandal sa upuan na parang napagod siya. "Just wear it"

Tinitignan ko lang siyang nakapikit habang nag aayos ng gamit sa office niya.

Nakatulog na siguro siya.

Maya maya may kumatok sa office niya at may naghatid ng inumin.

Isang maliit na cup at isang mini thermos ang inihatid.

"Tsaa yan para kay sir Aizen. Madalas niyang inumin yan tuwing alas 7 ng gabi"

Kakaiba ang paningin ko sa babaeng iyon na agad ding umalis.

Kakaiba siya magsalita at tumingin.

Sinilip ko ang labas at wala na dun si sir Cruz.

Ipinasok ko na ang inumin at inantay na magising si Aizen.

Habang nag aayos hindi ko mapigilan ang sarili ko na usisain ang dinalang tsaa ng babaeng yun. Ngayon ko lang siya nakita pero parang hindi siya katiwa tiwala sa pakiramdam ko.

Lumapit ako dun sa lamesang pinaglagyan ko ng tsaa na inihatid niya.

Bakit ba hindi ako mapalagay? Parang may gusto akong patunayan. Ano iyon? Kakaiba ang amoy ng tsaa. Hindi ako eksperto sa ganito pero ramdam ko ang matapang na amoy na parang nakakahilo.

Nawala ang konsentrasyon ko nang may narinig akong tumunog sa paligid.

Parang may isinasara? O inilalagay sa paligid namin?

Pinilit kong buksan ang pinto pero hindi ko mabuksan!

"Sir Aizen! Sir Aizen!"

Dumilat naman siya agad at di nagsalitan lumapit sa pintuan.

Bumalik siya sa upuan niya at ininom ang tsaa.

"Sir!" Nakalimutan kong sabihin na hindi ako sigurado sa tsaa na yun.

Parang kakapusin ako ng hininga ng makitang bumagsak si Aizen sa sahig.

"Sir Aizen! Sir Aizen!" Hindi siya bumangon at parang hindi siya makahinga.

Tumulo nanaman ang luha ko na madalas namang lumalabas.

"Sir?! Anong gagawin ko?!"

Ilang minuto lang ay naramdaman ko ang panlalamig ng katawan niya.

Sino kaya ang gagawa sakaniya nito?

Tatawag sana ako pero wala namang kahit anong laman ang contacts ko maliban sa number ni Jiro na hindi naman sumasagot.

Anong gagawin ko?

Tumingin ako sa paligid ngunit wala akong nakitang kahit anong makakatulong sakin.

Tinignan ko muli ang tsaa na ininom niya. Paano siya nalason nito?

Nasulyapan ko si Aizen na hindi na gumagalaw ngayon at wala ng malay.

Gangs Of The General (GG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon