Chapter 118: Viribus

827 23 2
                                    

"Play this game, everywhere and everytime"
--

Kamusta na kaya si Ashe? Naapektuhan kaya siya?

Gusto ko mang puntahan siya ay hindi na ako nakarating ng abutan ako ng Viribus.

Isang laro. Kung saan kailangan naming patayin ang kahit sinong iatas ayon sa speaker.

Tinignan ko ang paligid habang tumutunog ng malakas ang nakakatakot na sirena ng eskwelahan.

"Kill the person behind you now"

Agad kong inambahan ng kutsilyo ang nasa likod ko pero talagang nasa huling parte na nga ako ng laban sa BEU dahil napakagaling din niya sa pakikipaglaban.

Lalaki siya at hindi ko siya kilala pero mukhang may gusto talaga siyang makuha.

Buong lakas kong tinanggal ang pwersa niya sa akin ngunit agad niya akong nadaplisan ng hawak niyang maliit na balisong sa tagiliran na talagang masakit.

Mahirap talaga siya kalabanin lalo nat hindi pa ganun kagaling ang sugat na nilikha ni Cless sa akin.

Pero tinadyakan ko ang pagkalalaki niya at sinaksak siya agad sa dibdib dahilan para mamatay siya agad.

Imbis na puntahan si Ashe ay nagpunta na ako sa dorm dahil baka abutan nanaman ako ng Viribus sa daan.

Shit. Nagdidilim na ang paningin ko.

Nahihilo na ako kaya laking pasasalamat ko ng makarating ako ng ligtas sa dorm.

Hinanap ko kaagad ang first aid kit pero iba ang nakita ko.

"Hey? Where am i?"

Si Jiro na wala sa sariling nagtatanong kung nasaan siya.

Hindi ko siya masagot dahil sa sobrang panghihina ko.

Nauubusan na ata ako ng dugo.

"Thats weird"

Napakunot ang noo ko kahit hindi ko na siya malinaw na makita ay alam ko sa mga mata niya na malaki ang pagtataka niya.

"I saw a beautiful girl. But she was called Daryl?"

Hindi ko siguro maipapakita pero talagang tawang tawa ako sa loob ko dahil sa narinig ko.

Bumagsak na ako sa malamig na sahig at tanging ang malalmig na sahig nalang na yun ang huli kong naramdaman.
--

Malamig ang nasa noo ko habang mainit ang buo kong katawan.

Isang lalaking may mga hikaw sa ibat ibang parte ng katawan ang unang nakita ko.

"Hey Sarci youre alive!"

Gago talaga. Hindi Sarci ang pangalan ko. Mabuti nalang at hinang hina ako kundi ay naputulan ko na ng ulo ang lalaking ito.

Pero kahit hinang hina ay nanlaki pa rin ang mata ko ng makita siyang tinatanggal ang bimpo sa noo ko.

"Nelho said that you saved me. Well, thankyou"

Parang mas uminit pa ang pakiramdam ko pag nagsasalita siya.

"Anyways, i know that i have something that you need that is why youre saving me right?"

Oo. Ikaw ang nakakaalam ng kutsilyong magpapatunay na si mama ang pumatay sa namumuno sa lugar na ito noon.

Lumapit ng kaunti ang mukha niya at tila siya may tinitignan talaga.

"Where did this wound came from?"

Bakit ganito. Naninigas ako sa bawat buga ng hangin na nagmumula sa bibig ng taong to.

Kahit nilalagnat ako ay biglang naramdaman ko ang pagbuo ng pawis sa akin.

Gangs Of The General (GG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon