Chapter 103: GGs Decision

796 21 0
                                    

"Tandaan mo to Ashe, ako ang una mong magiging kalaban pag ipinagpatuloy mo ang pananatili dito"
--

Maagang nagpatawag si Lady M ng meeting sa buong GG.

Lahat naman ay nagpunta at lahat kami ay maiging tinignan ang babaeng nasa gitnang upuan sa tabi ni Lady M.

Hanggang sa meeting na to wala pa rin si General. Hindi ko talaga mapigilang mapaisip kung nasaan kaya siya sa mga panahong tulad nito.

Wala namang sinuman ang nagsasalita kahit itanong man lamang kung para saan ang meeting na ito dahil pag nagpatawag naman ng meeting ang isa samin alam na namin agad na mahalaga iyon.

Pero iba ang pakiramdam ko sa meeting na ito. Dahil kasama namin ngayon si Ashe. Kauna unahang beses na makasalamuha niya ang buong GG pero walang takot sa mga mata niya.

"GG, listen to this every word" pagsisimula ni Lady M. "My seal is not in my hands anymore"

"What?!"

Hindi nakikita ni Yohann ang mukha ni Ashe na walang mababakas kahit kaunting puso sa mga ito.

Wala manlang siyang binibigay na tingin sa amin maliban sa malayong direksyon.

"That means, you will be by her side and she will be by your side for my seal is in her hands"

"Bakit Lady M? Bakit kailangan niyo yung gawin?"

Nakakapagtaka at nakakagulat nga ang desisyon na yun. Bakit kailangan ni Lady M ibigay ang kapangyarihan niya kay Ashe? Hindi ko rin maintindihan ang ginagawa niya.

"Do your jobs well and maintain the balance in this school. That is the only thing im requesting to you"

"Pero Lady M bakit kailangan naming maglingkod sakaniya? Bakit kailangan naming gawin ang sinasabi mo? Alam ba to ni General?" Mukhang hindi lang nagtatanong ang mga matang iyan ni Axl. Nagagalit talaga siya.

Tss. Mahirap pa naman nagtiwala si Axl. Kung tutuusin pwede nga siya sa grupo ni Yohann e.

"Hindi ko masasagot yan. Hayaan niyong siya ang sumagot niyan" sabay tingin sa matapang na si Ashe.

"Hindi ako makapaniwala" sunod sunod na bulalas ng iba.

"Paano kami susunod kung hindi namin siya kilala"

Hindi ako makapagdesisyon.

Hindi sa hindi ko pinagkakatiwalaan si Ashe pero ayokong humawak siya ng posisyon na maglalagay sakaniya sa panganib niya kada minuto.

"Paano kung hindi kami sumunod?" Tanong ni Joshua mula sa grupo ni Yohann.

Hindi nagsasalita si Lady M at ganundin si Ashe. Sobrang kakaiba na niya. Kung siya dating Ashe paniguradong hawak hawak na niya ang kapiraso ng damit ng katabi niya at natatakot. Pero iba siya.

"Lets vote" pagtapos ni Lady M sa kung ano anong mga naririnig niya dahil talagang hindi kami magkakasundo. "Majority wins"

Sumang ayon ang lahat sa sinabi ni Lady M.

Maybe this would be the moment of truth.

"For those who are in favor to serve to her, please raise your hands"

Alam kong hanggang ngayon hindi pa rin makapaniwala si Yohann na si Ashe ang taong paglilingkuran niya kaya hindi pa rin siya makapagdesisyon.

Walang kahit sino sa amin ang nagtaas ng kamay. Pero nahahati pa rin ang utak ko kung paglilingkuran ko nga ba siya o hindi.

Siguro dahil wala akong tiwala sakaniya. Na kaya niya. At dahil na rin sa ayaw ko talagang magtiwala sakaniya dahil buhay niya ang nakataya dito.

"Walang kahit sino sa amin ang pumayag Lady M kaya hindi kami maglilingkod sakaniya. Hindi na kailangan pang ibigay sakaniya ang seal" sampitaw ni Axl.

"Kung ganun, kung hindi kayo maglilingkod sakaniya ay wala akong magagawa para pilitin kayo pero ang seal ay nasakaniya pa rin. Nasa inyo kung ayaw niyo siyang panigan"

Ashe patawarin mo ko kung hindi ko maibibigay ang gusto mo. Ayokong mapahamak ka. Hindi ko talaga kaya.

"Meeting dismissed"

Nakita ko sa mga mata ni Lorde ang pag aalinlangan ng sabihin iyon ni Lady M.

Ashe, malapit na ang tradisyon. Sana wala ka na dito sa mga panahong iyon.

Lorde's POV

Mariin ko siyang tinitignan ngayon habang hinahanap ang dating kakilala kong Ashe, pero nabigo ako. Wala akong mabakas na kahit anong pagiging inosente sakaniya.

"Wala sa panig mo ang GG anong binabalak mo ngayon?"

Binigyan niya ako ng ngiti. At hindi ko maitatangging kahit mapait ang mga ngiting iyon ay talagang gusto ko pa din itong nakikita.

"Ganun ba? Hindi naman talaga GG ang habol kong mapasakamay ko. Nasakin naman na ang selyo"

"Itigil mo na to Ashe" nanginginig man ang mga boses ko ay pinilit kong magsalita.

Parang maluluha ako anumang oras. Naiisip ko na ang mga susunod na mangyayari at hindi ko talaga kayang isipin ang mga ito.

"Huwag kang mag alala Lorde. Hindi ko ipapahamak ang GG"

"Hindi yun ang iniisip ko. Hindi lang yun. Mas iniisip ko ang kaligtasan mo"

"Gustong gusto ko ng makita ang sinasabi nilang pinaka nakakatakot na tradisyon"

"Ashe!" Napataas ang boses ko matapos niyang sabihin ang mga litanyang iyon.

"Huwag kang matakot para sakin Lorde. Matakot ka para sa mga hindi mailalabas dito kung mas pagtutuunan mo ako ng pansin"

"Tandaan mo to Ashe. Ako ang unang una mong magiging kalaban kapag ipinagpatuloy mo ang pananatili dito"

"Masaya kong marinig yun mula sayo Lorde"

Umalis na siya sa lamesang kinauupuan namin at lumakad palayo sa akin.

Ashe, kahit hindi ka maging sakin basta huwag kang mawala sa buhay ko.

"Masyadong malalim pala ang ugnayan niyong dalawa?"

"Axl?"

"Hindi ko maintindihan ang hakbang na to ni Lady M pero naiisip ko rin minsan na siguro nga dapat lang na nasa atin ang babaeng iyon"

"Axl, ano bang sinasabi mo? Alam mong wala siyang maitutulong sa atin!"

Humarap siya sakin ngayon at pinakawalan ang mabigat niyang mga salita.

"Pero alam mong makatutulong na malapit siya satin para hindi na siya magamit ng Masters Turner laban sainyo ng paulit ulit"

Pakiramdam ko wala akong tama sa araw na ito. Pakiramdam ko lahat nalang ng sabihin ko ay walang silbi.

"Lorde"

Isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin.

"Anong ginagawa mo sa labas ng opisina ngayong gabi?"

Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang mga tanong niyang iyon. O talagang ayoko lang siyang sagutin.

"Ipinapatawag ka bukas ni Lady K. Maraming kailangang ipataw na parusa sa mga kagang mo. Pasensya na"

Ano to? Anong parusa ang sinasabi niya?

Naomi, ano nanaman ang binabalak niyo?
--
If youve liked this part kindly vote! Thankyou! -therulebreaker

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon